It's already 10 in the morning and we're taking a quiz in our science class."Number 7, What is the closest star on earth?"
"Alpha Centauri A" agad ko itong sinulat sa answer sheet ko. No one can mess with me in astronomy. Pinanganak akong pag-aralan ang kalawakan. I've been obssessed in this field nung bata pa ako. My dad and I were partners in witnessing some astronomical events. I can still remember na nagpuyat talaga kami noon para lang makita ang mga meteor showers. It was breathtaking. Yun ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko, and after that my life change.
Pagkalipas ng ilang minuto natapos na namin ang science quiz. Well, honestly hindi ako masyadong nahirapan.
"Syllene let's go lunch na tayo." That's Lyra my closefriend, sya ang pumalit sa pwesto ni dad. Sya na ang lagi kong kasama tuwing may mga astronomical events.
Sabay kaming pumunta ng canteen, as usual maraming mga estudyanteng pakalat kalat dahil basically it's lunchbreak. Pumwesto kami sa favorite spot namin.
"Syllene, anong iorder mo? Ako nalang ang pupunta ng counter." tanong niya.
"Sandwich nalang siguro tsaka tubig." sagot ko. At dali daling pumila si Lyra papuntang counter. Habang naghihintay. May narinig akong mga bulong bulungan.
"Alam niyo bang may bago tayong transferee, ang balita daw gwapo kyaaaaaaaah." dinig ko sa kabilang table. Wala naman akong pake sa pinag-uusapan nila. Sadyang naririnig ko lang kasi sa kabilang table lang sila eh. Maya maya pa..
"Shit ang gwapo niya, anong year na sya?"
"Parang ngayon ko lang ata sya nakita ahh, transferee ba sya?"
Napatingin naman ako sa gawi ng entrance ng canteen at doon ko nagets ang mga bulungan ng mga estudyante.
Tama nga naman sila may dating at ang postura mukhang artistahin. Mukhang transferee nga sya kasi ngayon ko lang siya nakita. Inobserbahan ko ang kabuoan niya at di ko namalayan nasa kanya na ang atensyon ko.
"Syllene hello? Nakikinig ka ba?" Biglang bumalik ako sa huwisyo ng magsalita si Lyra.
"Oh sino ang tinititigan mo? Parang tutulo na ang laway mo oh." pang-aasar niya.
"Ah wala, kain na tayo." alok ko, tumingin ulit ako sa transferee at nabigla akong napatingin din siya sa akin biglang lumakas ang tibok ng puso kaya agad akong umiwas ng tingin sa kanya at kumain nalang ako.
Nang matapos na kaming kumain ni Lyra dumeretso na kami sa room para sa afternoon class namin.
"Syllene nabalitaan mo na ba na may bagong transferee?" tanong ni Lyra.
"Uh Oo, dinig ko kanina sa canteen." sagot ko naman habang naghahanap ng ballpen sa bag.
"Balita ko gwapo daw." sabi nya na may halong kilig. Maingay si Lyra na tao sa kasamaang palad kabaliktaran nya ako.
"Hmmm.." usal ko sabay tango, habang naghahalungkat ako ng bag dumating na ang prof namin pero di ko pa din makita ang ballpen ko.
"Class Good Afternoon, i have a treat for you class. You have a new classmate, Mr. Gray?" Tumigil ako sa paghahalungkat ng bag ng marinig ko ang sinabi ng prof.
YOU ARE READING
Canopus
AdventureSyllenna Mayri, a selenophile which basically has an obsession with stars, moon and the galaxy, since the day she was born. Her origin was unknown, cause she was only adopted. She is really committed to search for her biological parents. Upon searc...