Hindi mapigilan ni Nine ang kanyang ngiti at nararamdamang saya ng matapos niyang basahin ang ginawang tula ng dayong binata para sakanya. Hindi maikubli ni Nine na napatibok ni Joong ang puso nito. Hindi makapaniwala si Nine na isa palang dayong binata ang kanyang mapupusuan at ang makakapag patibok ng kanyang puso.
Kaya't agad agad itong tumakbo mula sa bintana, nagbabaka sakaling maabutan at matanaw pa ng kanyang paningin si Joong. At hindi naman ito nabigo. "JOONG!" Sigaw ni Nine at agad namang lumingon ang binata sakanya.
"Aasahan ko ang iyong muling pagbabalik! Hihintayin ko ang susunond mong dalaw." Pasigaw na sinambit ito ni Nine habang kumakaway na may halong saya sa kanyang matatamis na ngiti. Sinusundan ng kanyang mga mata ang bawat yapak ng binata hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin.
Kumaway ng pabalik si Joong at agad na itong niyapak ang kanyang mga paa patungo sa kanilang tahanan. Pagkatalikod ng binata, hindi niya mapigilan ang kanyang nararamdaman, batid nitong hindi siya nabigo sa pagsuyo kay Nine. Gayon pa man ay dali dali na itong umuwi para ibalita sa kanyang mga pinsan ang mga nangyari ngayong gabi at planuhin ang susunod niyang pagdalaw sa lalaking kanyang iniibig at magiging kabiyak balang araw.
---------
Thankyou for reading guys 🥰
BINABASA MO ANG
HARANA
Fanfiction#J9 TAGALOG AU/FF 💗 Isang kwentong binubuo ng pag-iibigan, Ang musika na nangagaling sa tunog ng gitara ang nagsilbing tulay upang sila'y magkakilala. Isang dayong binata na nga ba ang sagot upang mapaibig ang isang lalaking marikit na iniibig ng k...