Chapter 2

24.4K 436 15
                                    

Matiim na pinagmasdan ni Alexander ang papasikat na araw mula sa viranda ng kaniyang kwarto habang humihigop nang isang tasa ng kape. It was actually a sight to behold, especially in his spot. His villa was situated at the hillside of a mountain inside the island that he owned facing the sea. At this spot, you can also have a better view of the island below. Below, you can see where the farm, cave, river and falls was situated.

Makikita rin mula dito ang isang mahabang man made staircase na pwedeng daanan pababa sa pinong-pinong puting buhangin ng dagat. Ngunit dahil nakakapagod kung lalakarin pa ito, may inilagay din silang trail na pwedeng daanan ng kabayo kung gusto nilang pasyalan ang buong isla. Tutal at ay may pagmamay-ari din naman siyang tatlong stallion breed ng kabayo na nakakulong sa isang kwadra hindi kalayuan sa villa nito. Inaalagaan ito, maging ang kaniyang mansion, nang kaniyang mga piling katiwala na nakatira malapit sa kwadra.

Nang matapos nitong mainom ang nasa tasa niya ay inilapag niya lang ito sa mesa na nasa veranda bago pumasok sa kaniyang kwarto para kunin ang kasalukuyang tumutunog nitong selpon. Pagkakuha niya nito ay agad niyang sinagot ang tawag ng makitang ang kaniyang secretary ang tumatawag.

"Good morning, sir. I am sorry for calling you this early; but i want to remind you about your early meeting with the french ambassador at 9:30 am." Bungad na sabi sa kaniya ng kaniyang sekretarya na si Orville Quijano.

Agad namang dumako ang tingin ni Alexander sa digital clock nitong nakalapag lang sa mesa malapit sa king size bed nito. It was already past 5 the morning.

"Ok. Call Brookeline and told him to bring the chopper here." Utos nito sa sekretarya na pinatutungkulan ang bodyguard nito na si Raine Brookeline.

"Absolutely, sir." Ang huling nitong narinig sa lalaki bago niya ito patayan ng walang pasabi. Matapos maibaba ang tawag ay inilapag na niya ang selpon sa tabi ng orasan bago bumaba sa dining room, kung saan nakahanda na ang kaniyang almusal na inihanda pa ng kaniyang personal chef. Nang matapos na siya ay iniwan niya lang doon ang pinagkainan ay bumalik na siya sa kaniyang kwarto at nagpunta sa may glass walled shower room na nasa cr nito para maligo. When he is done, lumabas lang itong nakatapis ng tuwalya at dumerecho sa kaniyang walk in closet at hinablot ang una nitong nahawakang americana at pants na pawang gawa nang isang sikat na designer. Even his shoes, cologne, and wrist watch were all branded.

He was currently fixing his ties nang marinig nito ang tunog ng parating na chopper. Lulan noon si Raine at mismong piloto na siyang nagpapaandar noon. Lumanding ito sa itaas ng kaniyang mansion kung saan naroroon ang kaniyang helipad.

Alexander looked at his wristwatch to check the time. It's already 7:48 am. He just sighed deeply and get his attache case before heading to where his service is.

Pagkarating palang niya ng rooftop ay kita na niya ang isang lalaki na nakatayo malapit sa chopper. He was wearing an all black attire with an earpiece in one of his ears.

"Good morning, Mr De Noir." Pagbati sa kaniya ni Raine sabay yukod dito. Ngunit hindi ito tinapunan man lang ng tingin ni Alexander, bagkos ay iniabot nito sa lalaki ang kaniyang dalang attache case upang ipabuhat dito. Agad naman itong tinanggap ni Raine sabay sabing, " This way please.." With hand gestures pa sa nakabukas na pinto ng chopper. Pinauna muna nitong sumakay si Alexander bago siya sumakay patabi dito. Unti-unti ay umangat ang kanilang sinasakyan at habang pataas sila ng pataas ay mas nabibigyan pa sila ng magandang view ng boung villa, pati na nang buong isla. At kahit na ilang beses nang nakapunta dito si Raine ay hindi parin nito mapigilang humanga sa nakikita nitong desinyo ng buong villa ni Mr De Noir habang nasa taasan sila. The villa was a masterpiece. From the intricate design of the mansion and it's landscapes, there is no doubt that it was perfect. And he can't really believe that the man behind this magnificent structure was none other, Mr Alexander De Noir himself. He is the head engineer of this project.

Seducing The Mafia PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon