•••

23 4 16
                                    


Everything happens for a reason..


Iyan, 'yan na lamang ang pinanghahawakan ko sa kabila nang lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon. Pilit kong iniisip na despite all this shits, there's a rainbow after the rain.

In short, nagpapaka-positive ako kasi wala naming magagawa yung pagmumukmok sa isang sulok. You have to live with the pain, ganyan ang buhay ng tao.

Walang kasiguraduhan ang buhay, you must keep going dahil kung hindi? Wala, mananatili ka na lang kung nasaan ka ngayon. Huwag kang papaya na ma-stuck sa lugar kung saan nando'n ang lahat ng sakit na dinaranas mo. Huwag mong hayaang lamunin ka ng kalungkutan hanggang sa malunod ka.


Kaya heto ako ngayon nasa pinakatuktok ng mundo-- este sa Concha sa Tagaytay nag-unwind muna sandali.

I closed my eyes para damdamin ang fresh air. Ang sarap, bawat hampas ng hangin sa mukha ko, nakakawala ng problema. Para bang sa bawat hampas kasamang tinatangay lahat ng sakit. Sobrang peaceful sa pakiramdam, nakakarelax.

Idagdag mo pa yung breath-taking view ng Taal dito. From here, kitang-kita ko yung kabuuan ng Taal, buti na lang hindi mahamog kaya malinaw yung Taal sa gitna ng lake. This place has always been my escape from everything.

Tumayo muna ako para mag-order.

"Yun lang po, Ma'am?" 

"Yes"

"Name po?"

"Aurie"

Pagkasabi ko nun bumalik na ko sa pwesto ko kanina para hintayin yung order ko.


Nakatayo lang ako at nakasandal sa bakal na grills nila dito. Grabe kitang-kita ko from this view yung mga ulap sa kalangitan. Sobrang ganda talaga. Parang dinadala niya palagi ako kung saan, naglalakbay yung utak ko kasama ng mga ulap sa tutok ng Taal. At hindi ko napansin na tinatawag na pala ako ni Ms. Cashier.

"Miss Aurie, Miss Aurie"

"Uhm yes coming," sagot ko sa kanya, baka sumigaw uli siya nakakahiya.


Pagkakuha nung coffee syempre bumalik ulit ako sa pwesto. Sinulyapan ko yung pangalan, mali pa rin yung spelling. Never na atang may makakatama sa spelling ng Aurie.

This time, umupo na ako pero syempre with the same view pa rin. Tumingin ako sa wrist watch ko, it's almost 4 na rin pala. Sorry Taal view I need to do something. Nilabas ko laptop ko and I checked my emails kung may importante bas a mga ito. Buti na lang walang urgent email sa mga 'yun.

Nagbrowse lang ako ng nag-browse sa files kong napakarami. Hindi ko pa pala nabubura yung ibang mga reading ko dito noong college.

Habang tinitingnan ko isa-isa lahat ng files, may isang nakakuha ng atensyon ko. Hindi siya katulad nang ibang file na mahaba ang file name at alam mo talagang case reading siya, pero ito short and precise lang ang title.

Sweet Serendipity

That was the file name. Hindi ko na matandaan kung saan ko ba ito ginamit. Dahil sa curiousity ko, binuksan ko siya. As I opened the file, nanlaki yung mata ko lahat, naalala ko kung gamit nito at kung saan ko siya ginamit. Ito yung mga bagay na hindi na dapat inaalala. Dapat ibinabaon na lang sa limot.

Natulala ako dahil sa nabasa ko, unang linya pa lang isinara ko na uli yung file, naisip kong maayos naman na ang buhay ko, hindi ko kailangan pa 'tong basahin. Nagulat ako sa biglang nagbeep nang phone ko at agad kong kinuha iyon galing sa aking bulsa para tingnan kung sinong nilalang ang nagbabalak manggulo sa akin.


09*****2378

It would have been fun, if you would have been the one.


Weird. Who the freakin hell is this? Ang creepy naman. Hindi ko na lamang pinansin 'yung text, baka wrong send lang. Nilingon ko ang orasan ko at past 6 pm na rin pala, almost two hours ko rin palang hinalungkat yung mga files. Malapit na rin dumilim, pinatay ko na yung laptop at inilagay ko sa loob ng bag at tumayo na para makaalis.

The mixing colors of yellow, red and orange caught my eye. This is my favorite part of the day! I'm busy criticizing the beautiful scenery with the sunset. It was heart-warming, it'll always be my comfort.

Dahil malamig at palubog na yung araw, nag-countdown ako sa isip before the sun goes down then I closed my eyes for the last time before I leave.

"Hello, can I sit here?"

Napatingin ako sa nagsalita. Anak ng tinapa! Bakit 'to nandito? Akala ko ba nasa America 'to? Ang ganda-ganda na ng araw ko eh.

"Sure, I'm almost leaving," sambit ko habang nakatitig pa rin sa kanya.

Shit, wala akong ibang masabi para bang umurong yung dila ko at nakalimutan ng bibig ko kung paano magsalita dahil sa kanyang deep blue eyes na para akong hinihila sa ilalim ng dagat, sa mahahaba niyang pilik-mata, mga takas na buhok na nakabagsak sa kanyang noo and his fine-jawline. 

Nang marealize kong hindi tama 'tong pagpapantasya ko, yumuko ako at nagtakang umalis ngunit sa aking paghakbang palayo, hinawakan niya ang pulso ko nang mahigpit. Anong akala niya, gano'n gano'n na lang 'yun? Parang walang nangyari, kalimutan na lang lahat ganu'n ba gusto nito?

Pero shit, I hate my self for not doing anything nor moving para kumawala sa pagkakahawak niya.


"I'm back"

Sa Susunod na Habang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon