Lumiere.
I sat beside the door, outside the classroom of my friend, Alys. Students walked pass by me as their teacher dismiss their class. Kakatapos lang din ng klase ko at uwian na ngayon. As of now, I'm just waiting for Alys and Riri, Cleaners kasi sila ngayon.
Because of boredness, I took my sketchpad, pencil and eraser out of my bag beside me. My hands felt through every pages as I found a blank page that don't have a drawing yet.
I started sketching the outline of the eyes. My pencil slipped when suddenly a bag was thrown to my direction. Napapikit ako ng mariin dahil sa inis. Lintek na...
I tightened the grip on the pencil as if wanting to break it because of annoyance.
"Ate! Pakibato nga pabalik yung bag!" Rinig kong sigaw ng lalaki.
Kalma. Kumalma ka lang Euri. Hindi naman sinasadya eh diba?
I sighed. Binuksan ko na ang mga mata ko at itinabi sa tabi ng bag ko ang sketch pad at lapis ko. Tumayo ako at binuhat ang bag na naibato ng 'di sinasadya sa direksyon ko.
I scanned my surroundings to find the person who shouted awhile ago. I found him at the school grounds waving at me. Hindi gaanong katangkaran at kayumanggi ang balat at may hitsura naman kahit papa'no. His friends looked at me except for one boy whose busy arranging his notebooks to his bag as I walked towards to their direction.
"Oh." Inabot ko sa kanya ang bag nya na kinuha naman nya. Matapos ay aalis na sana ako nang tawagin ako ng isa nyang kaibigan na lalaking matangkad, mukhang kapre kahit maputi. Kala mo ay binudburan ng harina sa sobrang kaputian. Nakakahiya ah. Hindi ko malaman kung kaedaran ko lang ba o hindi itong lalaking 'to eh.
"Diba ikaw si Lumiere Lim? Yung magaling mag-drawing?" Mabagal akong tumango dahil sa pagtataka. Sa pagkakatanda ko ay hindi ako sumali sa contest ng slogan at poster making ngayong taon ah. Stress lang kasi.
"Bakit?" Balik kong tanong "Wala lang, nakita kasi kitang nag-d-drawing sa pinto 'e." Maloko nyang sagot. I squinted my eyes when I heard his answer.
"So...kaya nyo 'ko binato ng bag gan'on?" Sarkastiko kong tanong na ipinagtaka nila. Pumanewang ako sa harapan nya habang nakakunot ang noo ko sa iritasyon.
"Wala kayong magawa? At talagang nandadamay kayo ano? Bwiset na! Eh kung iuntog nyo nalang sarili nyo sa pader? Nanahimik ako sa isang tabi ta's manggugulo kayo? Bwiset!" Inis na inis kong sigaw bago tumalikod paalis sa kanila.
Padabog kong binalik ang sketchpad, lapis at pambura ko sa bag at padabog din itong sinara at padabog na hinagis sa pader.
Kawalang gana.
"Oh anyare sayo dyan?" Heard Alys said peeking through the door.
"Wala." I hugged my knees and lowered my head trying to calm my nerves from bursting out of anger.
Iniangat ko ang ulo ko at nakitang tumabi sya sa akin at tumingin sa akin ng may halong kuryosidad at pag-a-alala. "May mga bwiset na lalaki walang magawa sa buhay at ako ang napagdiskitahan. Kaimbyerna. Binato ba naman ako ng bag! Samantalang nananahimik ako dito. Bwiset talaga." I lowered my voice in anger.
"Kalma lang, Light. Hayaan mo nalang." Hays. Palagi ko naman eh.
"Tapos na kami maglinis. Si Historia wala pa ba?" Pagtukoy nya kay Riri
"Di pa ata tapos."
"Aw... kunin ko lang bag ko." Pumasok syang muli sa classroom nila. Tumayo naman ako sa pagkakaupo at napagpasyahang silipin ang classroom nila Historia. Nakita ko namang inaayos nalang nila ang mga upuan. Namataan ko naman si Historia na binubura ang mga nakasulat sa board nila.
BINABASA MO ANG
Lumière
RandomAm I a mere mistake? A mistake that shouldve not been made? Started: August 8, 2020 Ended: ----- Genre: TeenFic, Drama, Romance?