Chapter 4

4 0 0
                                    

Sebastian's POV

   It's been a week simula nang magpakita sa akin yung babae sa school, that day hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.Haayyss, napadausdos nalang ako sa arm chair ko.

"Baste, may group meeting daw tayo mamaya doon sa field."

   Tinanguan ko lang si Quian, isa pa tong group activity na pinapagawa sa amin ni prof. na sobrang hirap.Hindi naman to related sa course namin at ewan ko ba rito kung ba't may pa-hiking pang nalalaman.

   Napag-isipan ko ng tumayo ng maramdaman kong wala ng tao dito sa loob ng classroom.Palabas na ako ng room namin nang may makabangga akong isang babae, muntik pa itong madapa buti nalang ay kaagad ko naman siyang nahawakan sa kamay.

"P-Pasensya na.."

   Sabi nito saka dali-daling tumakbo papalayo, anyare dun?..Nagpatuloy na ako sa paglalakad, tanaw ko mula sa malayo yung kapatid ko na kumakaway sa akin kaya't tumakbo naman ako papalapit dito.

"Sino yun?"

Tukoy nito sa babaeng nakabangga ko.

"Hindi ko kilala eh, tara na baka kanina pa naghihintay si dad."

"Uhm kuya kasi.."

   Napatigil naman ako sa paglalakad at hinarap siya.Ano na namang kadramahan to?, tinignan ko naman siya na para bang naghihintay sa susunod nitong sasabihin.

"..eh kasi may group project kami kaya mag-o-overnight kami kina Pauline."

"Tapos?"

"Uhm, patulong namang akong magpaalam kay daddy pleaassee!"

   First of all, hindi  din ako sang-ayon sa overnight na yan and I'm sure na mas lalong si dad din.Syempre baka may mga lalaki pala silang kasama, hindi naman yan maiiwasan kasi group project yan.

"Wala naman pong lalaki sa grupo namin eh!"

"Bakit, tinanong ba kita?hmm, defensive ka ata?"

"Eh kuya naman eh!"

   Napabuntong hininga nalang ako saka ko siya tinanguan, hindi rin naman ako makakatanggi kasi napaka spoiled niyan mana ata kay mom.

   Nagpaalam na siya sa akin saka lumapit sa mga kasamahan nito na nasa gate, ako naman ay papunta na sa field.Nakita ko naman yung ibang mga ka-groupmates ko na halatang nagsisimula na sa pagdi-discuss.Umupo lang ako sa bandang likuran.

"So I will assign kung sino yung mga makakasama niyo.."

   Hinati kasi kami sa dalawang grupo nung leader namin which is yung kabilang grupo ang naka-assign sa research habang kami naman ang interviewer, we're trying to communicate for other people's idea or suggestions for our slogan kasi.

"..sa group A which is the researcher ay sina Cris, Myra, John, tapos ako.while the rest are the interviewers.Got it?Don't worry kami na ang bahala sa mga itatanong niyo, remember this must be done in outdoor school kaya okay lang if you ask to your friends or even your families."

   Nagkatinginan naman kaming apat na siyang mga interviewers, kasama ko si Quian samantalang yung dalawa naman ay hindi ko kilala.

"So let's wrap up, kayo na ang bahala sa mga strategies niyo and just update me about your works.Una na kami sa inyo."

   Sabi nung leader namin saka umalis na kasama yung mga kasamahan niya, naiwan naman kaming apat dito sa field.The awkwardness filled the atmosphere among us, ni isa sa amin ay walang umiimik.

"So guys, I'm Quian and I hope that we will make this activity done well."

   Pagbasag nito sa katahimikan, medyo mahiyain naman yung babaeng nakasalamin at panay ang pagyuko nito habang yung isang lalaki naman ay kalmado lang, na para bang he's a type og groupmate na walang ambag bale sumasabay lang kung may nagawa na ang lahat.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Aug 05, 2020 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

The Unsolved Case Of Miranda's DeathTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang