Dumating na ang gabi, Muling nagkita-kita na ang magpipinsan sa kubo kung saan sila nagpupulong kaninang umaga. Nakita ni Joong na nakahanda na ang tsokolate at rosas na binili ng kanyang mga pinsan mula pa sa kabilang bayan nang kanilang lugar.
"Handa na ang lahat. Si Pavel ang maghahawak ng tsokolate at rosas para saiyo. Ako naman ang tutugtog ng gitara at ikaw ang aawit ng isang kanta." Isinaad ni Ben ang kanilang mga tungkulin para sa panunuyo kay Nine.
"Aawit? Bakit kailangan kong umawit?" Naguguluhang tanong ni Joong.
"Harana, iyon ang tawag sa paraan ng panliligaw dito sa amin Joong. Ito lamang ang nagsisilbi mong gabay upang makuha ang kamay ni Nine. Isang paraan ng panunuyo at silbing respeto sa mga magulang nang iyong napupusuan. Ito rin ang pagkakataon mo upang ipakilala ng pormal ang iyong sarili sa iyong iniibig at sa mga magulang ng iyong haharanahin at humingi ng permiso upang ligawan ang kanilang anak." Pagpapaliwanag ni Pavel kay Joong.
"Ito ang una mong misyon, tuturuan ka namin kung paano mangharana. Kaya't ihanda mo na ang iyong sarili at tinig dahil lumalalim na ang gabi. Kailangan na nating tumungo sa tahanan ni Nine." Dagdag ni Ben.
Ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso dahil sa kabang naidudulot ng kanilang plano. Hindi na nakapagsalita ang dayong binata. Sapagkat, huminga na lamang ito ng malalim bago niya ilakad ang kanyang mga paa patungo sa bahay ng lalaking kanyang haharanahin.
—————
Ang tatlong magpipinsan ay nakatayo na sa harapan nang tahanan ni Nine. Pinuwesto na ni Pavel si Joong sa gitna, at pumwesto na rin ang dalawang nakatatanda niyang pinsan sa kaniyang magkabilang gilid.
"Handa ka na ba?" Patanong ni Ben, umaakmang kalabitin ang kwerdas ng kanyang gitara upang simulan ang kanta. Ngunit, pinigilan ito ni Joong.
"Sandali lamang, sigurado ba tayo sa ating gagawin?" Nanginginig na tono ng pagtatanong ni Joong kina Ben at Pavel.
"Nandito na tayo Joong, ngayon ka pa ba aatras? Huwag kang magalala, walang mangyayaring masama sa ating gagawin. Kami ang bahala sayo." Mahinahong isinaad ni Pavel kay Joong upang mawala ang kaba nito.
Sandaling tinignan ni Joong si Pavel upang makumbinsi ang kanyang sarili na magtiwala sa kanyang mga pinsan. Kaya't huminga na lamang ito ng malalim, at sumenyas kay Ben, upang magumpisa sa pagtugtog ng gitara.
PS : Well i don't have Joong's Tagalog Song, so i used this instead coz of the melody of the song and his voice suits for this story 😄
BINABASA MO ANG
HARANA
Fanfiction#J9 TAGALOG AU/FF 💗 Isang kwentong binubuo ng pag-iibigan, Ang musika na nangagaling sa tunog ng gitara ang nagsilbing tulay upang sila'y magkakilala. Isang dayong binata na nga ba ang sagot upang mapaibig ang isang lalaking marikit na iniibig ng k...