"Happy monthsary, love" bati ko sa kanya.
"Happy monthsary din love" bati niya sakin at hinalikan ako sa pisngi.
"Alam mo almost 1 year na tayo. 2months na lang ipagdiriwang na natin ang ating first anniversary" tuwang tuwa niyang sabi sakin.
Dinala niya ako sa isang park na walang tao kundi kami lang at naghanda siya ng isang picnic.
"Na miss kita. Halos ilang oras na lang tayo nagiging magkasama this past few days." Nagtatampo niyang sabi. Tumabi naman ako sa kanya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Alam mo naman na maraming ginagawa sa school eh. Malapit na kasi ang midterms. Pero hayaan mo babawi ako" hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan.
"I love you, Katie"
"I love you too, Ethan"
*******
"Love bakit ang lungkot mo yata ngayon??" Tanong niya sakin.
I just shrugged at ngumiti ng pilit.
"Kung may problema love sabihin mo sakin baka makatulong ako" hinawakan niya ako sa balikat pero umiwas ako.
"Wala naman. Okay lang ako"
"Love may problema ka eh. Ayoko lang naman na nakikita kang ganyan kaya kung may problema-------"
"Let's break up" seryoso kong sabi
"L-Love?? M-may mali ba akong nagawa or may naging kasalanan man lang??"
"Wala. Its just that napagisip isip ko lang na ayoko na"
"L-Love. Diba sabi mo walang iwanan at walang bibitaw"naluluha niyang sabi.
"Oo sinabi ko yun pero kahit anong gawin natin hindi tayo pwede. I think we better cut off all our ties. I think we better not see each other anymore. Ayoko ng manatili sa relasyong in the first place hindi naman nageexist" naiiyak kong sambit.
"L-Love w-what do you mean??" Lumuluha niyang sambit.
"Ethan naman eh.. ayoko namang gawin ito but it is for the greater good. Kapwa lang tayong nahihirapan pag ipinagpatuloy pa natin ito" pilit kong wag umiyak at iniiwasan kong makipagtitigan sa kanya dahil baka magbago pa ang isip ko
"Love mahal ki----"
"ETHAN PANAGINIP LANG KITA! So please stop it. Hindi ka totoo. Imagination lang kita" sinampal ko ang sarili ko at bumalik sa realidad
Alas dos na pala ng madaling araw. Tuloy tuloy naman ang luha ko sa pag-agos at hirap akong huminga dahil sa sakit na nararamdaman ko. Mahal na mahal ko si Ethan simula ng napanaginipan ko siya. Gabi gabi sa aking pagtulog ay nandun siya, nakakausap ko siya na parang totoo. Kaso alam kong imagination ko Lang siya dahil sa sobrang pagkalungkot.
I love you Ethan even though you are not real. I will always treasure our relationship even though it is not existing.
**********
"Pumila ka muna diyan couz at may bibilhin lang ako." Sabi ko kay Allysa na pinsan ko.
Habang hinahanap ko ang section ng mga candy dahil bibili ako ng marshmallow ay may biglang kumalabit sa likod ko.
"Miss, I think you drop it" nagulat ako ng narinig ang boses ng kumalabit sa akin. Hinding hindi ko makakalimutan ang boses ng pinakamamahal ko. Tuloy tuloy naman na umagos ang luha ko ng paglingon ko sa kanya ay nakita ko ang napakaguwapo niyang mukha.
"Ethan..."