BE MY PRINCESS - (9) - Pumayag ako

89 7 0
                                    

"Cute nila sa picture no?. " student no. 4

at kung ano ano pa...

Hinatak na ako papalayo ni Cha.

Matapos nun ay nagpaalam ako kay Cha na may pupuntahan ako at mauna siya sa room. Himala nga hindi man lang siya magtanong kung saan ako pupunta, ni hindi nagulat o sumama.

Nagpunta pala ako sa dito kila Dragon (sa room nila).

Nang makita ako ng mga classmate ni Shen na nakatambay sa labas agad itong nagsipaglapitan sa'kin ganun din yung iba na nasa loob ng room nila, nilabas ako at nilapitan. Pinalibutan nila ako.

"Ma'am Princess!. "

"Hi po."

"Princess!. "

"PRINCESS!!!. "

Palingon lingon ako sa kanila animo'y artista ako sa kanila at kilala nila ako. Nakakaoverwhelmed. Yes, I know... They're acting like this because they need my help and I don't see any problem with that.

'Napagod ata ang bibig ko kakangiti isa isa sa kanila.

"Ma'am Princess, andito ka po ba para ibalita o sabihin na pumapayag ka na?, na tulungan kami?. " tanong ng babae. Kilala ko siya, marahil hindi sa pangalan pero nakita ko na siya for once. Siya yung girl na nakapulupot yung kamay sa braso ni James the day na pumunta ako dito.

"A-e.."

'Dapat ko bang sagutin ang tanong niya sa harap nila o hintayin ko na lang si Dragon at sa kanya ko na lang sabihin tas siya na lang magsabi sa kanila, para isahan na lang.

*smile*

Sakto namang papunta na si Dragon dito.

Nagsipag gilid ang mga ito ng makita si Dragon.

'Bagay na bagay sa kanya ang tawaging Dragon. Takot kasi ang mga ito sa kanya't tinatawag pa siyang boss. Tsss.

"Pasok. " mahinahong ani nito pagkadating sa harapan ko. Alam ko na hindi ako yung sinasabihan niya. Matapos marinig ng mga classmates niya yung sinabi niya agad din silang sumunod.

Naiwan si Dragon habang nasa likuran niya naman yung dalawa (si James at Jake).

"Andito ka Miss Princess... So ibig sabihin?..." agad na tanong nitong si James.

'Ang daldal talaga niya.

Akala ko mags-stay yung dalawa dito pero itinaas ni Dragon yung kamay niya tas sumenyas na pumasok silang dalawa. Hinatak ni James si Jake papasok ng classroom nila.

"Miss Princess PLEASEEEEEE!. " pahabol ni James.

Sandaliang natahimik ang paligid. Nakatayo kaming dalawa habang magkaharap nakatingin ako sa kanya habang siya... Sa kung saan nakatingin. May bangas ang mukha niya sa may cheek bone niya habang yung isang sugat sa labi niya at papagaling na.

'Basagulero.

Nagkakapaan kami't naghihintayan kung sino ang unang magsasalita.

"Hi." sabay na sabi namin.

"Ikaw na mauna." sabay ulit.

Napakamot na lang ako ng batok.

"Ikaw na mauna." ani ko.

"Ikaw na." at itinuwid ang tingin sa'kin.

'sabi ko nga ako na.

"Sige. Kasi... " at natigilan ako kasi hindi pa ako tapos magsalita nagsalita din siya.

Be My Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon