Prologue

16 3 27
                                    

Hi! Ako nga pala si Cynthra Villancie, pwede nyo akong tawaging cynth.



"hoy cynth! Naka tulala ka nanaman dyan sa bintana." Ani michelle habang hinampas yung braso ko.



"kumukuha lang ako ng idea sa labas para sa poem na ginagawa ko" sabi ko at sumulyap ulit sa labas ng aming silid aralan bago ibalik ang tingin sa papel na nakalapag sa aking lamesa, ito ay nag lalaman lamang ng dalawang sentence at hindi ko na matuloy.



"haist, Kaylan ka ba titigil sa pag susulat ng maikling tula tuwing nagagalit ka?" aniya na tila dismayado sa aking ginagawa.



"nga pala, peram naman ako ng sulat mo sa filipino, di ko kase natapos kase nakinig nalang ako para mas maunawan ko yung lesson." Pag iiba ko ng topic



Inilahad nya sa aking harapan ang kanyang note book at sinabing:



"sus, lulusot ka pa. tamad ka lang talaga mag sulat no." aniya sabay tawa



Sya nga pala si Michelle Austriano, isa sa mga kaklase at kaybigan ko.


Bumalik ako sa pag tanaw sa labas ng aming silid aralan upang kumuha ng ideya, nakasanayan ko na kase gumawa ng tula, maikli man o mahaba sa tuwing galit ako , parang ito na rin kase yung way ko para mapakalma yung sarili ko, anyway kung itatanong nyo kung bakit ako galit e dahil hindi manlang natanggap ng teacher ko sa English yung report and hand outs na pinag puyatan ko. Nasayang tuloy lahat ng effort ko. 



"David! Ihahatid moba si janel?" tanong ko sa isa sa mga tinuturing kong lalaking kaybigan.


"oo e, may bibilin din ako sa palengke. Bakit wala ka bang kasabay?" aniya at tila pa lingon lingon ang ulo, siguro hinahanap nya ang kanyang nobya.



"oo e. absent kase si noel kaya wala akong kasabay. Hayaan mona. Sasakay nalang ako sa tricycle." sabi ko at akmang tatalikuran ko na sya ng dumating si janel.



"o! hi cynth! sasabay ka ba?" aniya at  ngumiti sa akin.



"nako hindi, iba yung dinadaan nyo diba? wala si noel . siguro mag ta-tricycle nalang ako pauwi." ani ko at ngumiti ako pabalik sakanya.



"ingat ka cynth" chorus nila at tumuwa rin ng sabay kaya pati ako nahawa.



sila nga pala si David Valencia at janel villanueva. Naging mag nobya at mag nobyo sila noong kami ay nasa grade 8 pa lamang at ngayon ay grade 10 na kami kaya nakakaproud na ang tagal na nila. mga kaybigan ko rin sila ngunit si david lang ang aking kaklase dahil naiba ng section si janel ng kami ay nag grade 10.

A LIFETIME WITH YOUWhere stories live. Discover now