PAGSUKO SA GITNA NG ULAN

9 0 0
                                    


Narito ako ngayon sa harapan ng bintana
Nakatulala at tila hindi maaabala.
Kasabay ang pagpatak ng mga luha,
Tuloy-tuloy ang pagdaloy sa aking mukha.

Minamasdan ang bawat patak ng ulan,
'Di malimutan ang ating nakaraan.
Nakaraan na ako'y tuluyan mo nang iniwan.
Ramdam ang sakit na dapat noon ko pa kinalimutan.

Bakit mo pa ako minahal kung ako din pala ay iyong iiwan.
Sa kawalan
Nais kong sumigaw at humiyaw,
Nais ko narin bumitaw.

Ang lahat ng ito ay naaalala ko sa tuwing sasapit ang ulan.

Ngunit ito ang panahong.

Marapat ay patuloy akong kumapit
Sapagkat ikaw parin ang sinisigaw ng aking damdamin.
Kailanman.
Mahal parin kita, kahit ako'y iyong iniwan.

Kahit ang sakit ay namumutawi parin sa aking damdamin.
Sa iyo pa din ako, maging nang isipan.
Patuloy kitang aalalahanin.
Kahit pa matapos ang pag-ulan,

Matuyo man ang luha sa aking mukha,
Kahit maubos ang aking luha,
Babangon at na may bagong pag-asa.
At susuungin ang malakas na ulan sa labas ng aming tahanan at doon ay mag-sasaya kasama ang ating alaala.

SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon