TATI'S
"Hindi na kita mahal, tapos."
Pilit na bumabalik sa isipan ko ang mga katagang binitawan ni Tyler.
Ang ex-boyfriend ko.
Tatlong taon ang pinagsamahan namin ni Tyler pero natapos lang ang lahat sa ilang salita. Hindi na kita mahal.
Humiga ako at tumingin sa kisame, kusa na naman tumulo ang luha ko. Hindi ko matanggap. Hindi ko alam anong mali sa akin. Hindi na ba ako maganda sa paningin nya o may nakita na syang kaaya aya sa paningin nya. Hindi ko alam.
"Tati?"
Narinig ko ang pagtawag ni mama habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Tati, kain na tayo." Muling pagtawag ni mama
Hindi ako umiimik. Wala ako sa mood.
"Yuki!" Pagtawag ni mama kay ate Yuki, "Kunin mo nga ang susi ng kwarto ni Tati!"
Narinig ko ang mga yabag ng paa nila na nagmamadaling buksan ang kwarto ko. Siguro ay natatakot sila sa kung ano pwede kong gawin pero hindi ko naman gagawin yun.
Bumukas ang pintuan ng kwarto at nagmamadaling pumunta si mama sa akin kaya napaupo ako kasabay nang pagtulo ng luha ko.
"Tahan na, anak. Tahan na" Sabi ni mama habang hinihimas ang likod ko.
Naramdaman ko ang awa sa tingin ni mama. Maya maya lang ay sabay na pumasok si ate Yuki at kuya Aki bitbit ang kanyang anak na si Ace. Nakatingin lang sila sa akin, blanko.
"Mama hindi ko matanggap..." Tanging nasabi ko
"Shh, nandito lang si mama ah."
Siguro ay sa ngayon, pinaka kelangan ko ay ang comfort ng pamilya ko. Hindi agad agad pero napapanatag ang kalooban ko.
Nang medyo tumahan na ako ay kinausap ako ni ate Yuki.
"Kain ka na, kahapon ka pa walang kain."
"Sige ate, mauna na kayo. Maghihilamos lang ako at baba na ako."
Umiling si ate Yuki, "Hindi, hihintayin kita."
"Pero ate—"
Hinawakan ni ate Yuki ang kamay ko, "Tati, hihintayin kita. Sige na maghilamos ka na. Nasisira maganda mong mata dahil sa pag-iyak mo sa maling tao."
Maling tao
Sa ganitong paraan ba masasabi na yung taong mahal natin ay maling tao? Siguro lahat naman tayo ay nagiging mali para sa ibang tao.
Hindi matanggap ng sarili ko na maling tao para sa akin si Tyler.
Hindi ko matanggap.
Naghilamos na ako at gaya nang sabi ni ate Yuki ay hinintay nya ako. Nang matapos na ako ay sabay na kaming tumungo sa kusina at doon naghihintay si mama at si kuya Aki.
BINABASA MO ANG
Serendipity
Non-Fiction"From the very first time I talked to you, I know there was something so "true" in this person. Standing in front of me, I know that you are the blessing I keep waiting for. They all know about my past, how it happened. How it tore me apart. It wa...