tertin

6 1 9
                                    

Nasa bahay ako ngayon at hindi pa rin maalis sa utak ko yung nangyari kanina

"Bakit ba ang issue ko? Eh mag kaibigan naman kami non kaya ayos lang kung maging ganon kadikit muka namin diba? Wala namang malisya don" pag kausap ko sa sarili ko sa salamin

"Kaso hindi eh lalaki kasi yon eh, pero ano naman? Bak--" napatigil ako sa pag kausap ko sa sarili ko ng makita ko sa salamin ko na naka tayo si mama sa may pintuan

Nanlaki mata ko "Ma?! Kelan ka pa nandiyan?! Bakit di kita naramdamang pumasok?!" Gulat na gulat na tanong ko dito

Tumawa siya kaya naguluhan ako "wag kang mag alala kakapasok ko lang wala akong narinig, don lang sa part na 'pero ano naman?'" Pang gagaya niya sa boses ko

Napa buntong hininga ako

Salamat naman, kundi issue nanaman 'to si mama

"What's in your mind? and what's with the sigh?" She asked at lumapit sakin tapos sinuklayan yung buhok ko

"Wala po nag papractice lang akong umarte para po sa filipino namin" pag dadahilan ko rito " bakit ka nga po pala andito?"

"Ahh, ready na yung pag kain sa babae halina't kumain" tumango ako

Bumaba na kami at nadatnan doon si papa na hinihintay kami sa hapag kainan

"Pinapatanong nga pala ni elise kung wala tayong gagawin sa sabado kaya naman sinabi ko ditong wala" sabi ni papa

"Bakit daw po?"

"Hindi ko din alam eh" tumango ako

Bakit kaya hindi na lang ako chinat?okaya hindi na lang ako pinuntahan dito? May sapak din yon eh

"Ah, Gal" pag tawag sakin ni mama, nilingon ko ito

"Po?"

"Bukas na ulit yung alis namin dahil nag karoon ng problema sa company, hindi pa namin alam kung kailan kami babalik kaya papalagyan ko na lang yung credit card mo ng 1million para sure" sabi ni mommy na ikina laki ng mata ko

"wa-one million?"na uutal na tanong ko

"Bat parang nakakita ka ng multo diyan?" Singit ni papa na tumatawa

"Ang laki non pa"

"Para sure lang naman para din huwag ka ng mag luto ng pag kain mo at baka masunugan pa kayo dito, ayaw naming wala ng mauwiang bahay pag uwi namin" pagbibiro ni papa na nginusuan ko. Ah nga pala wala yung mga kasambahay namin dito lahat sila pinag-off muna nila mama hindi ko alam kung bakit at hanggang kailan pero ok na din 'yon, ayaw ko din kasi na may kasama lagi sa bahay hindi ko naeenjoy hahaha.

"Pwede mo ring dito muna pa tulugin mga kaibigan mo para hindi ka naman mag isa dito, tsaka may tiwala namn kami sayo" sabi ni mama na ikinangiti ko

Naluluha akong tumingin sakanila "mama" sabi ko ng naka nguso at....

Umiyak :D

"Uwahhhhhh" hagulgol ko

Lumapit sakin sila mama ng tumatawa "iniiyak iyak mo diyan?parang tanga hahaha" si mama yan na naka yakap sakin

"Kaya wag mong sisirain tiwala namin sayo ok?" Papa said

"Opo" sabi ko habang pinupunasan ni mama yung luha ko

"Kain na tayo"
...

Umakyat nako sa kwarto ko pag katapos na pagkatapos naming kumain, naka higa ako ngayon sa kama ko, alangan namang sa sahig? Pwede din.

Kinuha ko ang phone ko at nag online, and guess what? Sabog messenger ko ang daming nag notif mga bhe!

Madaming nag notif pero sa iisang...gc? Yeah gc lang yon pero hindi ko alam kung anong gc ito

From I Hate you to I Love youWhere stories live. Discover now