BE MY PRINCESS - (20) - 💕💕

47 7 0
                                    

•SHEN'S POV•

'Iisa lang ang alam kong pupuntahan niya lalo na ngayong break time.

Nagpunta ako sa favorite place niya dala 'tong pagkain para sa kanya.

Pagdating ko sa soccer field agad akong nagtungo sa may puno at sa ilalim ng puno ito ay may upuan at mesang gawa sa bato.

Wala akong nakitang Princess na nakaupo dito ngayon.

"Nasan siya?."

"Bat andito ka?."

Napalingon ako sa puno ng marinig ang boses ni Princess na nagpangiti sa akin.

Ang boses niyang ito ay walang sigla di tulad noon. Mahina at matamlay ang boses niya, mapaghahalataan mong namomoblema at nagiisip siya.

Lumapit ako sa puno at sa likod 'nun at nakita ko siyang nakaupo habang yakap ng dalawa niyang kamay ang kanyang mga tuhod (Hook sitting) at nakatanaw sa di kalayuan at mahahalata mong malungkot siya.

Lumapit ako't nakiupo sa tabi niya.

"Bakit nandito ka." tanong ko agad.

"Mainit kasi doon sa upuan." rason niya kahit alam kong hindi naman mainit. Hinayaan ko na lang siya sa rason niya dahil alam ko namang gusto niya lang mapag-isa at ayaw makita ng iba ang pagiging malungkot niya.

"May dala akong pagkain... Di ko alam kung magugustuhan mo ito." pagkasabi at pagkasabi ko hinablot niya agad ito at agad binuksan at sinunggaban. Tas sabay sipsip sa dala kong juice na ako na mismo ang naglagay ng straw.

"Bakit ka pala andito?." muling tanong niya. Sa pagkakataong ito malakas na ang boses at nakangiti na siya, alam kong napipilitan lang siyang gawin ito sa harap ko para ipakitang wala siyang dalang problema.

"May sasabihin sana ako sayo kaso di ka ata okay eh." pabirong sabi ko dahil gusto kong maging light ang pakiramdam niya kahit man lang segundo.

"Para kang sira! Ano nga?." inis na sabi niya na nagpangiti sa'kin.

"Mamaya sama ka samin." sagot ko.

Hindi ko na lang agad sinabi kung ano ang dahilan at kung saan kami magpupunta.

Nalulungkot ako na nabibilib sa kanya may pagkakapareho kasi kami in a way na sinusubukan namin na lutasin ang mga problema in our own na hangga't maaari ay mas pinipili naming gawin ito nang mag-isa at hindi humingi ng tulong sa iba.

"Saan na naman yan?." pagtatataka niya.

"Basta!." ngiting sagot ko.

"Ayan ka na naman sa kakaganyan mo!." natawa na lang ako sa sinabi niya. ang kulit din kasi ng itsura niya ng sabihin ito para siyang batang inaasar.

Sinabayan ko na lang siya sa pagkain niya dahil bumili din ako ng para sa akin dahil medyo kailangan ko na ding kumain.

Nagkwentuhan kami.

Hindi ko alam kung ito bang ikinukuwento niya ang dahilan kung bakit siya malungkot ngayon pero nararamdaman ko ang lungkot at pagaalala para sa kanya.

Nalulungkot ako kapag malungkot ang kinukuwento niya at sumasaya at sumisigla naman ako kapag masaya naman ang ikinukuwento niya. Paiba iba kasi siya hindi kasi ata siya sanay o naiilang siya na ikinukuwento ito sa iba dahil bukod sa pamilya niya si Cha lang ang paniguradong pinagsasabihan niya ng problema.

Sa ilang araw naming magkakilala't magkasama naging malapit na siya sa akin na parang wala kaming naging problema o pinag awayan noon. Para tuloy hinahanap na siya ng mata ko every time na hindi ko siya nakikita dahil halos araw araw kaming magkasama gawa ng project namin. Kung yun ngang may dahilan kung bakit kami nagsasama ay hinahanap hanap ko na siya (dahil sa project) what more pa kaya ngayong tapos na namin ang project namin.

Be My Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon