Chapter 2

14 3 12
                                        

One week had passed. Isang linggong pagtitimpi na rin ginagawa ko kay Alcaraz. Sobrang nagkakasundo sila ni Hanz tapos si Faye naman ang daming kinukwento sa kanya. Pakiramdam ko pinapalitan niya na ko sa grupo. Kainis.

"Hoy, Ms. Brainy head kung nakakamatay ang tingin kanina pa siguro ako pinaglalamayan," pang-aasar niya. Aba, talaga ako nanaman ang napansin.

Paano ba naman ang ingay-ingay niya talaga. Oh Lord, give me more patience pa po, baka makagawa nanaman ako ng kasalanan.

"Excuse me Mr. Smirky face, you're too freakin' noisy and look hindi ako makapagfocus," pointing at my accounting book na kanina ko pa binabasa kaso wala akong naiintindihan dahil sa ingay niya.

Nandito kami ngayon sa Café de Cano, coffee shop sa harap ng PLU na madalas naming tinatambayan para magreview o kaya magrelax.

But now? I'm not relaxed nor in state to review for our oral recitation later. Kaya ko naman siguro yun, nakinig naman ako kahapon.

"Kayang-kaya mo naman na kasi yun Dianne for sure makakasagot ka na mamaya," pandedemonyo ni Faye sakin para isara yung libro ko. And the victor goes to her.

I closed the book. Wala naman akong patutunguhan dito lalo na't wala sa sistema ni Alcaraz ang pagtahimik.

"How the three of you became friends? 'Di ba STEM ka, Hanz?" daming tanong pakialam mo ba.

Inhale. Exhale. Breathe.

Pinakalma ko muna sarili ko kasi puro na lang pambabara nasa isip ko. I don't know, despite of a week na kasama namin siya kumukulo pa rin dugo ko whenever he's around. Siguro talagang hindi lang maganda unang pagkikita namin. Simula noong naki-upo siya sa mesa naming nung first day, palagi na siyang sumasama kala mo tropa eh.

"Order lang ako saglit," paalam ko sa kanila para pansamantalang magkaroon ng katahimikan ang tenga ko. Before standing I heard Hanz answering his previous question.

Lumakad ako papunta sa counter para mag-order. Sobrang cool ng cafe na 'to kasi ang dami nilang tinda. May cafes, frappes, cakes, cookies, teas and may ice cream din. No wonder palaging puno rito.

"Large strawberry cookies and cream please," sabi ko sa babaeng nasa counter.

A minute after, hindi pa rin siya gumagalaw. Sinundan ko kung saan siya nakatingin and I saw that she's looking to that annoying guy.

"Hey miss, strawberry cookies 'n cream na large," ulit ko sa order ko. Bakit ba niya tinititigan yun. Well, he has the looks but whatever ayaw ko pa rin sa kanya.

"Ah eh kanina pa po ba kayo? Sorry po," nahihiyang tanong niya habang pinapunch yung order ko.

Nginitian ko na lang siya.

"Sa Parisean pala siya nagtransfer? " Narinig kong sabi niya sa kasama niya habang nagpeprepare.

"Nakikita mo na nga diyan tatanungin mo pa," sagot naman nung isang ate.

Natawa ako sa usapan nila kaya tumalikod ako saglit. Nakakahiya naman kung tatawa sa harap nila, hindi naman ako kasali sa usapan.

Pero sandali nga, halos buong school kilalang kilala siya ako lang ata ang hindi. Ang famous naman niya. Kung alam lang nila gaano siya nakakainis. Sa panahon kasi ngayon basta gwapo ka sisikat ka na. Isa pa, varsity siya ng AU.

Natapat yung mata ko sa kanila. Masaya silang nag-uusap, grabe pinapalitan niya na ata talaga ako.

"Large strawberry cookies 'n cream," sabi ni ate, nakalimutan niya kasi kuhanin pangalan ko kanina sa sobrang pre-occupied niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Susunod na Habang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon