Chapter 7
Tease
---
Hindi ko alam kung anong trip ng mga magulang namin, habang mag isa ako dito sa gilid ng kamang kwartong kinaroroonan ko, ay syang paglakbay ng utak ko sa kung saan saan.
Anong plano nyo, mmy? Da?.
Alam ba ito ni Kuya? How about si Ate?
Tsh.
Nababaliw nanaman ang mga magulang ko, dinamay pa mga kaibigan nila, jusko.
Anong gagawin ko dito? Hindi naman pwedeng tadyakan ko ang lock ng pinti dahil useless yun, sobrang tibay ng lock, titignan mo palang mapapatras kana,wala na akong pag asang makaalis dito, depende nalang kung mayroong taong mag uunlock sa labas.
Ngunit paano? Sino?
May nagawa ba akong mali na hindi nagustuhan nila, mmy at da? They never did this to me, paborito ako ng mga yun. Pero bat ko ba sila sinisisi? Si Caldwell kasi! Pero may point din sya.
Argh! Ang gulo na ng utak ko! Kung sumigaw kaya ako, maririnig ng nasa kabilang kwarto? Ngunit, may katabi nga ba ako sa kwartong ito?
"Hoy! Hai! Hello! " sigaw ko, dahilan para may kumalampag sa isang kwarto!
Nagkaroon ako ng matinding pag asa! May tao!
"Apakaingay amputs! " naguguluhan ko namang sinundan and tinig, umabot sa punto na dinikit ko ang tenga ko sa pader para masigurong may tao nga.
"Hai? May tao ba dyan? Can you hear me? " napaenglish tuloy ako ng wala sa time.tsh.
"Hindi kita naririnig. " napangisi ako ng sinabi nya yun, hindi naman pala ako nag iisa,eh?
"Natrap ka din ba? " tanong ko, since when did I became like this? Kailan ako naging madaldal?
Maybe because I want someone to talk to?
"Hindi, hindi ako natrap kaya ako nandito. " mas lumaki ang ngisi ko sa sinabi nya, this girl has a something, pero medyo familiar boses nya? Hmm, baka nagkamali lang ako.
"Do you know how to escape? " tanong kong muli,I don't wanna end our conversation.
And I don't know why.
"Sobrang alam ko, kaya nga isang buwan na ako dito eh." napahalakhak na ako sa sinabi nya, tsh. This girl has something, kailan na ba ulit ako humalakhak ng dahil sa isang corny na joke?
Sobrang tagal na.
"Paano ka nakapunta dito? " I ask again, narinig ko syang tumikhim, ayaw nya ba ako kausap?
"Ay waw, interview? Kukuhanin mo ba akong artista? Magaling ako umacting! " sarkastikong sabi nya and again, i laugh so hard.
"Nakakatawa ka naman po. " magalang na sabi ko, tsh.
"Hindi ako clown, ulol! " napangiwi ako sa talim ng bunganga nya, tsh. Fouls words. Foul mouth.
"You told me na isang buwan ka na dito. " panimula ko, ayaw ko talagang mawala conversation namin. So weird na me.
"Hindi ko sinabi ah, nagtanong ka. Sabi mo dapat sinagot, psh! " natawa nanaman ako sa inasta nya, tsh. Mukhang di naman pala ako maboboring eh.
How does she look like kaya?...
"Okay okay, so isang buwan ka dito? Nakasurvive ka nun? Waw. Ang cool naman po" sambit ko, hindi na sya muling nagsalita, baka tulog na? I check the time in my cellphone, 10:09 p. m? Gabi na.
Tinignan ko ang percentage nito, lobat na din, pero wala pa ding signal. Hinanap ko ang charger ko sa bag na dala ko, buti pala madami akong dinalang damit! Dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito. Marunong naman ako maglaba at luckily, sobrang complete dito, may washing machine and dryer din ng mga damit, parang bahay na.
Ano kayang tawag sa bahay na ito?
Bawat kwarto ba ay ganito? Napakayaman naman ng may ari ng islang ito, pero hindi mo pa din maiaalis na isa pa din itong misteryo. Ano nga ba ang history ng islang ito?
Kanino to?
Matapos maligo,at nakapagbihis sumampa na ako sa kama, ang lambot! Mas malambot pa sa pisngi ko, tsh. Kung hindi lang lobat cellphone ko at kung may signal lang talaga, edi sana nag ml nako ngayon.
Bakit ba kasi ako nandito?
Bakit kami nandito?
Speaking of kami, kamusta na kaya ang mga ugok? Humihinga pa naman ba kaya ang mga yun?
Baka puputi nako ng sobra sobra nito, but that girl. Pano sya nakasurvive ng isang buwan dito? May mga nakakausap din kaya sya? Tsh.
Mamamatay ata ako sa kakaisip ng mga sagot....
This Island has really something.
Sa malalim na pag iisip, hindi ko namalayang nakapikit na ako at mahimbing na natutulog.
I hope that it's just a nightmare.
***
Nagising ako ng makarinig ako ng ingay ng pagpriprito sa kabilang kwarto, kahit di ko maamoy yun, bigla nalang kumulo ang tyan ko, paano ako magluluto nyan? Kaunting putahe lang ang alam kong lutuin. Maybe hihingi nalang ako sakanya? Pero paano?
.I'm trapped.
"Sana all nakaluto na. " sabi ko sa sarili ko, habang nagiinat inat, sana kaya kong mamuhay mag isa dito. Sana makasurvive ako.
Ay waw, hanep..
"Hindi ka marunong mag luto? " napangiti ako ng halos sumigaw ang babaeng nasa kabilang kwarto para marinig ko, maingay kasi ang niluluto nya.
Pero bat narinig nya yung boses ko? Lakas pandinig. Sana lahat.
"Hmm, morning! " instead answering her, I greeted her.
"Morns" tamad na sabi nya, waw. Nakikita ko ang sarili ko sakanya kung magsalita.
"Naligo kana? " agad akong napapikit sa tanong ko, tsh. Bakit ang interesado mo sa babaeng yan, Gerold Deust?
"Paki mo? " natawa nanaman ako sa sinabi nya, ang kaninang hiya at gutom na naramdaman ko,hindi ko na maramdaman ngayon. Tsh.
This girl has something ,just like this Island who trapped me.
"Nagtatanongg lang naman, eh." nagsusumanong sabi ko, kailan pa ako naging ganito? Yeah right.
"Nagtatanong din ako, duh. " tsh, napakasungit naman ng babaeng ito. Ay waw. Kaya pala sobrang bad trip sakin mga kaibigan,pamilya ko sa tuwing nag susungit ako. Ganito pala feeling.
Tsh.
"Sungit,hmmm. Broken siguro" asar ko pa, at dahil doon natahimik sya, may nasabi ba akong Mali? Ay tinatanong pa ba yan, Gerold Deust? Napapikit ako sa sariling isip.
Tsh. I won't say sorry, never.
"Balakadyan" the last word she said and then narinig ko nalang ang marahang pag tunog ng plato at mga kutsara.
Sana all nakakain na.
-----
YOU ARE READING
Inlove With An Unknown Voice (SHORT STORY)
Mystery / ThrillerAs he heared her voice, he fell inlove... deeply inlove with unknown voice. Covers are not mine, credits to the rightful owner.