PROLOUGE

39 2 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a Crime!

PRESENT YEAR 2020

(Nevada in the western United States, 83 miles (134 km) north-northwest of Las Vegas)

AIR 51 BASE

Mabilis ang pagtakbo ni Scorpio at tila walang inaaksayang oras sa bawat hakbang niya dahil alam niyang kailangan niyang matapos ang kanilang misyon, napatigil siya sa isang napakalaking metal door.

"Get Ready! our mission starts now." she said to them while finding her mini com pouch and started hacking the system. 

"Successfully entered the perimeters." informing her other members.

Agad naman itong napatingin sa kanyang unahan, the huge metal door are slowly opening until it opens wide. Tumambad sa kanya ang matandang nakagapos gamit ang ducktape sa poste, agad siyang napatitig sa mga mata nito. There was something bothering her, she felt a strong connection to him. Agad naman siyang nabalik sa realidad at naging alerto dahil paniguradong may nauna pa rito at nagbigay babala sa iba pa nitong kagrupo. 

"Code 12, Cancer retreat." she said, she was about to turn around when she felt a gun pointing in her head.

Agad itong lumingon at sinipa ang kamay na may hawak ng baril na naging dahilan upang mabitawan ito ng tumututok sa kanya. She was shocked when she saw who's pointing that gun to her. It was her member, Virgo.

"Virgo! what are you doing? Nahihibang kana ba? Bakit mo tinutok ang baril na'yon sa akin!" gulong-gulo siya sa kinikilos ni Virgo at hindi makapaniwala sa ginawa nito.

Lalapitan niya sana ito ngunit bigla siyang pinagbabato ng shuriken, mabilis naman siyang kumilos habang inilagan ang bawat tira nito at mabilis na tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Virgo. Mabilis na nagbackflip siya sabay sipa sa likod nito na naging dahilan ng pagtumba.  

"Claudette bakit mo ba ito ginagawa?!" banggit nito sa pangalan nito na muli namang nakabawi ng posisyon at mabilis na sinipa siya sa tiyan, sa lakas ng impact ay tumama siya sa lamesa na puno ng mga kagamitan ng laboratoryo.

"Come on Kryshna, nagmamaang-maangan ka pa talaga. Tutal ito naman nadin ang huli nating pagkikita at huling araw na mabubuhay ka pa let me tell you something. I am not Claudette, Roxanne is my real name at kakambal niya ako! Matagal ng patay si Claudette at dahil 'yon sayo! Pinatay mo ang kakambal ko!."Nanggigil nitong sabi at agad na nagbato ng kunai.

Nang dahil sa gulat sa nalaman ni Kryshna ay hindi kaagad ito nakailag at nadaplisan sa tagiliran, agad naman itong nag-isip ng paraan dahil kailangan niyang kumilos kundi lahat sila ay mapapahamak.

"Roxanne nagkakamali ka! Hindi namin ginusto na mangyari iyon kay Claudette, lahat ginawa namin para maligtas siya!" Pagpapaliwanag nito.

"Stop! Shut up! Bakit? Sa tingin mo maibabalik ba ng paliwanag mo ang kapatid ko?! Diba hindi!!"

Sinugod ulit ito at sa pagkakataong ito ay mabilis na tumalon si Kryshna at sinipa sa batok si Roxanne na agad naman nitong kinahimatay. Labag man sa loob niya na gawin iyon ngunit nauubusan na sila ng oras ng kanyang mga kagrupo. Napabaling ang tingin niya sa lalaking nakatali sa poste at agad itong kinalagan.

She need to find that chip, that is her mission and she knew that this scientist is the one who knows where that chip is.

"Kung ayaw mong masaktan, ituro mo kung nasaan ang chip." Pagbabanta nito ngunit laking gulat niya ng ibinalibag siya bigla nito sa sahig. Mukang masiyado siyang naging kampante dahil akala niya ay matanda na ito at wala ng ibubuga pa.

ReminiscingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon