Ang pag akyat ng ligaw

84 4 0
                                    

Matapos ang kantang inialay ni Joong para sa lalaking kanyang napupusuan, huminga ito ng malalim ng masilayan niya ang kaakit akit na mga ngiting ipinapakita ni Nine mula sa bintana habang pinagmamasdan niya ang panghaharana sakanya nito.

Matapos ang ilang minutong pagtititigan at palitan ng mga ngiti ni Nine at Joong mula sa bintana at ikababang palapag, umalis kaagad si Nine mula sa bintana hanggang mawala ito sa kanyang paningin at agad napansin ng tatlong magpipinsan na bumubukas ang pintuan ng tahanan ni Nine at agad bumungad ang mga magulang ng lalaking kanyang hinaharana.

Sinenyasan ng dalawang magpinsan si Joong upang lumapit at magbigay pugay sa magulang ni Nine. At agad naman itong sinunod ng binata.

Nang makalapit na si Joong sa mga magulang ni Nine, kasunod ng kanyang mga pinsan mula sa kanyang likod, dali dali naman itong nag bigay galang.

"Magandang gabi Ginoo at Ginang. Ako po si Joong, kung inyong mamarapatin, hihingi po sana ako sa inyo ng permiso upang umakyat ng ligaw sa inyong anak na si Nine." Direktang sabi ni Joong sa mga magulang ni Nine habang dama ang mabilis na pintig ng kanyang puso dahil sa kaba.

"Magandang gabi din sayo iho. Ako ang ama ni Nine, ngayon lamang kita nakita sa lugar namin, at hindi ka pamilyar sa akin, Sa palagay ko, isa kang dayo iho, hanga akong batid mo ang tradisyon ng panliligaw dito sa aming lugar." Isinaad ng ama ni Nine na mistulang namamangha habang pinagmamasdan ang dayong binata.

"Tama po kayo Ginoo, isa nga po akong dayo. Mula po ako sa syudad ng maynila, binisita ko lamang po ang aking mga kamag-anak na nakatira dito, at upang magbakasyon na din. Tinuturuan din po ako ng aking mga pinsan ng tradisyon ng pamumuhay dito sa inyong lugar." Pahayag ni Joong.

"Nakakamangha ka iho. Bibihira ang mga dayo ang gustong matutunan ang aming pamumuhay dito. At nakakatuwa nama'y isa ka pa sa mga magigiting manliligaw ng aking anak! Huwag kang magalala iho, kuha mo ang aking boto!" Nagagalak at sabay kindat na isinaad ng ama ni Nine kay Joong nang biglang siniko ng ina ni Nine ang balikat nito.

"Tama na ang pagpupulong malamig na ang gabi, halina't pumasok ka na sa aming tahanan iho." Nakangiting sabi ng ina ni Nine at kanyang sinunod ito at umakyat sa hagdanan patungo sa pintuan nang pinigilan siya sandali ng kanyang dalawang pinsan.

"Hindi na kami sasama saiyo sa loob Joong, Iintayin ka na lamang namin sa ating tahanan upang makausap mo ng masinsinan si Nine. Batid ko naman na alam mo ang daan patungo sa ating tahanan. Basta't tandaan mo ang mga tinuro namin saiyo." Pag bilin ni Pavel kay Joong.

"O heto ang tsokolate at rosas bago mo makalimutan. Wag mo din kalimutan ang liham na ginawa mo, iyon ang pinaka importante sa lahat." Paalala ni Ben kay Joong.

"Masusunod mga pinsan. Maraming salamat sa inyong tulong. Babalitaan ko na lamang kayo mamaya pag ako'y nakauwi na." Nakangiting sinabi ni Joong habang ito'y nagpatuloy ng iyapak ang kanyang mga paa paakyat sa tahanan ni Nine.

Nang makapasok na si Joong sa tahanan ni Nine, agad naman itong pinaupo ng mga magulang ni Nine sa kanilang silid tanggapan at inalok ito ng makakain.

"Kumain ka muna Joong, sandali lamang at tatawagin ko si Nine mula sa kanyang silid." Pahayag ng ina ni Nine nang nagpasalamat at tumango na lamang si Joong bilang sagot.

Matapos katukin ng ina ni Nine ang pintuan ng silid nito, dahan dahan itong bumukas at tumambad ang mala anghel na awra ng lalaking kanyang sinusuyo. Hindi maikubli ni Joong ang nararamdaman habang dahan dahang naglalakad si Nine papalapit sakanya.

"O maiwan muna namin kayo dito upang makapagusap ng masinsinan." Sambit ng mga magulang ni Nine at dali dali namang umalis ang mga ito.

Nagkatitigang muli ang dalawa at nag ngitian ng ilang segundo. Dahan dahang umupo si Nine sa tabi ni Joong habang pinagmamasdan itong nakatitig sakanyang mga matang nagniningning sa ganda.

HARANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon