Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan;
Patuloy kabang Magbubulag bulagan?,
At magbibingi bingihan?
Kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako;
Bibitaw ka paba sa pangako?,Tatayo ka lamang ba at magpapakatamad?
Bakit hindi ka manalangin at lumuhod?,
Hindi pa huli ang lahat,
Gawin mo ang nararapat,Maaari kapang maging tapat.
Ang mabuhay ka at pamilya mo ay hindi paba sapat?
At sana, ang pagkain na mayroon ka;
Ibahagi naman sa iba,Nang malasap naman nila ang pagkaing pinapakita mo sa madla,
At yaong may malaki namang kwarta,
Huwag namang ipagdamot sa mga taong sadya namang kapos,
Ngayon silay naghihikahos,Upang pamilya nila ay mairaos,
Tatawirin kahit anong uri pa unos,
Kahit buhay pa ang nakalaan,
Para sa busog nilang kinabukasanNasaan ang pagbabago,
Kung ikaw mismo ay hindi mo mabago.
Uulitin ko!
Maaari kapang magbago,Alisin ang galit,
Hilumin ang sugat,
Humingi ng tawad,
Iluhod ang tuhodIyuko ang ulo,
Samahan mo ako,
Manalangin, Isigaw mo pa,
Tumawag tayo nag-iisang may lalang ng langit at lupa,Maging ng dagat at ulan,
Humingi ng kapatawaran,
Ikaw at ako ay pakikinggan.
Magtiwala ka lamang at pagtibayin ang iyong kalooban.
BINABASA MO ANG
SPOKEN
PoetryAng lahat ng mababasa ay pawang sinubukan ko lamang.. masaya ako na mabasa mo ito.. at sana ay magustuhan niyo din... tumatanggap ako ng mga corrections.. i-comment lang or ipm sa akin.. maraming salamat ulit😊😊 ps: sana rin ay paki respeto ng...