s i m u l a

35 2 0
                                    

"Balang araw, tayo naman. Puhon."

Nais kong muling isalaysay ang pagmamahalang naudlot ngunit hindi ko pa din naibabaon sa limot sa loob ng maraming taon.
Ako si Kushiel, at babalik akong muli sa simula ng kwento nating dalawa.

Ika- 21 ng Agosto:

Alas siyete na ng gabi. Naglalakad ako malapit sa Unibersidad na pinapasukan ko. Naupo ako at nag munimuni. Madami akong nakikitang magkasintahan na naglalakad at magkahawak kamay sa paligid ko. Napailing lang ako. Wala akong napupusuang ginoo. Tumingin ako sa kalangitan. Kay gandang pagmasdan ang mga kumikinang na bituin. Naisipan kong humiling. Wala namang mawawala.

"Sana magkaroon na din ako ng lalaking mapupusuan." Sambit ko sa mga tala.

"Ako po, pwede naman. Kaso ang pangit ko eh hahaha." Boses ng isang lalaki.

Agad akong napalingon sa di kalayuan. May isang lalaki na nakangiti sa akin. Ilang hakbang lang ang layo niya.

"Wala namang ginawa ang Diyos na pangit." Nginitian ko din siya. Gusto ko siyang kilalanin.

"Biro lang! Sabagay, gwapo naman ako sabi ng lola ko." Pag mamayabang niya. Akmang hahakbang na siya paalis kaya kaagad akong nagtanong

"Sandali, anong pangalan mo?" Nais kong malaman ang pangalan niya. Hindi ko pwedeng palagpasin ito.

"Hala wala akong ginagawang masama"Nakakatuwa ang reaksiyon niya.

"Eh? Gusto lang naman kitang kilalanin." Bakit ba ayaw niyang sabihin. Siya nga itong nakikisingit sa pag munimuni ko.

"Hay nako. Panget ako te, kaya huwag nalang." Ngumiti siyang muli sa akin.

"Sinabi ko na sa iyo. Walang taong pangit." Pag-uulit ko

"Ikaw nalang, anong pangalan mo?" Medyo lumapit siya ng kaunti sa akin.

"Sasabihin ko kapag sinabi mo din ang sa iyo."

"Ganyan din sinabi ng iba, pero hindi ko nalaman pangalan nila hahaha."

"Hindi ako ganun. Sige na kase." Pag pupumilit ko pa.

Tinalikuran niya ako. At humakbang na palayo. Agad akong tumayo at sinundan siya. Ginawa ko iyon, at hindi ko alam kung bakit.

"Pangako, sasabihin ko din ang sa akin!" Hinarangan ko siya at wala na siyang nagawa.

Napabuntong hininga siya at tumingin sa akin.

"Atticus Per Ponferrada. Pustahan, hahanapin mo ako sa facebook pero titignan mo lang yung profile ko. "

"Hindi no! Ang pangalan ko pala ay Kushiel Estella Celestial." Nginitian ko siya. Nais ko pa sana siyang kilalanin ngunit tumunog ang aking smartphone.

Tumatawag na ang aking Lala. Kailangan ko ng umuwi. Hindi na ako nakapag paalam sa estrangherong aking nakilala. Nag madali na akong umuwi. Paniguradong lagot ako nito.

"Nako naman Kushiel, mag aalas otso na wala ka pa. Akala ko ba alas siyete lang ang tapos ng klase mo? Ikaw bata ka! Huwag ka ngang gagala ng gagala." Bungad ni Lala pag pasok ko ng pinto

"Lala, malaki na si Kushiel. Alam niya na dapat gawain. Baka may importanteng ginawa lang. " Pag tatanggol sa akin ni ate Seph.

"Hay nako Sepherina. Kunsintihin mo pa yang kapatid mo. Pag may nangyari lang sa inyong masama." Ganyan lagi si Lala. Nag aalala para sa amin. Siya nalang ang meron kami. Iniwan kami ng aming ina sa kanya.

Agad na akong kumain at naghugas ng pinggan. May tao pa akong gustong kilalanin.

Agad akong nag open ng aking facebook Hinanap ko ang kanyang pangalan.

Base sa kanyang mga litrato, libangan niya ang pag tugtog ng gitara. Agad kong pinindot ang add. Sana maalala niya ang pangalan ko.

Wala pang ilang minuto, friends na kami sa facebook.

Atticus Per: <TFT add>

At doon na nag simula ang lahat.

P U H O NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon