Lumiere.
I cracked the egg into two in the bowl, another and another. Naglagay naman ako ng magic sarap doon at hinalo sa sardinas na nasa mangkok. Habang pinaghahalo-halo ko ay bigla namang nag-ring ang cellphone ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at sinagot ang tawag. Inilagay ko ito sa aking tainga at saka nagsalita "Bakit 'ta?" Tanong ko.
"Kamusta ka na dyan?"
"Ayos lang naman, napatawag ka po?"
"Ah bukas pa ako makakauwi, pasensya na ah? Ikaw na namang mag-isa dyaan sa bahay. Hayaan mo papasalubungan nalang kita, ano bang gusto mo?" napangiti naman ako ng kaunti nang marinig ko ang nag-a-alala nitong boses. Simula kasi nang iwan ako ng mga magulang ko ay sya na ang kumupkop sa akin.
Sya si Emerald Encarnacion, tita ko at kapatid ng ina ko. Ang mama at papa ko ay parehas na may kanya-kanyang pamilya na. Si Tita Emy kinaaway pa ang nanay ko nang tinanggi ako nitong anak nya.
Both my parents denied my very existence.
Simula noon ay hindi na nagkasundo pa si Tita Emy at ang mama ko.
"Puwedeng sisig?Damihan mo tita ah." Nakangiti kong sabi.
"Nu ka ba, syempre naman oo! Puwedeng-puwede!"
"Salamat 'ta."
Ibinuhos ko naman sa kawali ang itlog na may halong sardinas.
"May allowance ka pa ba na natitira dyan?" Nag-a-alala nyang tanong
"Meron pa naman 'ta, kasya pa ng dalawang linggo." Sagot ko. Matapos maluto ng tortang itlog ay pinatay ko na ang apoy ng kalan at kumuha ng malinis na mangkok at inilagay doon ang tortang itlog.
"Hmm...mabuti naman. Pasensya ka na talaga ah? Bukas na bukas din ay makakauwi na ako dyaan." Aniya nya at halata sa boses ang paghihingi ng paumanhin.
"Ayos lang ako tita, 'wag ka ng mag-alala." I said reassuring her.
"Alright. Mag-iingat ka dyan ah? Wag sasama sa kung kani-kanino! At mag-aral ng mabuti!" Natawa naman ako sa pangaral nya.
"Opooo~" sagot ko
"Oh sige na, mauuna na ako at baka mapagalitan pa ako ng boss ko. Babye! Mwah~"
"Bye." Pumunta na ako sa sala at inilagay sa mesa ang mangkok na naglalaman ng tortang itlog nang patayin na ni Tita Emy ang tawag.
Narinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng notification ng messenger ko kaya nama'y binuksan ko itong muli.
▪
Ms. AP:
Oy
Dyosa ng gyera :
Oy ka den.
Dyosa ng gyera:
Tapos mo na yung test papers? sabay tayo magpasa kay ma'am mamayang recess?
Ms: AP:
Ge lang.
Ms. AP
Tinatapos ko pa lang ngayon. Nakain pa ako.
▪
I turned off my phone when I saw their conversation. Si-neen ko nalang, Ka-OP eh.
Amboring naman.
Pagtapos kong kumain ay isinuot ko na agad ang uniporme ko para aalis nalang mamaya. Alas-diyes na rin kasi at mamayang 11:10 ay aalis na ako papasok ng eskuwela. Panghapon ang pasok ko at nasa ika-walong baitang na.
BINABASA MO ANG
Lumière
RandomAm I a mere mistake? A mistake that shouldve not been made? Started: August 8, 2020 Ended: ----- Genre: TeenFic, Drama, Romance?