SILA NA NAGMAMAHAL

3 0 0
                                    

Pagmamahal na iniluhod ko sa iba para lamang ako ay mahalin,
Kahit ako'y magmukha nang tanga
Basta mayakap ko lang ang aking sinisinta,
Kahit ako'y magdusa pa at mahirapan
Susunduin kita tuwing uwian.
Ipapasan sa aking likod
kapag ang iyong mga paa ay nakaramdam ng pagod.
Hindi bale ng ako ang mapagod
basta ikaw mahal ko ay ang nag-iisang prinsesa ko,
Tatakas ako tuwing gabe mabili ko lang ang pagkain na hinihiling mo.
Kahit mabasa ng ulan basta papayungan kita.
Palagi kitang inaalala gusto ko ay ayos ka aking sinta.

Subalit ako'y nagawa mo pa ding iwanan,
ginawa ko naman ang lahat! para ikaw ay sumaya pinaramdam ko na sa puso ko ikaw ang ang nag-iisa,
Alam mo bang ako ngayon ay nagdurusa.
at hirap na sa tila isang buhay na puno ng parusa."

Wala nang nagmamahal sa akin ng totoo..
Gusto ko ng sumuko!

"Narito ako anak, palaging narito para sa'yo
Palaging nakasuporta sa tabi mo;
Mula ng ika'y bagong silang,
At sanggol pa lamang,
Hindi pa kaya ang lakbayin ng buhay,
Basta ikaw ay maging matibay,
kung madapa ka ay itatayo kita anak
Patuloy kang lumaban sa hirap ng buhay at 'wag mapahamak.
Basta kaya mo anak.
Nandito lang  ako at mananatili sa tabi mo
Umulan man o bumagyo. Oo,
Kahit mahirapan ako ay lalaban para sayo! Ilalaban ko at iraraos,
ang pagiging bata mo,
Upang maging maayos ang kinabukasan mo kapag tama na ang edad,
At maitaguyod mo ang sariling pamilya balawang araw."

Iyan ang mga alaalang iniwan sa akin ng aking mga magulang.
Bago sila tuluyang lumisan.
Kaya 'di ko na ipinagdamot sa mga anak ko ang alaalang ito.

Ama, Ina.. Sila na nagmahal sa akin ng lubos at naghirap ng wagas para sa maganda kong bukas.

...
Una salamat sa lahat ng magbabasa at makakabasa pa lamang...
May mga mali po dyan kaya sorry na agad..  Be good to comment section please salamat😊😊

SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon