Chapter Three
New me
---
"Woy, gising tol!" tinapik ko ang kamay na tumatapik sa pisngi ko, gusto ko pa matulog, tsh.
"Gising na tol, isang bagong umaga ang nag hihintay sayo! " masiglang sabi naman ni Reintus, parang baliw talaga, tinakpan ko ng unan ang tainga ko.
"Bobo mo Reintus, hapon na gago, bagong hapon dapat!" walang kwenta na sabi naman ni Caldwell, napailing nalang ako at napag desisyunang magmulat na, dahil panigurado, mag iingay at mag iingay lang dito itong mga ugok na'to.
Minsan iniisip ko, hindi ba sila nasasayangan sa laway nila? O kaya naman, hindi ba sila napapagod kakasalita? Iisipin ko palang tinatamad na ako. Palibhasa, napalaki akong tahimik, ilap sa tao, maging sa pamilya ko, pero nakikisabay naman ako kahit papano.
Inalis ko ang takip sa mata ko, yung unan. At matulis kong tinignan ang mga ugok na kaibigan ko, walang araw na hindi sila nag dada ng dada. Tsh.
"Bat? " tamad at iritadong tanong ko, ngumisi naman sila.
"Di mo man lang kinompleto yung 'bakit'? " sabi nanaman ni Reintus. What the, hindi nalang sya tumahimik, kahit sandali. Tsh talaga.
"Huy gagi, ang sama na ng tingin nya" sabi naman ni Sky.
"Tanga kanina pa masama tingin nya, ang bobo nyo talaga ni Reintus, tsk tsk. " halos sabay dambain ng dalawa si Caldwell sa sinabi nito, tamad naman akong nakatingin lang sakanila.
Pumunta ba sila dito para gisingin at sirain ang araw ko? Tsh.
"Uy, may balita ako sayong matino. " tumingin ako kay Caldwell ng umupo sya sa kama ko, nanatiling nakatayo si Sky at Reintus. Ayaw atang katabi si Caldwell na nakakainis palagi ang presensya. Hmm.
"Ano? " tipid lang na sabi ko, napangisi ang dalawa ng pinakita ko na wala akong interes sa sasabihin nitong katabi ko, number one at two basher kasi ni Reintus yang dalawa, palagi kasing pinipikon ni Caldwell ,tsh.
Ewan ko ba, ang daming tumatakbo sa isip ko at sobrang daldal ko kapag nanatili lang itong mga salita ko sa isip ko, pero kapag magsasalita na, daig pa ang hindi makapagsalita. Tsh.
"Pumayag na sila Tita's at mom sa plano nating apat na magtatayo tayo ng sarili nating bakeshop! " doon nakuha ang atensyon naming tatlo at mariing tumitig kay Caldwell ng sinabi nya yun, hindi kasi namin alam na sya pa mismo ang magpapaalam nun sa mga magulang din namin, seryoso sya when it comes to bussiness like this.
Umupo na din sa kama ko yung dalawa.
"Sure ko inuto mo si Mama! " malisyosong sabi kaagad ni Reintus. Humalakhak naman si Sky, yung tawang pang demonyo talaga.
"Sure ko sinabihan mo ng matatamis na salita si Mom! " sabi ni Sky matapos ang ilang saglit, ganun din hinala ko. Dahil, knowing Caldwell yun ang alas nya sa tuwing may gusto syang makuha, he's so good when it comes to convincing, na aakalain mo talagang napakagalang at napakabait nyang bata.
Na aakalain mong kakalabas nya lang palagi ng simbahan, nakakatawa ngunit yun ang totoo.
"Hmm? " sambit ko, habang nakatingin at hinihintay namin ang sagot nya, hindi sya makapaniwalang tumingin isa-isa saamin, na para bang sobrang nakakagulat ng sinabi namin, what the.
May nakakagulat pala sa tanong namin? Knowing himself, dapat alam na nya yun. Baka siguro hindi nya matanggap? Hmm, umakto sya na parang sobrang masasakit na salita ang binato namin sakanya. Kung may makakita lang sakanya, aakalain nilang sobra namin syang sinaktan, napakagaling talaga. Pwede na syang maging sikat na artista.
"S-serious... ly.. G-ganun tingin...nyo.. saakin?" muntik ko ng hinagis sa kanya ang sapatos ko na kakatanggal ko kanina, kahit sino ang nasa posisyon naming tatlo ay maasar sakanya!
He's so good when it comes to this dramatic scene!
Muntik na syang masapak ni Reintus sa sobrang inis, animong sobra sobrang nasaktan talaga sya sa sinabi namin, bakit hindi na lang nya kami sagutin? Tumikhim ako, batid nyang seryoso ako kapag ginagawa ko yun. Kaya napahalakhak sya ng sobra, imbes na matakot sa mga matang matulis na nakatingin sakanya, tumawa pa ang ugok. Baliw talaga.
"Okay, chill mga bro's.. Kayo talaga, so ayun na nga.. Uhm, ayun nga.. Alam nyo na yung ano nga, diba tapos ayun bigla nalang sumang-ayon. " nang hindi na mapigilan ni Sky ang sarili nya, pinitik nya ito ng dalawang beses, umaray naman sa sobrang sakit si Caldwell, buti nga.
Parang baliw kasi talaga, hindi nalang nya sabihin ng matapos na, ang sarap sapakin, nakakawala sya ng bait. Hindi na kami umimik, at pinili nalang namin maging mas seryoso ng sa ganun ay maramdaman nya na hindi kami nakikipag biruan, pero dahil sya si Caldwell--mas tumawa pa ito. Seriously, ang sarap nya ng sipain palabas ng kwarto ko.
"Ryl Caldwell Charlie de Guzman" bigkas ko sa napakahabang pangalan nya, dun sya natigilan at kunwari pang sobrang nagulat sya sa pagbigkas ko ng pangalan nya, unti nalang talaga. Unting unti nalang. Nagkaroon ako ng mahabang pasensya ngayon, dahil tungkol ito sa bagay na gusto naming pare-pareho. Sumeryoso na din ang itsura nya, thank god.
"Yeah, kinausap ko sila Tita's ko and Mom,tungkol doon, sinabi ko na desidido tayo dito, at matagal na natin itong plano, at dahil sobrang ganda kong lalaki, pumayag sila, basta daw hindi tayo mag sasawa bigla sa sobrang daming gagawin sa una. Work hard kunno. " sabi nya, kaya napatango nalang kami, tama sya, matagal na namin itong plano, siguro dito nalang kami mag fofocus, atleast dito, kami ang mamumuno. Sana lang, mapalago nakin, kahit papano.
Tiis at tyaga lang naman kailangan kung gusto mo talagang makuha ang isang bagay, kailangan yun.
"Pero, paano na yung kila Tita Geraldine? Huy Gero, pano yung bakeshop nyo? Ano yun mag kakalaban tayo? " napangiwi ako sa walang kwentang tanong ni Sky, tsh. Napag usapan na namin ito bago nag paalam si Caldwell kila Tita at mom, paanong itatanong nya pa? Napakabagal ng utak, tsh. "Biro lang" bawi nya nung mapagtantong wala ako sa mood para sagutin tanong nya, ang usapan kasi namin ay, sa kabilang bayan kami mag papatayo ng bakeshop na kami ang mamumuno, okay lang naman daw yun kila mmymmy, nung ako muna ang nagsabi, para daw kapag nagkapamilya na kami, ay mamana din nila, napangiwi ako ng maalala yun. Pamilya,huh? Ang advance masyado,tsh.
"Ayan, settled naman na pala eh! Next year pa siguro tayo makakapag simula, noh? Syempre kailangan muna natin ang extra job ngayon para makapag ipon, diba? I-enjoy na muna natin ang 4 months na bakasyon natin!" mahabang sabi ni Reintus, tumango naman kami.
Hindi pa siguro nasasabi ni dada yung tungkol sa beach? Tsh, baka nakalimutan? Impossible.
"Ayan tapos na ang meeting natin, arat basketball? " yaya naman ni Sky, tumango kami pare-pareho at nilisan ang kwarto kong napakatahimik ngunit umingay nung andun sila, napailing nalang ako at nilock ang pinto ko, ayaw na ayaw ko ay ang may pumasok doon, pero dahil sila ay sila talagang walang makakapigil sa kakapalan ng mukha ng mga ugok na yan.
Nakakapagtaka tuloy kung paano ko silang napapakisamahan, tsh.
"San bola? " tanong ko, tinuro naman ni Reintus yung nasa tabi ng bike nya, meron kaming tig-iisang bike, yun ang ginagamit namin sa tuwing dumadayo kami sa kabilang bayan para makapag basketball.
Sumakay kami sa sari-sariling bisekleta namin at tumango sa isa't isa. Mag hahasik kami ng kayabangan sa kabilang bayan, just like we always do. Sa tuwing wala kami sa bahay or wala akong kakilala sa mga ibang baryo o bayan, doon ko nailalabas ang tunay na ako, na tanging kaming mag babarkada lang ang may alam, ewan ko ba sa sarili ko.
Napakaweirdo. At napakagwapo.
"Mauna doon,pinakagwapo." pang uuto ko, at binilisan naman nila ang pag pepedal, hays, kawawang mga nilalang, desperadong maging magandang lalaki.
Pity.
---
YOU ARE READING
Inlove With An Unknown Voice (SHORT STORY)
Mystery / ThrillerAs he heared her voice, he fell inlove... deeply inlove with unknown voice. Covers are not mine, credits to the rightful owner.