twentipayb

9 1 4
                                    

Galaxy's POV

Thursday ngayon and yes, ngayong araw na ang aming fieldtrip. Magaling na ako,yung mga pasa ko ay hindi na gaanong kita, yung mga sugat ko naman ay magaling na din, nag peklat nga lang yung iba

Gaya nga ng napag usapan hintayan kami sa tapat ng bus hanggang sa makumpleto kami

Sa kasalukuyan naming hinihintay si Mac dahil wala pa ito, may binili pa ata "omg excited na akoooo" tili ni Elise kaya napatakip ako ng tenga, pano ba naman sa tapat ng tenga ko pa tumili pisti

Pinalo ko ito sa noo niya kaya tinignan niya ako ng masama "sakit mo sa tenga bhe" tinarayan niya lang ako at kinausap si Dana na naka sandal sa bus

Nakita ko si Troy na pinapasok yung mga pag kain at iba pang gamit ng mga kaklase namin sa lagayan dito sa ilalim ng bus "need help?" Nginitian ko ito

"No need, masyadong mabigat" tinawanan ko lang siya at binuhat na yung mga box na nasa harapan ko

"Mabigat daw? Ang gaan nga eh" napailing na lang siya at itinuloy na ang ginagawa "hindi ka naman namin kaklase ah bakit ikaw gumagawa nito?" Pano ba naman yung iba kong kaklaseng mga lalaki walang ginagawa, yung iba nag cecellphone, yung iba nag kekwentuhan, yung iba naman papansin lang sa girls, psh

"Masyado kasing masakit sa mata kapag pakalat kalat, kaya ako na lang gumawa tutal wala atang balak mga kaklase mong gawin" tumawa siya at inilagay ang pinaka last na box

Hinila ko ang damit nito dahilan para mapatingin siya "mamaya kapag niyaya nila akong sumakay sa rides ipag tanggol mo ko ah, ayokong sumakay eh mahihilo ako" bulong ko sakaniya at tumawa

"I'll try, pero baka hindi mag work kasi makukulit yang mga yan eh" napanguso na lang ako dahil totoo naman ang sinabi niya

"Basta huwag kang papayag hehe" tumango tango lang siya na tatawa tawa pa

Maya maya pa ay dumating na si Mac kaya pumasok na kami, nasa pangatlong upuan ako wala pa akong katabi kasi nasa labas pa sila Harley. Sa likod ko ay si Elise at Mac tapos sa upuan naman sa kabila ay si James tapos sa likod niya si Acer

"Mac anong binili mo? bat ang tagal mo?" Dumungaw ako sakanilang dalawa na nag haharutan

"Wala akong binili, naiwan ko lang yung wallet sa bahay kaya binalikan ko" napa ahh na lang ako at bumalik sa pagkaka upo

Pumasok na ang apat "tabi tayo" sabay na sabi ni Troy at Lucas sa harapan ko na ikina salubong ng kilay ko

Ang dami daming upuan bakit dito pa nila gusto "a-ah si Dana katabi ko eh, tara da-"

"Sorry kay Acer ako tatabi eh" napakunot ang noo ko sa sinabi niya at siya naman ay tuloy tuloy na pumunta sa tabi ni Acer

Kelan pa naging close tong dalawang 'to? Parang kahapon lang halos mag sapakan na sila eh

"U-uhm...si H-harley katabi ko hehe, har--"

"Sorry kay James ako tatabi" mas kumunot ang noo ko sa sinabi niya

Seriously?

Tumingin ako kay Elise na tinignan lang ako ng may malaking ngiting naka guhit sa mga labi

Damn

"Ah nevermind, I'll seat with Jane na lang" sabi ni Troy at pumunta na sa tabi ni Jane na nasa likuran nila Acer. Jane is our president nga din pala so she knows them and they know her

"So...can I?" Nabalik ako sa wisyo ng mag salita si Lucas na nakatayo parin pala hanggang ngayon sa harapan ko

"A-ah, huh? I mean, o-oo sa bintana na lang ako pepwesto" sabi ko at gumilid na

From I Hate you to I Love youWhere stories live. Discover now