TATI'S"Ito, itatapon na din ba ito?"
Kasalukuyan kaming nagaayos ng mga gamit ko na dadalhin ko sa France at tinutulungan ako ni ate.
Pinakita sa akin ni ate Yuki ang mga love letter's na binigay sa akin ni Tyler. Kinuha ko ito at tinignan isa-isa at binasa ang ilan.
Hi Tatiana,
This is our fourth months together! Please know that I am very blessed to have you in my life. I promise to keep you and protect you as long as I am breathing. There is no such thing as cheating inside our relationship. It won't happen, no, never. I am all yours, Gorgeous. Thank you for being such a wonderful girlfriend. I love you!
Love, Tyler.
Bullshit.
Look at him now, kinain lahat ng mga pinangako nya. Siguro ay busog na busog na siya.
Nararamdaman ko na naman ang galit sa kanilang dalawa. Ang sakit sakit nang ginawa nila. Hindi ko alam kung kelan ko ito makakalimutan.
Tyler is my first boyfriend...
"Are you with me, Tati?"
Napatingin ako kay ate Yuki, "Sorry ate."
"Naiintindihan ko pero Tati hindi nila deserve na pag-isipan mo nang ilang minuto."
Hinawakan ni ate ang pisngi ko, may luha na naman pala na tumulo at hindi ko namalayan.
"Tati you have to make a promise."
Tinignan ko lang si ate at hinihintay na tapusin ang kanyang sinasabi.
"...gusto ko pagbalik mo ng Pilipinas, lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon, wala na. I don't want to see my baby girl hurting, so please help yourself."
Nginitian ko lang siya at nagpatuloy na kami sa ginagawa namin.
Hindi ko alam kung ilang buwan o taon bago ko makalimutan lahat ng mga ginawa sakin ni Tyler at Yeisha. Hindi ko nga alam kung makakalimutan ko ba pero alam ko na dapat kalimutan ko. Ayaw kong mamuhay sa sarili ko ang galit, sakit at pagk'kwestyon sa sarili ko ano ang mali. Ayaw ko.
Isa-isa ko nang nilagay ang mga damit ko sa malete, hindi ko akalain na sa ganitong punto ako darating. To the point na kelangan umalis ako para matulungan ang sarili ko na makalimot.
Siguro ay tama na din, siguro ay kapag nagtagal kami ay mas lalong sakit ang maibigay, mabuti na din siguro na nalaman ko din agad, hindi ko alam kung ilang taon o ilang buwan nila akong niloloko, siguro ang mahalaga ngayon e yung naka-alis ako sa taong walang balak na ingatan ako.
-
"Tati, huwag mo kalimutan ah. Lagi tayong magi-skype." Naiiyak na sabi ni mama
Nandito na kami ng buong pamilya ko sa aiport, si mama ay mugtong-mugto na ang mga mata.
"Ma," Hinawakan ko ang kamay nya, "Tahan na, uuwi naman ako."
"Mamimiss kita anak."
Niyakap ko siya at sumali si ate Yuki.
"Tati ha yung usapan natin." Sabi ni ate Yuki habang seryosong nakatingin sa akin.
"Opo"
Hindi ko dinala lahat ng gamit ko. May halong kaba at tuwa ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam saan ako maguumpisa kapag nandoon na ako sa France.
Nakakalungkot kasi ngayon lang ako mawawalay sa pamilya ko. Sobrang mamimiss ko sila pero syempre itong pag-alis ko ay pagtulong sa sarili ko at the same time sa kanila.
Tumawag na si tita Amelia kanina, sinabi nya na isa sa mga anak-anakan nya ang magsusundo sa akin doon. Tuwang tuwa si tita dahil finally daw ay may makakasama na siya kapag naayos na ang bahay niya. Yung asawa nya kasi ay laging busy, pero sobrang bait din non.
Tinignan ko si kuya na nakayuko habang hawak hawak ang maleta ko.
"Kuya," Sabi ko at lumapit sa kanya, "Hindi mo ba ako kakausapin? Aalis na ang bunso nyo."
Tinignan nya ako at nakita ko na namumugto din ang mata nya, natuloy na din ang pinipigilan kong luha.
Hinila ako ni kuya at niyakap, "Tati magiingat ka doon ah. Sabihin mo sakin kapag may manliligaw ka para ako na ang titingin. Ako na bahala kapag nakita ko si Tyler basta sasabihin ko na lang kung nailibing —"
"Kuya!" Pinalo ko nang marahan ang braso nya
"Joke lang, pero seryoso Tati. Maging masaya ka doon ah, yun lang ang gusto ko. Maging masaya ka sa lahat ng gagawin mo."
Niyakap ko siya nang mahigpit. I couldn't really ask for more... sobrang biniyayaan ako ng Panginoon sa pamilya ko. Never will I ever trade this thing for anything, my family is a diamond for me. I will forever be grateful.
"Sige na, baka umalis na ang eroplano." Sabi ni ate Yuki
Kinuha ko na ang mga gamit ko na bitbit ni kuya. Muli kaming nag-group hug. Sayang lang ay wala si Ace, masama kasi ang pakiramdam kaya hindi na naisama.
"Alis na po ako, magiingat kayo lahat!"
Unti-unti na akong naglakad, hindi na ako lumingon sa kanila dahil pati ako ay nasasaktan, baka kapag lumingon ako ay magdalawang isip na ako na 'wag nang umalis. Naririnig ko ang iyak ni mama at ni ate Yuki habang si kuya ay pinapakalma silang dalawa. Gusto kong bumalik upang yakapin sila pero ayaw ko dahil alam kong sobrang mahihirapan din ako kapag aalis na.
This is for myself, I want to heal myself.
Tinignan ko ang buong airport at ngumiti, Adios Pilipinas, sa muli natin pagkikita.
Pinapangako ko na sa pagkabalik ko, ibang Tati na ang makikilala nyo. Hindi ko alam kung magkakaroon ba ako ng bago o hindi, pero sisiguraduhin ko na ang pagibig na hahanapin ko ay yung hindi ko makkwestyon ang sarili ko. Sisiguraduhin ko na this time, sarili muna.
Sarili muna.
-
BINABASA MO ANG
Serendipity
Non-Fiction"From the very first time I talked to you, I know there was something so "true" in this person. Standing in front of me, I know that you are the blessing I keep waiting for. They all know about my past, how it happened. How it tore me apart. It wa...