Kyle
"Sorry na, Ma" Nagmamakaawa ako kay Mama Pau nang matapos ang shoot ko ngayon, thursday na.
"Pwede bang i-adjust na lang 'yung shoot ko? kaya ko next week, dalawa lang naman 'yon 'di ba? same day na lang po para mabilis" Sabi ko, naglalakad papunta sa sasakyan.
"Ewan ko sa'yo, Kyle, last month pa naka-schedule 'yung shoot mo na 'yon, at finals mo next week, ano? kaya mo?" Sabi niya habang nauunang maglakad sa akin.
11pm na pero nagmamakaawa pa rin ako! Ayaw kong i-cancel ang plano namin ni Kim dahil excited na siya, excited na rin ako! tsaka baka malungkot si Kim kapag hindi kami natuloy, ayaw ko namang ako pa ang cause ng pagiging sad girl niya!
"Ako na kakausap, please?" Ginamit ko na ang super powers ko, sumimangot ako at yumapos sa braso niya.
This'll work! Ha! kuhang-kuha ko siya 'pag gina-gan'to ko siya eh! ang tagal ko pang nakayapos sa kaniya habang nag-iisip siya!
"Ako na ang kakausap, baka lalo kang bitawan" Aniya, hindi ako tinitingnan!
Binitawan ko siya at ngumiti! tumayo ako nang maayos at nagbow sa kaniya nang tuloy-tuloy! parang mababali na ang leeg ko kakayuko!
"Ok bye! Love you, Ma! see you sa shoot, tuesday ha? tuesday! love you" Tinuro ko siya at nag-flying kiss pa habang nagwe-wave ang kamay ko habang papalayo sa kaniya.
Buti na lang gumana 'yung charm ko! medyo mahirap siyang kumbinsihin ngayon ha? dati, isang please ko lang ok na eh!
Mama Pau's my manager!
"Hoy!" Nagulat ako nang hilain ni ate ang damit ko nang makapasok ako ng gate, bumubulong pa siya!
"12 na, ba't ngayon ka lang?" Bumubulong pa rin siya, hindi pa kami nakakapasok ng bahay.
"Galing akong shoot, tapos traffic pa" Bumubulong na rin tuloy ako! Ano bang meron?!
"Bakit ka ba bumubulong?" Tanong ko, bumubulong pa rin habang hawak na ang doorknob ng pinto.
"Shh, if malaman ni Mom na we're still outside at this hour, patay tayo" Bulong niya, tumaas ang kilay ko.
Ah.. tumakas siya? alam naman ni Mama na late ako uuwi, siya hindi? Ngumiti ako at binuksan nang malakas 'yung pinto, sapat na para marinig nilang nasa bahay na ako pero sapat na rin para hindi magising 'yung maliit.
"Oh fuck you" Tinarayan ako ni ate at tinanggap na lang na wala, patay siya!
"Oh, sabay lang pala tayong nakauwi, sa'n ka galing? HUH?!" Tanong ko pa sa kaniya nang makitang lumabas ng kwarto sa taas si Ma.
BINABASA MO ANG
unforeseen (perennial love #1)
Romance𝚙𝚎𝚛𝚎𝚗𝚗𝚒𝚊𝚕 𝚕𝚘𝚟𝚎 #1 Kim and Kyle, who loves each other and are inseparable will experience unforeseen events, what unforeseen circumstances could it be?