tertieyt

18 2 4
                                    

"Ey, shall we watch a movie again in Saturday?" Troy asked.

It's already break time but we're on the rooftop. Tapos na kaming kumain at dito namin napag diskitahan na tumambay, buti na lang walang estudyante kaya mas tahimik at presko ang hangin.

"Where? Cine o bahay?" Si James.

"Cine"

"Count me in" I said and looked at them.

Mac and Elise are on the couch. Dana, Lucas, Harley and James are sitting on the chair while Acer and Troy is on my side na nakasandal pa ang magkaparehas na siko.

Lahat ay pumayag at pinag usapan kung anong oras mag kikita-kita.

Nagtama ang mga mata namin ni Lucas kaya naman mabilis akong umiwas at kay Troy na nag sasalita tumingin. I can't look at him ever since our talk last night. I'm still worried yeah, but I can't look at him for no reason.

"Let's meet infront of the mall at 11:00 am, ok?" Sabi ni Troy na tinanguan namin.

"Libre mo?" Siko kong tanong sakaniya.

He chuckled "wala ng libre sa mundo"

"Aya ka kasi ng aya eh, psh"

"Pumayag ka naman" nginusuan ko siya at nagulat ako ng mabilis niyang ilapit ang pisngi niya doon dahilan para mahalikan ko iyon.

Nanlaki ang mata ko at ilang segundong pang natigilan bago marealize ang nangyari "Troy Walkerrrr" I shouted.

Tumakbo siya papalayo sa akin ng makitang hahabulin ko siya. Hinabol ko ito pero masyado siyang mabilis kaya hindi ko siya nahila.

Fuck, pano kung nakita yon nila Elise?

"Woah, sa buong buhay ko ngayon lang ako nalito kung sinong nang nakaw ng halik" sabi ni Acer na ikinainit ng pisngi ko.

Tumingin ako kay Troy na tatawa tawa habang nakapikit ang mata. Nawawala kasi mata niya kapag tumatawa dahil may pagka singkit ang mata niya.

Patay ka sakin chinong hilaw

Ginamit ko ang pagkakataong iyon upang tumakbo ng mabilis at hawakan siya sa damit dahil tatakas pa sana siya. Hinampas ko ito sa braso at tinignan ng masama "what?" He asked while laughing.

Nag habol ako ng hininga at humawak sa dibdib habang ang isang kamay ay naka hawak sa hoodie niya "bakit mo kiniss yang" sinampal ko ito "Yang pisngi mong manyakis ka, huh?" Sabi ko at sinampal ulit ito.

"Ouch, sorry na ok? Sorry, I just want to play" pinandilatan ko siya ng mata dahil sa sinabi.

"Kailan pa naging laro yung kiss, huh? Sige nga" humawak ako sa bewang at itinaas ang kaliwang kilay.

"Ngayon lang" he said while grinning.

"You're getting on my nerves" I said and sat beside of Elise.

"How's the lips? Buti na lang hindi lips ni Troy kundi wala na yang first kiss mo" taas babang kilay na sabi ni Elise na inirapan ko lang "oh, come to think of it, andyan pa ba yung first kiss mo?"

"What do you mean?"

"Eh hindi mo pa ba nacoconfirm yung inyo ni Lucas? "

Tinakpan ko ang bibig nito dahil nakita ko si Lucas na napatingin sa gawi namin "ang ingay mo, kaya ayokong sabihin sa'yo eh" napanguso siya sa sinabi ko.

"Why? What happened?" Napasapo ako sa noo dahil nakalimutan kong katabi lang namin si Mac.

"N-nothing" I said and put my head to Elise's shoulder.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

From I Hate you to I Love youWhere stories live. Discover now