Chapter 3

44 21 7
                                    

I dedicate this chapter to kcda_1 hello bibi! Hope you try to read my story too 😍❤️


Chapter 3

Mira's POV

Matuling lumipas ang isang linggo, matapos mangyari ang insidenteng  iyon ay hindi kona nakita pang muli ang pagmumukha nung lintik na iyon! Hanggang ngayon ay nang gigigil pa rin ako sa kaniya! Ewan ko ba! Feeling ko hindi ako mapapakali hangga't hindi ko siya nagagantihan, lintik lang ang walang ganti no! Pero ayos na itong hindi ko siya nakikita, kesa makita ko siya baka kung ano pa ang magawa grrr.

Linggo ngayon ng alas singko, nag aayos ako kase mag jojogging ako paikot rito sa buong Village namin, ayos naman kase malawak naman ang Village namin e, may daan nga rito papunta sa EK, oo sobrang lapit lang ng bahay namin don.

Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang repleksiyon ko, naka sports bra ako na  pink at isang jogging pants na
Black, naka rubber shoes ako na pink na may Black, nakapuyod ang buhok ko, nagdala ako ng towel at cellphone with Earphones.

Sapat na sakin to, lumabas na ako ng silid at bumungad sa akin ang napakatahimik na hallway, anyway nasa Fourth floor ang kuwarto ko, actually lahat ng nasa floor na ito ay kuwarto naming lahat, masiyadong malawak ang bahay naming ala Mansiyon, pagkaraan ko sa.mga kuwarto namin ay nadaan ko pa ang anim na guest room.

Pagkatapos mong daanan yon ay may elevator at sa tapat nito ang hagdan na paikot, kaya imbis na magelevator ay naghagdan ako.

Pumunta ako sa Kitchen para uminom, pagpunta ko ay naroon si Mom, nagluluto ang aga naman yata niya? At saka himala? Nandito pa rin pala siya, one week na siya rito sa pilipilinas, nasa America kase siya at hina-handle ang business naming Restaurant.

May branch rin kami don ewan ko nga lang kung ilan, pumunta ako sa refrigerator at uminom, nahagip ng mata ko ang Delight kaya kinuha ko ito at nilagay sa bulsa ng jogging pants ko sa likod.

“Oh Mira my princess Daughter, saan ka pupunta?”

“Magja jogging lang mom”

“okay, ingat ka sweetie okay? Bumalik ka ng seven o clock at Sabay-sabay tayong mag breakfast.”

“okay.”

Pagkasabi kong iyon ay tumalikod na ako sinalpak ko ang earphones sa aking tenga at saka nagtuloy sa paglabas ng bahay.

Nakita ko pa ang bumalatay na lungkot sa mukha ni Mom, they know me, alam nila kapag ganon ang trato ko sa kanila, nagtatampo ako sa kaniya dahil wala na siyang time sa akin, sa amin, Buti pa si dad kahit papaano ay nakakasama namin kase nandito rin sa pilipilinas si Dad. Siya kase ang naghs handle ng Business namin na Car Company na namana niya pa sa parents niya. While mom, siya talaga nagpalago ng business niyang yon, hindi naman kase mayaman si Mom before, talagang matalino at nagsikap lang siya.

Lumabas ako ng bahay at nagsimulang tumakbo, sa kanan ako nagsimula, mamaya lalabas ako sa kabilang Street.

Kahit gaano pa kalaki ang village namin sy saulong saulo kona ito, maraming mga bahay ang malalaki rito, at Isa ang sa amin roon, Sa likod ng bahay namin may backyard kami, at nandoon ang swimming pool na parang napkin ang style, malawak siya.

Bukod don ay nasa harap namin ang garden na sa lola naming namayapa na, kaya iniingatan yon ni dad at masiyadong Alaga.

May rest house rin kami sa Tagaytay,madalas kami ron tuwing December.

Nakakailang ikot palang ako pero hindi pa ako nakakabalik sa bahay namin, kaya nagpatuloy lang ako sa pagtakbo, i need this to maintain my Body looks, masiyado akong conscious sa sarili ko, feeling ko lagi akong tumataba kahit na hindi naman, feeling ko tataba ako kung hindi ako mag e excercise.

She's Into JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon