SHELLANE POV
“WHAT?” napatayo ako mula sa pagkakaupo ko dahil sa sinabi ng nagmamagaling kong boss.
“Hindi ba parang unfair ‘yon?” tanong ko.
“Could you please lower your voice, Miss Federez. Baka nakakalimutan mong boss mo ako at empleyado lang kita. May karapatan akong utusan ka o bigyan ka ng assignment. At bilang empleyado, kailangan mo akong sundin kung ayaw mong mawalan ng trabaho.” Seryosong sabi ng boss ko.
Jusko! Parang biglang sumakit ang ulo ko dahil sa binigay na assignment sa akin ng boss ko. Isa akong writer ng magazine – sa Pink Magazine, isa sa mga sikat na magazine sa bansa. MInsan nagiging editor din ako kapag napagbuntunan ako ng trabaho ng boss ko. Nakakainis lang. Lagi niyang panakot saken, matatanggal ako sa trabaho. Palibhasa matandang dalaga kaya masungit. Lagi pang demanding. Palibhasa rin, ang Pink Magazine ang top seller na magazine sa bansa at talagang inaabangan ng mga taong mahilig maki-tsismis sa showbiz.
Naiinis ako dahil sa assignment na binigay nya sa’ken ngayon. Kailangan kong interview-hin ang anak ng sikat na sikat na may-ari ng Jung Group of Companies. Si Ace Xander Jung na nababalitang isang gangster. Kinikilabutan naman ako sa katotohanang iyon. Baka mamaya bugbugin ako. Marami kasing may-ari ng magazines ang nagpupumilit na makakuha ng interview mula sa Ace na ‘yon lalo na no’ng na-cancelled ang supposed to be marriage nito isang buwan na ang nakakalipas kaya hanggang ngayon marami pa ring sumusubok na makakuha ng interview.
Lagi raw kasing tumatanggi. Well, ‘di ako tsismosa. Nababalitaan ko lang since dito ako nagta-trabaho sa Pink Magazine. Hays! Ayoko talaga tanggapin ang assignment na’to. Natatakot ako, isa pa parang feeling ko mag-aaksaya lang ako ng oras. Kase nga sabi nila, hindi daw talaga ito pumapayag sa interview.
“Pero boss! Aware naman tayo na hindi siya nagpapa-interview ‘di ba? So bakit kailangan nyo pang i-assignment sa’ken?”
“Isang malaking break iyon kapag nagawa mo siyang interview-hin. Look, marami kang maaaring itanong sa kanya na inaabangan ng mga tao. Marami kang dapat alamin. Mula sa pagyaman niya ng hindi ginagamit ang yaman ng pamilya niya, ang nababalitang pagiging gangster niya, ang na-cancelled na arranged marriage niya at ang pagiging singer niya sa sarili niyang bar na Spade Bar. Pag nagawa mo siyang interview-hin, maraming maiinggit na magazine’s publisher sa’ten! At ikaw bilang interviewer, sisikat ka rin. Malaki pa ang possibility na ma-promote ka. Hindi ka na magiging writer lang sa magazine natin kundi baka mag-ugrade ka na to editor-in-chief.”
Huminga ako ng malalim. Sa totoo lang, gusto ko naman talagang ma-promote. Sino bang ayaw ‘diba? Pero jusko naman! Hindi basta basta ang inuutos saken. Ano bang pinagkaiba ko sa ibang sumubok na mag-interview sa Ace Xander Jung na ‘yun? Hays.
“Okay boss. I will try my best.”
“No. Shellane. Do your best!”
BINABASA MO ANG
XBANG Series 2: Ace Xander Jung
Romance│PUBLISHED│ Ace Xander Jung Shellane Federez