ACE POV
“MARRY ME.”
Fuck. I want to laugh. Her cheeks are red. Masyado siyang nagpapaniwala agad sa sinasabi ko. She’s like an innocent woman like Janna. Damn, bakit ko nga ba siya kino-compare sa unang babaeng minahal ko? Tch.
“A-Anong s-sabi m-mo?” nauutal na tanong niya.
She’s really something. Di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kanina, no’ng makita ko sa mga mata niya na parang inlove na inlove siya sa boses ko habang kumakanta ako, gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. Nawala na din ang pagka-badtrip ko sa kanya dahil sa pagsabi niya na boses palaka ako.
I remained serious. “I said, marry me.”
Parang ‘di niya alam ang sasabihin sa gulat. Gusto ko ng tumawa. Fuck, natatawa ako sa mga ekspresyon ng mukha niya.
“Tingin mo ba, gan’on akong klaseng babae? Yung..yung papayag agad agad na magpakasal sa ‘di pa naman gano’ng kakilalang tao? Huh! Ibahin mo ako! Kahit kailangan ko ng trabaho para mabuhay ang pamilya ko, ‘di naman ako kakapit sa mayamang tulad mo ‘no! At ano? Pakakasalan kita tapos mapapasa’yo ang katawan ko at kaluluwa? Nakaka-swerte ka ha!”
Fuck! I laughed again. I can’t stop myself. She’s really funny. Her words..damn it.
“Tapos ngayon tatawanan mo ako? Naka-drugs ka ba talaga ha?” dagdag pa niya.
Yeah, yeah. Nasa tono niya ang pagkainis. Shit. I keep on laughing while looking at her red face. Ang sarap niyang asarin. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito. ‘Yung gusto ko man-trip. Parang nabuhay bigla ang dugo ko. Di ko akalaing magiging ganito ako dahil sa totoo lang, sa harap lang ng ka-gang ko ako nakakatawa ng ganito.
“Fuck. You’re funny. Do you really thinks, you’re my type? Hell no. Ang layo mo sa ideal woman ko.” Sabi ko hang natatawa pa rin. “And what did you say? Katawan at kaluluwa mo? You’re not even sexy. Tch.”
Lalo siyang namula sa sinabi ko. Pinigilan ko na ang pagtawa.
“Argh! Ang yabang mo! Akala mo talaga kung sino ka eh, ‘no?!” sighal niya sa’ken.
Damn! She looks cute when she’s mad. Ano bang nangyayari sa’ken? I’m not like this. Hindi ko ugaling mamuri pero ‘di ko mapigilang matuwa sa kanya. Nanatili akong nakangiti sa kanya.
“At oo, siguro nga hindi ako ang type mo pero may binatbat din naman ako pagdating sa pagandahan! Saka hindi sexy? Para sabihin ko sa’yo, 26 ang bewang ko ‘no!”
BINABASA MO ANG
XBANG Series 2: Ace Xander Jung
Romance│PUBLISHED│ Ace Xander Jung Shellane Federez