Disclaimer: This is a work fiction. Names, Characters, businesses,places, events and incidents are either the product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.~~~~*~~~~
15 years ago.
Warm sea breeze.
Waves happily crashing into the shoreline.
The rising sun.
Majestic windmills moving all together.
I inhaled the sweet scent of the sea in front of me. Yinakap ko ang sarili ko gamit ang puting cardigan. Humakbang ako papalapit sa mga alon na pilit inaabot ang kinaruruunan ko.
As I get closer and stop, I could instantly feel how good it is to take a dip here every morning.
Few moment pass by, I felt my eyes tearing up and I just look up to the clear blue sky above me. As if it could stop my tears falling.
"I could still feel you right here with me, Mom."
I hugged myself more. Thinking that it was her hugging and comforting me her favorite song.
"I want to see you so bad." I whispered and wipe my tears.
I was enjoying my moment, when I heard someone shouting. I didn't bother to look behind. Baka sina Manang Rosing na iyon at nahanap na nila ako.
"Aray!" Naramdaman ko na may tumama sa likod ng ulo ko. Ang sakit!
Hinawakan ko ang batok ko at hinimas ito. Kaya wala na akong nagawa kundi tignan kung ano ang tumama sa akin.
Isang tsinelas!???!?? Sino naman ang nasa tamang pagiisip na batuhin ako ng tsinelas!?
Pinulot ko ang tsinelas at lumingon sa pinanggalingan ng tsinelas. Nakita ko ang isang batang lalake na papalapit sa aking kinaruruunan.
Ang tangkad niya at ang dungis ng itsura pero parang may dugong banyaga. Mula sa puting balat, makakapal na kilay na halos magkasalubong na sa haba nito, pinaghalong itim at brown na kulay ng buhok, matangos na ilong, at malalim na mata. Nakasuot ito ng bughaw na jersey shorts at itim na may disenyong cartoon character ang damit. Puno ng rubber bonds ang dalawang kamay nito ay nakapaa lang.
"Ibibigay mo ba ang tsinelas ko o titinignan mo lang ako? Kase maglalaro pa kami ng mga pinsan ko." Tanong niya.
Tsinelas? Anong...? Bakit may hawak akong tsinelas!?! Ang tagal ko na bang nakatitig sa kanya?
"Ah sorry. Eto ang tsinelas mo." Ibinigay ko na sa kanya. Kinuha niya naman agad ito at saka lang nagproseso sa isip ko kung bakit hawak ko ang tsinelas.
Paalis na siya nang magsalita ako, "
Teka ikaw!!"Huminto siya at naghihintay sa sasabihin ko.
"Why did you hit me with that!?""Lintik nadali na inglishera pala. Kala po naman nagka amnesia na." Rinig kong sabi niya.
"You know I can hear you right?" Tanong ko ulit.
"I uhh-I-I'm sorry. I'm sorry. Akala ko kasi gusto mong maligo eh maaga pa o baka iba ang gawin mo diyan. Alam mo bang madami ang nalulungkot sa mundo? Huwag kana dumagdag sa kanila." Sagot niya.
I was left dumbfounded at what he said. Ganun ba ako kalungkot na pati isang batang hindi ko kilala ay nakikita ang lungkot ko?
"I can't understand you." Pero sa totoo, naiintindihan ko siya.
"Ang lungkot ng mata mo ka'ko." Ulit niyang sinabi.
"What?" Tanong ko ulit.
Bumaba ang balikat niya. Parang nahihirapan sa pagtranslate sa sinabi niya. Nakita ko si Manang Rosing na naghahanap sa akin.
"Ara, nanjan ka palang bata ka!" Sigaw ni Manang Rosing ng nakita kung nasaan ako.
Mabilis na lumapit ito.Linagpasan niya ang bata, at lumuhod sa harapan ko. Sinisiguro niya kung okay lang ba ako.
"Nako ikaw na bata talaga, halos baliktarin na ng ama mo ang mansyon mahanap ka lang." Sabi niya at binalot ako ng makapal na tuwalya kahit di naman ako nabasa.
"Naglakad lakad lang po." paliwanag ko sa kanya. Habang abala si Manang Rosing sa pagaayos ng tuwalya ay unti unti namang lumayo ang batang lalake sa amin.
"Bata!" Sigaw ko para makuha ulit ang atensyon niya, lumingon ito at parang takot ang mga mata nito. Sumilay ang ngiti sa labi nito, nagpatuloy sa pagtakbo at nawala na sa dami ng tao sa mga kubo.
Lumingon sa likod si Manang Rosing at hinanap ang batang tinawag ko.
"Sino ba iyon? Kaibigan mo?" Tanong niya.
Hindi ako nagsalita. Hindi ko naman kaibigan iyon e, binato niya lang ako ng tsinelas."Oh siya, tara na at baka nagpatawag na si Gerry ng pulis para hanapin ka." Aniya. At hinawakan ang kanang kamay ko para maglakad na kami.
Nang may nakita akong isang makapal na kulay asul na rubber bracelet. Pinulot ko at baka nahulog lang ito ng batang lalake. Hinawakan ang disenyo nito sa harap na isang ibon na nakaloob sa bilog. Sa likod nito ay may nakasulat.
MCL.
Siuot ko ang rubber bracelet at nagpatuloy sa paglalakad.
Rubber kid, when will i see you again?
When will you throw your flipflops at me again?
Who will save me this time?
YOU ARE READING
I'll Keep You Safe
Action"Do you trust me?" "NO! How can I trust you, I barely know you?" "Well, you are." He grabbed my hand, right then and there without hesitation we jump off the cliff. Maybe I do. I do trust him, I guess. ...