Naglalakad nako palabas ng makita ko si Brhain sa tabi ng gate mukhang may hinihintay siya. Kaya nagpatuloy ako sa pag lalakad hanggang sa makalapit na'ko, humarap siya sakin.
"Hi, may hinihintay ka?" Tanong ko sakanya.
"Uuwi kana?" Tanong niya din sakin.
Sabay pa talaga kami?
"Uhm.. sana." Sagot ko sa tanong niya. Anu kaya ang meron? Ngayon ko lang siya naabutan na ganitong oras.
"Gusto mo bang kumain mona?" Nahihiyang tanong nito. Ows aayain niya lang pala ako hiya pa siya. Bakit po ang gwapo ng lalaking ito? "Diyan lang sana sa tabi, kung ayaw mo, okay lang." Sabi pa nito. Humindi bako? Ito naman.
"Hindi, okay na okay lang sakin." Halata ka naman masyado self.
"I mean tapos nadin naman ako sa mga assignments namin. Kaya wala nadin akong gagawin pa sa bahay." patuloy ko at ngumiti pa sakanya."Kung ganon, tara?" Aya niya.
"Sure." Masiglang sagot ko.
Bat naman ako tatanggi? First time niya akong inayang kumain, tapos first din itong makakasama ko siyang kakain owemjii, ano to, Brhain?
Naunang umuwi si Abby dahil tinawagan siya ng parents niya kakauwi lang galing ibang bansa, mag di-dinner daw silang mag family. Sana ganon din parents ko eh.Sa isang fast food kami kumakain ngayon, tinanong niya ako kanina alam ko naman na malayo dito iyong gusto kong restaurant, ito lang malapit para nadin makita ko agad sundo ko. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa pag-aaral. Sana tinanong niya nalang ako kung pwede siyang manligaw sakin diba? Kailangan ba ako pa mag tuturo sakanya?
"Bakit mag-isa kalang kanina? Bakit hindi mo kasama yung kaibigan mo?" Tanong niya.
"Ngayon kasi uuwi ang mga magulang niya galing UK kaya nauna nasiya. " Sagot ko. Owemjii his starting to ask a question na uuwi sa "i do ko" char.
"Ikaw? Baka hinahanap kana?" Tanong ulit niya, ako hahanapin? Oo pero wala naman sila dito kaya okay lang.
"Hindi, okay lang. Sigurado naman ako na hindi iyon uuwi ngayon." Nakayukong sabi ko."Kaya bukas pwede ako." Inunahan ko na siya at ngumiti sakanya ng sobra sobra. Tumawa nalang ito sa inasta ko.
"Okay." Napaka mature talaga ng boses niya urgh!
"Ganon naman ang mag kaibigan, diba?" Tanong ko. char char lang yon Brhain. Gusto ko higit pa don.
"Oo naman, mag kaibigan." Sabi niya. Wow inulit pa sinabi ko mapanakit ka masyado ah.
"Kahit na,,, binusted mo ako noon." Natatawang sabi ko, nag iwas naman siya ng tingin.
"Nabigla lang ako noon, I'm sorry. " Seryosong sabi nito.
"Ito naman joke lang, naiintindihan ko naman." Nakangiting sabi ko sakanya.
Nong natapos na kami, hinatid niya pa ako hanggang sa SUV na nag hihintay sa akin kanina pa. Hinarap ko siya bakit paba ako mahihiya sakanya eh magkaibigan naman kami diba?
YOU ARE READING
Abandoned
RomanceMatthew Brhain Santos was happy and contented for what he have in his life. Not until she met this lovely and sweeties young girl, he fell. They're happy, inlove, and so sure for what they want for the future. But Mr. and Mrs. Gonzales was really no...