Laking gulat ko ng dumating ang aming ina. Sobrang natutuwa akong nakita ko siyang muli. Masaya naming sinalubong ang bagong taon. Batid kong magiging masaya ang taong ito para sa aming lahat. Ngunit kagaya nga ng nakasanayan umalis agad ang aming ina. Bumalik na din kami ni ate Seph sa bahay.
Enero, ang una naming pagtatalo. Natakot ako, nasasaktan. Akala ko mawawala na siya sa akin. Pero normal lang naman ang pagtatalo sa isang relasyon.
Sa kasamaang palad lumalala na ang karamdaman ni Lala. Hindi ko na siya gaanong nabibisita dahil nalalapit na ang graduation. Tumawag ang aming ina at sinabi niyang kailangan kong sumama sa kanya. Hindi na daw ako naasikaso ni ate Seph dahil sa may trabaho na ito at gusto niyang makabawi sa akin.
Akala ko hindi mangyayari ang kagustuhan ng aking ina. Ngunit nalalapit na ang pag-alis ko.
Sinabi ko ito kay Per. Nalungkot din siya sa ibinalita ko sa kanya.
Sinamahan niya akong kumain ng paborito naming pagkain.
"Maligayang kaarawan Kushiel. Regalo ko nga pala" kaarawan ko pala. Nalimutan ko dahil sa dami ng iniisip ko
"Salamat. Hindi ko na naalala." Inabot niya ang regalo niya at agad ko itong binuksan. Isang liham, at kwintas.
"Nakita mo na? Akin na yan. Isusuot ko sa iyo." Kinuha niya ang kwintas at pumunta siya sa likod ko. Isinuot niya ito sa akin.
Parang sasabog sa saya ang dibdib ko. Hindi pa dito natapos ang kaarawan ko.
Nagkaroon ng live concert ang paborito naming banda. Ang daming tao. Maingay. Hinawakan niya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya na para bang kami lang ang nandito.
Ang singkit niyang mga mata, maputing kutis, at matamis na ngiti. Hindi ko lubos maisip kung darating ba ang araw na hindi ko na uli ito makikita pa.
"Mahal kita Kushiel." Sambit niya
At ayon na ang huli naming pagkikita.
Hindi na ako dumalo sa aming graduation. Sa kadahilanang nagmamadali ang aking ina na ilipat ako sa kanila. Panibagong kapaligiran nanaman.
"Dito ang magiging kwarto mo Kushiel, pasensya na at hindi kagandahan ang aming bahay. Malayo sa nakasanayan mo sa Maynila. Pero magtiis ka nalang." Sambit ni Ina at tinulungan ako sa pag-aayos ng aking mga gamit.
"Huwag kang mag-alala, papasok ka sa magandang unibersidad dito sa amin. Osiya ikaw na bahala diyan sa iba. Mag luluto pa ako." Umalis na siya ng aking silid.
Hindi pa din ako makapaniwala. Nandito ako.
Nahirapan ako sa bagong kapaligiran na mayroon ako. Madalas akong nalulungkot. Madalas akong mag-isa. Mahirap pero kailangan kong kayanin.
Atticus Per: <We should not care about the distance, because we are at the same sky and at the same time>
Napangiti ako. Bagong pag subok ito sa akin, pati sa amin ni Per. Kailangan lang naming magtiwala sa isa't isa.
Mabilis lumipas ang mga araw. Hindi ko nagugustuhan ang mga pangyayari. Hindi ako naiintindihan ng mga tao sa paligid ko. Natutunan kong umintindi ng iba at isantabi ang nararamdaman ko.
Si Per lang ang napag sasabihan ko ng lahat. Sa kanya ko iniiyak lahat ng sakit.
Pasukan. Akala ko mag-iisa ako, pero nagkaroon kaagad ako ng mga kaibigan. Ang kaso, nilalapit nila ako sa isa naming kaklase.
Naging madalang ang pag-uusap namin ni Per. Unti unting nahuhulog ang loob ko sa iba. Alam kong mali. Napadalas ang pag-aaway namin. At tuluyan na nga kaming naghiwalay ni Per. Tumulo ang mga luha sa aking mata. Sinukuan niya na ba talaga ako?