-update-
"So what are your plans about what happened?"tanong ni Kio saakin at napaisip naman ako
Ano nga bang gagawin ko sa nangyari? Siguro hihingi ng katarungan para kila mama,at mapakulong na ung dalawang demonyo na sumira sa buhay ko
"magsasampa ako ng kaso, hindi ko hahayaang masawalang bahala nalang ang nangyari kila mama at papa"sabi ko
"Hindi naman ganon kadali yon but I'll support your decision, papabagsakin natin ang mga Velasco" pagsangayon nya sa sinabi ko
Nakapamasyal parin kami kahit may nangyaring kaguluhan kanina, pinaguusapan nalang namin kung anong plano ko at pano ko papatakbuhin ang negosyong itinayo nila mama
*****
Ilang araw na ang nakalipas since nung nanghingi saakin ng sorry si caleb pero hindi ko tinanggap
Nakapagsampa narin ako ng kaso at buti nalang ay nasa kalalagyan na si Mr.Hakiro
Dahil may awa padin naman ako kay Caleb ay hindi ko muna sya sinampahan ng kaso, bagkus ay tinanggap ko muli sya na parang walang nangyari
Pero nagiba ang pakikitungo nya saakin,maingat lagi ang kilos ni Caleb kapag kasama namin sya dahil narin siguro natatakot na magkamaling muli
"Caleb"tawag ko sakanya at dali dali syang pumunta saakin at binigyan ako ng mukhang nagtatanong
"Hindi mo naman kailangang maging maingat,gusto ko yung dating ikaw,dating nakasanayan ko at dating kaibigan ko"ngumiti ako sakanya at ngumiti rin sya saakin pabalik
"Salamat"sabi nya saakin at nagsisimulang maluha natawa naman ako ng mahina dahil sa kadramahan nya
Jusmeyo Caleb antanda mona para pagdrama, ay isa rin pala ako doon
"tama na dramahan,pagkain o!"sigaw ni pia saamin at nilapag ang dalawang plastic sa mesa nagkatinginan pa kami ni caleb at mahinang natawa bago tulungan si Pia
"Asan yung malandi mong jowa?"tanong saakin ni pia
Sa pagkakaaalam ko ako yung malandi ah
"Andon sa kabet nya"pangloloko ko sakanya at napakunot naman ang noo nya at mabilis na lumapit saakin habang hawak pa ang pangsandok
"sabihin mo sakin,sino kabet nya sasaksakin ko lang"gigil nyang tanong saakin habang naka duro ang sandok sa tapat ko
"andito sa bahay"sabi ko at mas ikinainis nya
Lumingon lingon pa sya para hanapin ang kabet kuno ni Kio atmuling humarap saakin
"Wag mong sabihing tanggap mo ang kabit ni Kio dito?!"sabi nya at bahagya akong napangiti
Mental Hospital abot nito
"Gusto mo makilala?"tanong ko at mabilis niyang binaba taas ang ulo nya na nagsssabihing sangayado sya at gustong gusto malaman
"ayan o"sabi ko at tinuro si Caleb napalingon naman si Caleb sa gawi namin at halatang gulat din
Sorry na Caleb,sinasadya
Natawa naman si pia at humawak pa sya tiyan nya
"What the-Caleb! U didnt told me na ur gay!"sabi nya habang tumatawa tingnan ko naman si caleb at nakita ko sakanya na nawirduhan sya sa nangyayari sa kaibigan namin
"baliw nayan hayaan mona"sabi ko sakanya at tumulong sa pagaayos
Ilang minuto pa ay nagtext saakin si Kio na magkita daw kami sa pinakamalapit na park kaya agad akong nagpahatid kay Caleb at iniwan si Pia magisa
Baka masunog yung condo dahil kay pia,lagot ako nyan
----
Mabilis lang kaming nakarating sa park at binigyan ko muna ng babala si Caleb kasi baka masunog ni Pia yung condo
Iniwan nya na ako doon at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad
Andami kong nakikitang bata kahit gabi na,naglalaro sila at nagtatakbuhan
Habang tuloy tuloy ako naglakad ay natapilok ang bata sa harap ko kaya agad ko iyong inalalayan at nginitian muna bago sya umalis
Nagpatuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa nakita ko si Kio na nakatayo sa poste,nakatalikod saakin
Balak ko sana syang gulatin kaso bigo ako,lumingon sya sa lugar ko e nyemas
Nakangiti sya ngayon sa harap ko, how I even get this guy he's so unrealistic
"tara" yaya nya saakin at sumunod nalang ako
Huminto kami sa d mataaong lugar kung saan may fountain at may magaandang ilaw at displays
Namangha ako sa lugar kaya napatitig ako doon ng matagal hanggang sa may nagflash na ilaw
Lumingon naman ako kay Kio at nakita kong hawak nya ang camera at nakatutok saakin
"You're so beautiful" sabi nya saakin at lumapit naman ako sa kanya para tignan ang picture
Photograperist ang gandaaaa
"Ako lang to"sabi ko at nagpacute pa
Ngumiti naman sya saakin at umupo sa may bench
Tumabi ako sakanya at tinitignan muli ang lugar
"Do you want to know why I bring you here?"tanong nya saakin at napatango naman ako
"Kasi dito nagsimula ang lahat,dito tayo unang nagkita at nagkakilala"sabi nya habang nakatingin sa kawalan
"At gusto ko rin dito tayo muling magbubuo ng ala ala natin"
Cheesy pero nakakakiligggg
stay on focus Saira alam kong malandi ka pero tumino ka muna fls
"what do you mean?"tanong ko sakanya pero hindi lang sya sumagot
Tumayo sa at dahan dahang lumuhod sa harapan ko at tila ba'y may kinukuha sa bulsa nya
"Will you be my wife Ms.Saira Patricia Garcia?"tanong nya saakin habang ako ay nanatili pading gulat sa sinabi nya
this is it, I'm marrying the one I love
Maluha luha pa ako at tumango sakanya
Sinuot nya sa kamay ko ang sing sing at pagkatapos non ay niyakap ko sya habang naluluha luha pa
Kahit may problemang dumaan,nalalagpasan
Kahit may lungkot na nararamdaman,heto ako masya at lumalaban
Masaya akong ikaw ang magiging habang buhay ko Sir Kio Allison ShionI will be glad to be your wife
-----Happy Reading! -----
BINABASA MO ANG
My Teacher is my Husband *completed*
Krótkie Opowiadania"What if you fall in love on your teacher?"