Ilang araw na ang nakalipas simula nung makilala ko si Per. Madami akong nalaman sa kanya. Halos araw araw nakaka usap ko siya. Mas matanda ng tatlong taon sa akin si Per. Kuya kung ituring ko siya.
"Hindi pa din ako nakakahanap ng crush." Agad akong nagsalita pag tabi ko kay Per. Nilingon ko siya.
"Take your time tsaka wag ka maghanap kasi the more na naghahanap ka the more na mapapalayo sayo yung dapat na sayo" Pinisil niya ang pisngi ko. Ilang minuto lang ay nagpaalam na kami sa isa't isa.
Hindi ko maiwasang isipin siya.
"Ate Seph, si kuya Per..." Naikwento ko kay ate ang tungkol kay Per. Hindi ko maipaliwanag ang mga reaksiyon niya.
"May gusto ka na ata kay kuya Per mo eh hahaha." Pang aasar niya pa.
"Wala no! Wala akong gusto." Pagdedepensa ko
Wala nga ba?Pagkatapos ng aking klase, lagi ko siyang nakikita sa lugar kung saan kami unang nagkita.
"I found a girl, beautiful and sweet. I never knew you were that someone waiting for me.." kumakanta si Per. Nakaka kalma ang boses niya.
Naupo ako sa tabi niya. Tumutugtog siya ng gitara. Samantalang ako nakatingin lang sa kanya.
Lumingon siya sa akin at ngumiti. Kumakanta pa din siya at nakatingin sa akin.
"Sabayan mo naman ako, gusto kong marinig boses mo." Nakaka akit ang boses niya. Sinabayan ko siyang kumanta. Wala kaming pakiealam sa paligid namin.
Pagkatapos niyang tumugtog kinamusta niya ako.
Tinabi niya na ang kanyang gitara. "Kamusta ka na? May napupusuan ka na ba?" Tumitig ako sa singkit niyang mga mata.
"Meron na. Kaso mukhang ayaw niya sa akin. Mahirap din pala umibig. Hindi puro saya at kilig. Palaging mayroong sakit." Inalis ko ang tingin ko sa kanya.
"Ah. Ganun talaga. Pero kung gusto mo naman talaga yung tao na yun, huwag ka agad na sumuko. Malay mo gusto ka din niya." Lagi niyang pinapalakas ang loob ko.
"Binibigyan mo naman ako ng dahilan para umasa ako sa kanya eh."
"Ayaw mo yun? Teka, sino ba itong maswerteng lalaki?" Tanong niya
"Ang pangalan niya ay Evander. Katabi namin ang silid nila at palagi ko siyang nakikita. Kaya ayun, nagustuhan ko siya." Nag kwento pa ako ng ibang bagay tungkol kay Evander. Hindi ko namalayan ang oras. Lagot nanaman ako kay Lala.
Nakasanayan na naming magkita tuwing gabi. At lagi kong naikwekwento sa kanya si Evander. Minsan tinanong ko siya kung meron na siyang babaeng napupusuan. Hindi ako natuwa nung sinabi niyang meron. Naka ramdam ako ng selos. Maganda at matalino yung babae. At higit sa lahat, magkaklase sila.
Ano nga ba ako sa buhay ni Per? Kaibigan?
Maayos naman kaming dalawa. Laging nag-uusap, nag-aasaran. Hanggang kailan kami ganito? Nasasanay na ako. Nagkakaroon na ako ng damdamin para kay Per.
Nais ko ng ilayo ang sarili ko sa kanya.
Sinadya kong hindi dumaan sa lugar kung saan lagi kaming nag uusap. Maaga kaming pinauwi ngayon.Malamig na ang simoy ng hangin. Malapit na ang pasko.
"Kushiel!" Narinig ko ang pamilyar na boses. Atticus Per.
Hindi ko siya nilingon. Ngunit hinabol niya ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Palubog na ang araw. Hindi ko alam kung saan na ako patungo. Hindi ko namalayan, patawid na pala ako. Natauhan lang ako sa lakas ng busina ng mga sasakyan.