TATI'S*alarm clock rings*
Bumangon ako sa tunog ng alarm ko, kinuha ko ang maliit kong salamin sa side table ko at tinignan ang itsura ko.
Grabeng maga pa din ng mata ko, sa unang tingin ay aakalain mong kinagat ng ipis.
Nag-vibrate ang cellphone ko at agad ko itong kinuha umaasa na baka ngayon, makareceive ako ng kahit na anong salita mula kay Tyler.
From: Yeisha
I hope you're doing good. Xoxo :*
08:26am
Si Yeisha, bestfriend ko. Alam nya lahat ng mga pinagdaanan ko, lahat lalo na ngayon sa pinagdadanan ko kay Tyler. She is always there to listen. Yeisha is truly a keeper.
Hindi na ako nag-reply, dumiretso na ako agad sa cr at naghilamos. Kinuha ang damit na susuotin ko at nag-ayos nang kaunti sa sarili ko.
Pupuntahan ko si Tyler.
But before doing that, I need to make sure na walang tao sa sala. Panigurado sa ganitong oras si mama ay nandoon na sa cafe nya kasama si ate Yuki.
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko at pinakinggan ang kabilang kwarto kung saan nandoon sila kuya Aki at Ace.
"Abuchi-ching"
Naririnig kong sabi ni kuya Aki habang si Ace naman ay tawa ng tawa. Natuwa na lang ako sa narinig ko, sobrang hands-on na father ni kuya, si ate Ashley kasi which is yung mother ni Ace ay nasa Canada. Doon siya nagwo-work, naghihintay lang na pati sila kuya Aki ay maapprove na doon na din manirahan.
*beep*
From: Kuya Aki
Alam ko kung saan ka pupunta. Susunduin kita.
Sabi na e, malakas ang "senses" ng mga kuya. Binalewala ko na lang ito. Maiintindihan naman ako ni kuya.
Dali dali akong naglakad at lumabas ng bahay. Naghanap ako agad ng tricycle, buti na lang ay meron agad na dumating.
"Kuya sa kabilang subdivision lang"
Sa katabing subdivision lang namin si Tyler, isa pa yun sa iniisip ko na sobrang mahihirapan talaga akong mag move on lalo na malaki ang chance na magkita at magkikita talaga kami.
Excited ako na kinakabahan.
Umaasa pa din kasi ako na talagang magkakabalikan kami. Hindi ko matanggap. Hindi ko alam bakit. Hindi ko alam ano nagawa bakit biglang ayaw nya na.
Natatanaw ko na ang bahay nila Tyler. Nang makarating na ako sa mismong harap ng gate nila ay nagpababa na ako. Kilala na ako ng mga family ni Tyler, madalas ko din maka-bonding ang kambal ni Tyler na si Thylane. Sobrang napalapit na din loob ko sa kanila kaya nakakalungkot isipin na baka pati ang pinagsamahan namin ng mga family members nya ay mawala.
Pumasok na ako sa bahay nila, naka half-open ang pinto na nakakapagtaka. Yun ang pinaka ayaw nila ang laging naka-bukas na pintuan. Inilibot ko ang paningin ko, walang ibang tao sa sala at kusina kaya nagderetso na ako sa taas papunta sa kwarto ni Tyler.
BINABASA MO ANG
Serendipity
Non-Fiction"From the very first time I talked to you, I know there was something so "true" in this person. Standing in front of me, I know that you are the blessing I keep waiting for. They all know about my past, how it happened. How it tore me apart. It wa...