BE MY PRINCESS - (11) - ...

77 7 0
                                    

•PRINCESS'S POV•

"Thank you!." ngiting sabi ni Deimos. "Shall we?." tanong niya.

Umupo na kami at sheeeeeemmms ang lapit namin sa isa't isa.

Itinanong na niya yung tanong na isinulat niya sa papel pagkatapos ay yung mga isasagot ko inirerecord niya para ng sagayon ay mapabilis din ang trabaho niya at tuloy tuloy din kami.

Vibrate ng vibrate yung cellphone ko na hawak hawak ko pero hindi ko ito sinasagot o tinitignan at inilipat ko pa sa kabila kong kamay kung saan hindi pansin ni Deimos ko. Ayoko kasing sayangin ang ganitong pagkakataon... Pagkakataong tatagal ng isang linggo oo parang 'Joy' wahahaha.

Sa kaganapang ito ko napagtanto na magaling pala akong magpanggap na kahit na kilig na kilig na kilig ako sa kanya ay nagagawa kong hindi ipikita sa kanya yun.. 'Kekeenes ke hmmmmm pagdating talaga sayo ang galing ko.

Alam ko na hindi ito yung first time na nagkausap kami ng matagal tas ganito din kalapit pero para sa akin ito yung the best kahit na interview lang to.

At sana kung mauulit man ang ganitong pagkakataon sana hindi dahil sa interview ang dahilan...

"PRINCESS!!!!. " napalingon kaming sabay sa kanan.

Shen. May hawak itong libro na kasunod pa si Jake at James.

"DEIMOS!!!. " magkasunod kaming napatingin ni Deimos sa kaliwa ng tawagin naman ang kanyang pangalan.

Beauty. Kasama si Nicole at Theresa.

Nagsipaglapitan ang mga ito sa amin kung saan kami nakaupo.

"Kanina pa kita hinahanap!." ani ni Beauty na akala mo'y batang nawawala at nahanap na yung magulang. "Nandito ka lang pala. Sabi mo ako una mong iinterviewhin?." at this point para naman siyang batang inagawan ng candy ng kalaro niya.

Tumayo si Deimos. "A-e kasi naglaro ako sakto namang nakita ko si Princess kaya eto siya na ininterview ko."

'Bat ba siya nagpapaliwanag di naman sila magjowa.

Nilingon ako ni Deimos. "Salamat Princess ah?. " pasasalamat ni Deimos na aking nginitian ngunit hindi rin ito nagtagal.

Matapos niyang sabihin yun ay hinatak na siya ng kapatid niya papalayo.

"Kuya let's go... Three of us don't want to stay here 'coz it's so mainit." nagiinarteng sabi ni Theresa habang naglalakad sila.

'Tssss. Ang aarte.

Sa kanilang tatlong magkakaibigan lubos akong nagtataka kung bakit ba napasama itong si Nicole sa friendship nila. Ito kasing si Nicole ay napakatahimik hindi kagaya ng mga kaibigan niya at masasabi kong mabait siya kaya ganito na lang ang pagtataka ko kung papaanong napasama siya sa dalawa gayong hindi naman niya kapareho ng ugali yung dalawa.

"Hooy!! Mukhang makakapatay ka ng tao sa tinginan mong yan." ang malokong si James.

"Sa tingin ko mukhang nagseselos ka." Jake.

'Isa pa to. (-.-')

Hindi ko na lang sila pinansing dalawa wala din namang magandang maidudulot baka humaba pa.

"....."

At saka lang ako nagkaroon ng pagkakataon na tignan yung kanina pang nagwawalang cell phone ko dahil sa grabe kung sunod sunod magvibrate.

*UNKNOWN NUMBER*

10 massages.

Hindi ko na binasa ng buo o lahat ng messages yung tatlong nasa dulo na lang tutal hindi ko din naman alam kung sino ito.

Be My Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon