Chapter 3

22.2K 377 19
                                    

Nakarinig si Harry Schumann nang tatlong mahihinang katok mula sa pinto ng kaniyang opisina. "Come in," walang lingong sabi nito. Masyado kasi itong busy sa pagbabasa ng mga iba't ibang paper clippings at reports ng mga batang nawawala.

"Wow, sipag naman ni team leader."" Narinig niyang sabi ng taong nasa pintuan. Nang mag-angat ito ng tingin ay nakita niya ang kapwa niya agent na si Minamie Lasnier na nakasandal pa sa may pintuan habang nakakipkip ang mga kamay sa kaniyang dibdib. Kumunot naman ang noo ni Harry sabay sabing, "What brought you here?"

"Well, napag-utusan lang naman ako ni Director na tawagin ka dahil ipinapatawag ang grupo natin sa opisina niya, ASAP." Sagot nito sa lalaki.

"Para saan daw?" Nagtatakang sagot ni Harry sa kaniya. Nagkibit balikat naman si Minamie at naglakad palapit sa kaniya. Napabuntong-hininga naman si Harry bago tumayo sa kaniyang kinauupuan at iniligpit ang mga nakakalat na papel sa kaniyang lamesa kani-kanina lang.

"Ano 'tong mga ito?" Tanong sa kaniya ni Minamie nang makalapit ito sa kaniya. "Patingin ako ha, team leader?" Sabi nito at dumampot ng dalawang newspaper clippings saka pahapyaw na binasa ito. Ang dalawang artikulo ay parehong patungkol sa pagkawala ng batang nasa edad ng pito at lima. Napabuntong-hiningang inilapag ni Minamie ang hawak sa mesa sabay sabing, "Team Leader, huwag kang magagalit ha? Hindi naman sa nangingialam ako pero.. hanggang ngayon ba ay umaasa ka pa ring buhay pa rin ang kapatid mo?" Dahil sa tanong na ito ni Minamie ay bahagyang natigilan si Harry. Ngunit saglit lang ito bago magpatuloy na ipunin ang natitirang papel saka maaayos itong inilagay sa isang envelope saka itinabi sa kaniyang drawer. Matapos noon ay saka niya hinarap ang babae sabay sabing, "Hindi ko rin alam.. Kahit pa idikta ng utak ko na patay na siya, iba ang nararamdaman ng puso. Mayroon pa ring malaking parte ditong nararamdamang buhay nga ang kapatid ko. Kaya nga magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin ako sumusuko. Buhay man siya o patay, gusto ko pa ring ituloy paghahanap sa kaniya."

Ito kasi ang ipinangako niya sa mga yumaong magulang noong nabubuhay pa ang mga ito. Kaya nga niya tinanggap ang trabaho sa agency na ito ay upang makaaccess siya sa mga tagong impormasyon na tanging mga higher officials lang sa mga kapulisan ang pwedeng tumingin at humawak dito.

Napangiti naman si Minamie sa sinabi ng lalaki sabay sabing, "Then goodluck, team leader. Basta kung may maitutulong kami ni Max, magsabi ka lang." Ngumiti naman pabalik sa kaniya si Harry at nagpasalamat bago niya niyayang lumabas ang babae.

Nasa may pasilyo na sila nang maisipang magtanong ni Harry tungkol kay Maxwell Barnett, "Ngapala, nasaan na ang boyfriend mo?"

"Ayon, nauna na doon. May iniutos pa kasi sa kaniyang iba si Director, e. Kaya ako nalang ang tumawag sa iyo." Tumango nalang si Harry sa naging sagot nito.

Nang makarating sila sa harapan ng pintuan ni Director Alvarado ay agad na kumatok ang mga ito bago nila binuksan ang pinto. At doon ay naabutan nila ang dalawang lalaking masayang nagkwe-kwentuhan. Ang isa sa mga ito ay kaedaran lang ni Minamie at ang isa naman ay nasa early fifties na nito. Kapwa naman napalingon ang dalawa sa kanila. Binigyan lang sila ni Max nang isang tipid na ngiti at tango.

"Buti nalang narito na kayo nang makasimula na tayo." Sabi ni Director Alvarado pagkalapit nila. Agad namang sumaludo ang dalawang bagong dating na sila Harry sa kan'ya. "At ease," simpleng tugon ni Director Alvarado sa pagsaludo nila kaya ibinaba na nila ang kanilang kamay. Matapos noon ay sinabihan sila ng Director na maupo.

"Sir, may i know why did you call us here?" Sabi ni Minamie dito ng makaupo siya sa tabi ng kaniyang boyfriend. Pero imbes na sagutin kaagad ang tanong nito ay iniabot nito ang isang maliit sobre sa kanila. Kinuha naman ito ni Minamie at agad na binuksan. Ang dalawa naman sa gilid niya ay lumapit pa sa kaniya at nakitingin dito.

Seducing The Mafia PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon