Compilation #8: Shout Out

1 1 0
                                    

Shout Out

"Bes!" Tawag ko sa kaibigan ko na abalang nagsusulat.

"Oh? Ano na naman"

"Iniisip ko kasi kung paano ako mapapansin ni Jobert. Baka mamaya maunahan na ako ng iba dyan eh" natawa ako ng napa facepalm si Yuri.

"Punta ka sa page ng school tapos i shout out mo sya ng baka mapansin ka nya. Magsusulat muna ako dahil magch check si ma'am ng notebook"

"Sana all naka sulat na" agad agad ako bumalik sa upuan ko at pumunta sa page ng school.

'hihihi sana mapansin ako ni krass' nagtipa ang ng message at excited na niclick ang send button

_____________________________________

Hey Jobert! Matagal na nga pala kitang krass. Ang kyut mo kasi titigan pag hinahangin buhok mo. Sana naman hanginin ka din papunta sakin.

-🌱season
_____________________________________

~~~~~~~~~~

After 1 hour ay agad akong bumisita sa page at tinignan kung na post na

58 reacts•37 comments• 4 shares

Jobert Mercado

Pakilala ka sakin lilibre kita piso hahahhaa jk

Muntikan ko ng maibato selpon ko sa pader ng mabasa ang comment nya. AaaaaaaaAaaaaa napansin na ako ni krasssss!! Omayghaadd

'Magpapa pansit ako sa room pag ako nicrushback nito ahihihi'

_____________________________________

Yieeehh pinansin ako ni Krass. Pag nagpakilala ba ako sayo diretso na tayo sa simbahan? Kung oo. Halika na krass let's get married!

-🌱 season
_____________________________________

~~~~~~

After 30 minutes

107 reacts• 58 comments• 15 shares

Jobert Mercado•

Kung I do ba naman isasagot mo why not. Jk hahahaha

BYEEEE PHILIPPINES! I'M GETTING MARRIED!!!!

"Aray!" Natigil ako sa imagination ko ng batukan ako ni Yuri

"Mukha kang tanga dyan Spring"

"Tanga sakanya. Yieeehhhh" muli na naman akong binatukan ni Yuri ng nagdalagang Pilipina ako sa kanya

"Ang ingay ingay mo sa page infairness. Comment lang yan wag ka masyado umasa. Eh hindi ka pa nga nya kilala" nagpout ako sakanya pero nagroll eyes lang sya sakin..tamoooo napaka supportive na kaibigan hmpk. Note the sarcasm

~~~~~~~~

_____________________________________

Hi hubby Jobert! Practice lang baka magkatotoo hahaha. Masyado kang mabilis dapat ligawan mo muna ako hehehe. Kahit one day para maranasan ko din. Charot! With silent C

-🌱Season
_____________________________________

5 minutes ago

35 reacts• 15 comments• 2 shares

Jobert Mercado

Sure ka dyan? Sige abangan mo bukas ahahahahah.

Tamooo itong krass ko pafall. Porke krass ko sya ganyan na sya? Aba dapat lang. Krass ko sya kaya karapatan nya mag krassback.

"Besss!!!! Omayghad liligawan daw ako ni Jobert mylabs so sweet" masaya kong bati kay Yuri pagpasok ko ng school.

"Gaga ka! Kanina ka pa nya inaantay" naguluhan naman ako sa biglang sagot ni Yuri. Ha? Inaantay? Ako? Sino?

"Sinong nag aantay? Ay bahala sya dyan may ichchika pa ako eh" uupo na sana ako ng bigla akong hatakin ni Yuri palabas.

"Kausapin mo muna yang MANLILIGAW mo. Maharot kang babae ka hindi ka nagsasabi" at nilayasan ako bigla.

Nagulat ako ng humarap bigla sakin si Jobert.

Packening tape?!!!! SI Jobert NASA HARAP KO? Hanla AM I IN HEAVEN?

"Hi season"malambing nyang bati.

"H-h-hi?.....ano ginagawa mo dito" muntikan ko ng malunok yung dila ko sa sobrang kaba.

"Sabi mo ligawan kita kahit one day. So ano payag ka? Tapos kinabukasan ipapakilala na kita kay Mommy" langya?! Nanaginip ba ako???

"P-Pano mo nalaman na ako yun?" Ndi naman kami ganong magkakilala pero wth? Seryoso ba toh? O sa sobrang imagination ko nababaliw ba ako

"Well.... I'm one of the admins of the page. So basically alam na alam ko kung sino ang mga umaamin sakin. At ikaw ang naka agaw ng atensyon ko. So Spring Winter Summer.....can I court you?"

SABI KO NGA MAMA BABYE NA EHHH. IKAKASAL NA ANAK NIYOOO.

PATAWARIN SANA AKO NG PAPA KO SA KALANDIAN KO.

Yieeehhh may jowa na ako maiinggit kayo.

"Susssss tanong tanong ka pa. Oo naman. Tara na Jobert mylabs date tayo sa canteen" natawa naman sya ng bigla ko siyang hinigit palayo.

"SANA ALLL SAINYO SPRING. GAGA KA..ANLANDI MO TALAGA!!!" rinig kong pahabol na sigaw ni Yuri sakin kaya natawa naman ako.

Aba effective pala yung shout out shout out na yan. Nagkajowa ako

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon