SERENDIPITY - FOUR

0 0 0
                                    

The Letter

To my dearest Tyler,

      Hi, how are you? I hope you're doing fine without me, I mean with her. Siguro ay hindi mo alam na aalis na ako at sa France na magi-stay for good and to move on na din. Funny, isn't it? Haha. Hindi kasi talaga ako makakalimot kung mananatili ako sa Pilipinas, halos lahat ng lugar na malapit sa atin ay napuntahan na natin, lahat may ala-ala.

I don't know what happened, I don't know that we will end up like this. Masaya naman tayo, hindi ba? Mahal kita, mahal mo ako... teka mahal mo ba talaga ako?

Tyler, marami akong natutunan sayo. To be honest I can't imagine myself loving else, hanggang sa pagtanda ay kasama ka sa plano ko, kahit hanggang kamatayan. Ikaw ang pangarap ko.

Akala ko sapat na kapag mahal ko ang isang tao, magla-last ang relationship nyo pero based sa atin, no... love is not yet enough. Why? Wala kang loyalty. Sa ating dalawa, ikaw ang walang loyalty. Tyler, kayang kaya kong sabihin sayo na ikaw lang at alam mo 'yan pero bakit hindi mo pa din hinayaan na magtagal tayo, na manatili ako sayo?

Binigay ko lahat, lahat ng kaya ko. Hindi ako nanunumbat pero kasi akala ko sapat na yun para manatili ka.

I saw all your flaws, all your worst pero alam mo lalo kitang minamahal doon. And now I am asking you and myself, anong kulang? Bakit hindi ka nanatili?

When I saw you making out with Yeisha, I don't what I am going to do, parang lahat ng problema binagsak sa akin. Gusto ko kayong bugbugin pero para akong na estatwa na hindi maka galaw, hindi makapag salita. Ganon kasakit na makita kang may iba, kapag nakita mo akong may kasamang iba, masasaktan ka din ba?

But you know what, kahit hindi kayo magpatawad ni Yeisha, susubukan ko na patawarin kayo. Susubukan ko. Ayaw kong kalimutan ka nang dahil sa galit, gusto kong kalimutan ka dahil sa hindi tayo para sa isa't-isa. Gusto ko kapag bumalik na ako ng Pinas at kung muling magtatagpo ang ating landas, gusto kong makita ka nang wala nang kirot, wala na akong galit. But for now, pinipilit ko pa lang iyon.

I made this letter to calm myself dahil alam kong hindi ko masasabi sayo ito nang harapan. Baka kapag sinabi ko ito sayo nang harapan ay mapatawad kita agad, sobrang mahal kita e.

I wish you all the happiness kahit hindi na ako yung dahilan. Pipilitin ko na kalimutan ka. Dadating din yung araw na makakaya kong tignan ka sa mata nang hindi na ako luluha. Kakayanin ko na kalimutan ang lahat lahat sayo.

And for the last time, mahal na mahal kita. Be happy always. I love you with all the love of our Lord. Wishing you all the happiness.

Magiingat ka palagi, Tyler.

- Tatiana Tiffany Romero

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon