BE MY PRINCESS - (24) - The truth

37 7 0
                                    

•SHEN'S POV•

Dahil sa sipag ko ngayon ay inalok ko na silang ihatid.

"Hatid na namin kayo?." ako.

"Ha.... Hindi na." tanggi ni Princess.

"Okay lang sa'min tutal hindi naman kami busy." pagpupumilit ko baka sakaling pumayag.

"Okay na nga po Shen... " ang nakukulitang reaksyon ni Princess sa akin.

"Okay." magpapaawa pa sana ako ng mukha kaso hindi naman niya ako pinansin.

*Sad*

"Salamat sa inyo at sa pagkain." ngiting sabi niya. "Mauna na kami may gagawin pa kasi kami." paalam pa niya.

Liligpitin pa sana ni Cha ang mga balot o pinaglagyan ng mga pinagkainan nila kaso itong si James ay pumaparaan. Hinawakan niya yung kamay ni Cha na ikinagulat nito at napatingin kay James.

"Kami na ang bahala diyan." ngiting sabi ni James.

'Tsssssss.

"A-e Salamat. Paano una na kami." kaway na sabi nito habang unti unting naglalakad papalayo sa amin. Hinablot pa ang kamay ni Princess.

"Bye." Huling sulyap ni Princess.

Nakatingin pa din ako kay Princess hanggang sa makalayo na sila ng tuluyan.

Ilang segundo ang lumipas.

Siniko ako ng mahina ni James.

"Boss mukhang kinikilig ka ah?." biro nito.

"Baliw!."

•CHA'S POV•

Wrong timing nakasalubong pa namin si Deimos na pabalik na din sa room nila.

Ngayon hindi kami makadaan dahil nakaharang siya at halatang sinadya niyang tumayo dito at harangan kami sa dadaanan namin.

•DEIMOS'S POV•

Naguguluhan na ako sa ginagawa ni Princess dahil hindi ko siya nakilala sa ginitong paraan, ang umiwas at hindi ako pansinin.

Kaya nang nakasalubong ko sila dito ako na mismo ang humarang at tumayo dito dahil may gusto akong marinig na sagot sa tanong na kanina ko pa dapat ginawa.

"Alam ko na may dahilan ka Princess pero pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit mo ako iniiwasan?." rektang tanong ko.

"Ano bang ginagawa mo?, nakatingin sila." bulong ni Princess habang nakayuko.

Napatingin ako sa paligid at nakita kong marami na ang nakatingin sa amin.

"Busy ako sa pag-aaral Deimos at alam ko ding busy kang tao kaya please... Paraanin mo kami dahil may kailangan pa kaming gawin at wala akong panahon sa mga ganitong eksena." aniya't nilampasaman ako.

"Sorry Deimos." Cha at sinundan na si Princess.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ngayon sa nangyari pero mas binibigyan niya ako ng dahilan para mas sipagan pa hangga't makakuha ako ng sagot.

'Ayaw niya na kulitin ko siya, pwes.

•CHA'S POV•

Lumipas ang ilang araw.

Hindi na ako naninibago sa ginagawang pag-iwas ni Princess kay Deimos na nagpapatuloy hanggang sa ngayon, na parang normal na din sa kanya.

Wala ako sa room at kasalukuyan akong nasa garden ng campus ngayon na malapit sa room building namin. 'Syempre lalayo pa ba ako kung meron naman na dito sa malapit.

Be My Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon