CHAPTER ONE

11 3 1
                                    


CYNTHRA'S POV


October 29, 20XX


Nagising ako ng may mga ngiti sa aking labi.


Ngayon na! eto na! sa wakas mag kikita na kaming dalawa. Grabe halos di ako makatulog kagabi sa sobrang excite ko.


Wait! Wala pa pala akong susuotin.


Ako ay bumangon sa aking pag kakahiga at Pumunta ako sa cabinet kung nasaan yung mga damit ko at nag simula akong mamili.


Hmmm? Mag de-dress ba ako o casual lang? parang ang oa naman pag nag dress.


Tumigil lang ako sapag hahanap ng Makita ang leggings ko na kulay dark grey at pink na croptop na may nakaukit na dalawang shell sa bandang dibdib at pinaresan ito ng kulay putting sneakers.


Siguro ok na to, manonood lang naman kami ng sine.


*beep*


{ariel: 

                   10:00 am tayo kita sa mall para saktong bukas at makakuha agad ng ticket. See you!}



Pag katapos ko buksan ang kanyang mensahe ay tumingin ako sa oras


Lintek! 8:45 na! bat pa kase ako nag puyat e! andami ko pang aayusin sa muka ko!


Lumipas ang halos 30 minutes ay patapos palamang ako sa pagmi-make up at halos di pa nasusuklay ng maayos ang aking buhok.


Nagulat ako ng biglang bumukas ang aking pintuan sa kwarto.


"anak, kumain ka na." ani mama


"di na ako kakain ma, may pupuntahan kami ng kaybigan ko, doon nalang ako kakain" pag sisinungaling ko.



"ah ganun ba, sige mag ingat ka, eto o pera kung kaylangan mo" abot nya saakin ng limang daan


Tumayo na ako at kinuha ang pera na kanyang iniaabot at inilagay ito sa aking maliit na bag. Nag tungo ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi.



"thank you ma, icha-chat nalang kita kung anong oras ako uuwi. Ingat ka po" nag sinabi ko yan ay tumalikod na ako at umalis. Nang sa hagdanan ay tumakbo nako palabas hanggang gate at nag tawag ng tricycle. Narinig ko pa ang sigaw ng aking mama sa balcony mula saknyang kwarto


"mag iingat ka anak"


"manong sa sakayan papuntang mall" ani ko sa tricycle driver na pinara ko.

A LIFETIME WITH YOUWhere stories live. Discover now