Rhysand."Pre si Lumiere oh." Napatingin ako sa direksyon na itinuro ni Francis. Nakita ko syang naglalakad mag-isa sa kabilang kalsada at nakatingin sa kung saan. Sinundan ko naman ang direksyon ng tingin nya.
Oh the teachers?
"Oh eh ano naman?" Pabalang kong tanong sa kanya.
"Kausapin mo pre malamang!"
"Ba't ko kakausapin? Mamaya magalit na naman sa'ken 'yan."
"Kaya nga mag-sorry ka para tapos."
"Anong mags-sorry ka dyan? Eh kayo naman yung may kasalanan kung bakit nagalit 'yan sa akin, samantalang wala naman akong ginawang kasalanan."
"Kami na nga gumawa ng dahilan para makausap mo ikaw pa galit, hay nako pre. Kunware ka pa! Alam ko naman na interesado ka sa kanya." Napangiwi naman ako sa kanyang sinabi.
"Interesado lang ako sa pangalan nya kayo naman puro malisya kaagad kaya ayoko lumapit sainyo eh napapahamak ako ng wala sa oras." Paliwanag ko
"Kung ano-ano pa sinasabi mo! Kausapin mo na doon! Balang araw eh kami naman ang papasalamatan mo at gumawa kami ng dahilan para magkausap kayo." Tinulak-tulak nya pa ako
"Ayoko nga sabi!"
"Wag ka nang torpe! Layas!" Itinulak nya naman ako paalis kaya naman wala na akong nagawa kundi sumunod.
Nakita ko na syang papalapit dito sa parte ng kalsada na kinatatayuan ko kaya nilapitan ko na sya kahit hindi sigurado. Pero mukhang malalim ang iniisip nito at nabunggo nya pa ako. Napadaing sya at napahawak sa ulo nya.
Maya-maya'y humingi sya ng paumanhin at aalis na sana nang pigilan ko sya't hinawakan sa braso nya. Narinig ko pa ang pagchi-cheer sa akin ni Francis sa malayo kaya napailing nalang ako.
"Ikaw na naman?!" Bigla nyang pagsigaw nang lingunin nya ako. Yung mga taong malapit sa amin ay napatingin pa sa amin---or sa kanya lang yata. Sya sumigaw eh.
Sungit talaga kahit kelan. Palaging nakasigaw, nakakunot ang noo, o 'di kaya nama'y nakataas ang kilay. Palaging mainit ang ulo.
"Ano naman ang kailangan mo, lalake?" Napakasungit talaga.
Kaha-kahapon lang ay sinigawan nya din ako. Na ang lakas daw ng trip namin tapos walang magawa sa buhay at kung ano-ano pa. Tapos biglang umalis. Nakita ko pa ngang tinapon nya yung bag nya sa galit. Kawawa tuloy.
Eh sa totoo nyan nakita ko lang naman sya na nagd-drawing doon sa may gilid ng pinto ng classroom namin, may hinihintay yata. Tapos tinanong ko sa kaibigan ko na kaklase ko din, si Francis. Kayumanggi ang kulay ng balat nya at may hitsura medyo habulin ng babae pero 'di naman katangkaran.
Tinanong ko kay Francis ang pangalan nya at Lumiere Lim daw ang pangalan. Kaibigan ng kaklase naming si Athena katunog ng lanta. Joke lang baka magalit sa akin.
Inasar pa nga ako ni Francis pati ng iba ko pang kaibigan na kasama namin nung tinanong ko ang pangalan nya. In the end, napag-usapan nilang batuhin sya ng bag, yung bag ni Francis.
Tapos nung lumapit sya sa amin para ibalik yung bag, nahihiya ko pang tinanong kung sya ba si Lumiere Lim. Tapos biglang nagalit nung sinabi ko yung dahilan kung bakit ko natanong yung pangalan.
Pagkaalis nya kinantyawan agad ako nila Francis kasi 'di pa nga nakakapag-usap ng matino 'e basted na agad ako. Pero hindi ko sila pinansin.
Natanong ko lang naman kung ano pangalan inasar na kaaga ako porke't babae.

BINABASA MO ANG
Lumière
DiversosAm I a mere mistake? A mistake that shouldve not been made? Started: August 8, 2020 Ended: ----- Genre: TeenFic, Drama, Romance?