Nagising ako sa malakas na liwanag ng ilaw mula sa kisame. Unti-unti akong napamulat at inilibot ang aking tingin. Isang pamilyar na lugar ang bumungad sa akin.
Ospital.
"Anak, salamat sa diyos at gising kana" mabilis akong nilapitan ni papa.
"Pa, ano po nangyari? Bat nasa ospital ako?" I asked confusedly.
Why am I here? Lumapit na din si mama sa akin at marahan niya akong niyakap. Naramdaman ko nalang na may tumulo ng luha sa aking kamay. Nagtataka na ako sa mga nangyayari.
"Ma, bat kayo umiiyak?"
"Anak" Papa gently held my hand. He sighed heavily and looked at me. "May sasabihin ako sayo" he said in a calm way. "I'll try my very best to explain it to you everything"
I didn't talk and kept listening to him. Mama's still silently crying while comforting me. I don't feel good about this.
"Naaalala mo ba nung pinapunta namin kayo sa bahay to celebrate wuith us?" he asked. He's talking to me as if he's explaining to a child. I nodded. Hindi ako alam pero nagsimula akong kabahan.
"You didn't made it" his voice cracked.
My brows frowned on what he said. "Ano pong ibig niyong sabihin?"
He once again sighed heavily. "Hindi natuloy ang selebrasyon, anak"
Mas lalo lang akong naguluhan sa sinabi niya. "Panong hindi po natuloy? We we're both there at the celebration. Felix and I, magkasama kaming umuwi. You introduced us to your workmates. You guys knew about our relationship. Naaalala ko pa po ang lahat"
"Anak, none of it happened" Papa directly said. "It was all in your head while you we're unconsious"
I chuckled. "Wag naman po kayong mag-biro, pa"
"I wish I was, Migs" he said in a serious tone. "I really wish I was"
This is all a lie. Everything is a fucking lie.
"Si Felix? Where is he? I need to talk to him. Siya yung magpapatunay na nandun kami. We we're there"
"Felix is gone" Papa didn't even hesitate to talked.
I don't believe him. Not even a single world.
"Anong pinagsasa-sabi niyo? Bat niyo ba 'to ginagawa sa akin?"
"We're telling the truth, Miguel. Masakit man sabihin sayo ang katotohan pero 'yon ang nangyari"
"No. Wag naman sana ganito. Ma, sabihin mo sa akin na hindi totoo yung mga sinabi ni papa" tears started falling from my eyes while looking at mama.
She cried so hard that made my heart broke. Hindi siya nagsalita. She wiped my tears, looked at me pityingly.
"Naghintay kami ng ilang oras ng Mama niyo na maka-uwi" Papa talked at I turned back at him. My tears are falling continously.
"Until we received a call"
"Hello?"
"Magandang hapon po. Ito po ba si Mrs. Harrer?"
"Opo. Sino po sila?"
"I'm a police officer. Gusto ko lang pong ibalita ang tungkol sa nangyari sa iyong anak"
"Si Miguel? Bakit, anong nangyari?"
"May car accident report po sa San Isidro at na-kumpirma po namin ang biktimang sina Miguel Harrer at Felix Sarmiento"
Halos manigas ang babae sa kanyang kinatatayuan.
"Diyos ko. Nasaan po sila ngayon?"
"Kasalukuyan po silang na-confine sa San Isidro Medical Hospital. Magkita nalang po tayo dun"
Mabilis na binaba ng babae ang tawag at nilapitan ang asawa.
"Honey, kailangan nating pumunta ng ospital"
"Bakit? Anong nangyari?"
"Si Miguel at Felix, na-aksidente"
Kinakabahang naghihintay sa labas ng emergency room ang mag-asawa. Ilang saglit pa nang lumabas ang doktor at lumapit sa dalawa.
"Kumusta po sila, dok? Ayos lang po ba sila?"
Itinanggal ng doktor ang suot nitong mask.
"Di-diretsuhin ko na kayo. Maayos at ligtas na ang kalagayan ni Miguel"
"Diyos ko, salamat" nakahinga ng maluwag ang babae at nahawak sa asawa.
"But sad to say, we did everything to save Mr. Sarmiento" bumuntong-hininga muna ang ito.
"He didn't make it"
Parang pinag-bagsakan ng langit at lupa ang dalawa sa masamang balitang natanggap. Nagsimulang tumulo ang luha ng babae dahil sa sakit na naramdaman.
"Condolence po, Mr and Mrs. Harrer" sabi ng doktor at umalis na ito sa kanilang harapan.
Napaluhod nalang ang babae habang humahagulgol ito. Marahan naman siyang niyakap ng asawa at hinahagod ang likod niya. Patuloy lang sa pag-iyak ang babae dahil sa sobra itong nasasaktan.
"It's been one week nung mangyari ang aksidente. Hindi namin alam kung paano sasabihin sayo ang lahat kapag sa oras na magising ka" Papa said while gently rubbing my hand. "Alam kong masakit sayo ang nangyari at masakit din siya para sa amin, Miguel. Pero wala na tayong magagawa. It happened"
Hindi pa rin ako makapaniwala. Putang ina ang sakit. Umiiyak pa rin ako hanggang ngayon. Hiniling kong sana hindi nalang pala ako nagising para hindi ko maramdaman na ganito pala kasakit mawalan ng mahal sa buhay.
"Magpaka-tatag ka lang, anak. Andito lang kami ng mama mo para sayo" dad cried.
Hindi niya na napigilan ang emosyon at napa-iyak nalang din siya. We we're all crying. Mourning the death of the person I truly love the most.
It's painful.
Very painful.
A week later.
One week passed, yet everything seems like it happened yesterday. I'm still mourning. Hindi ko matanggap. Hindi ko kaya.
Lumabas ako ng bahay para magpahangin. Preskong-presko pa rin sa aking ala-ala ang una naming pagkikita. Lahat ng mga ala-alang nabuo namin nung kami'y magkasama pa. Pero hindi na namin mabubuo ang pangako naming magsa-sama kami dalawa.
Patuloy pa rin akong binabangungot sa mga nangyari. Halos maubos na luha ko kakaiyak gabi-gabi habang hawak hawak ang litrato niya. Hindi man ako makapaniwala pero diyos na mismo ang nagpaintindi sakin.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga pangako mong hindi mo na magagawa, Felix. Paano na yung mga plano nating dalawa? Paano na yung mga plano nating magsasama tayo hanggang sa huli nating hininga?
Miss na miss na kita mahal ko. Hinihiling ko na sana panaginip lang lahat ng 'to at sa aking pag-dilat ay ikaw ang una kong makikita.
I cried even more. Realizing those things can't happen anymore because he's gone. Sa haba ng aking nilakad ay narating ko na pala ang rurok ng subdivision.
This place.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang lugar kung saan kami unang nagkakilala. This place will always be in my heart. Umupo ako at pinagmasdan ang palubog na araw.
Looking at the sunset reminds me so much of him. How he brightened my life because of his sunshine personality. How he made me feel how good and fulfilling love is.
Tears continuously falling from my eyes. Alam kong nandiyan ka lang para sa akin.
Salamat sa lahat. Sa walang sawang pagmamahal. Sa walang sawang pag-iintindi sa akin.
Mahal na mahal kita. Hanggang sa muli.
End.

BINABASA MO ANG
FALLING
RomansaMiguel and Felix have always been inseparable, sharing laughs, secrets, and dreams. But as their bond grows stronger, Miguel starts to feel something more. In the quiet moments between them, their friendship begins to shift, gently blurring the line...