Chapter Two

14 1 0
                                    

KARINA

(Tok, tok, tok!)

"Karina? Gumising ka na dyan. Kumain kana, kagabi ka pang walang kain." nagising ako sa boses ng kuya ko. Yeah, tinanggap ko na sa sarili ko na may Kuya ako kahit na sa pagkakalaam ko na wala akong Kuya.

Agad akong tumayo at kumuha ng damit na maisusuot saka dumiretso sa banyo upang maligo. Kung nagtataka kayo kung bakit ako nakahanap ng damit na susuotin sapagkat nilibot ko ang boung kwarto ng Karinang tinutukoy nila kagabi, kaya di na ako nakakain at nakatulog agad sa sobrang dami kong impormasyong nalaman. 

Napag-alaman kong nasa panahong 1960 ako at sa bansang German pa kung saan hindi pa nagaganap ang digmaan sa pagitan ng bansang Russia at kung nagtataka kayo ulit kung saan ko nalaman at paano ko nalaman ang impormasyong ganoon, remember I am a spy.

Nakita ko din ang talaarawan ni Karina, mukhang mahilig siyang mag diary at ng buksan ko 'yon ay nakita kong naka-detalye ang bawat impormasyon na gusto kong malaman na para bang nakatadhana talagang isulat niya doon. At ang weird lang talaga dahil ang layo naman ng narating ko, like from Year 2020 back to Year 1960. 

Sa pagkakatanda ko, mukhang time machine ang nasakyan ko nong nasa laboratory ako ng matandang scientist na 'yon dahil sa nangyayari sakin ngayon, pero ang nakakapagtaka lang bakit dito pa sa taon na ito? Like this is Bullshit! Akala ko nong una nababaliw na ako atsaka nabuhay na ba ako dito dati sa panahong ito? At paano ako makakabalik sa future, sa tuwing naiisip ko ang hinaharap, di ko maiwasan alalahanin ang mga kagrupo ko. 

Oo, we are raise and born to be a spy pero may puso parin kami at mahalaga ang mga kagrupo ko hindi lang dahil ako yung leader, kundi pamilya na ang turing namin sa isa't isa. Kung hindi lang talaga dahil doon sa matandang scientist na 'yon at sa mission ko, 'di ako makakarating dito.

Agad kong tinapos ang aking pag-ligo saka nagbihis at lumabas ng banyo pagkatapos ay lumabas na ako sa'king kwarto. Nadatnan kong naghahain na ng pagkain si Stephan, ang kuya ni Karina which means habang nandito ako kailangan kong magpanggap na ako si Karina kasabay no'n ay pagkalap ko ng mga impormasyon sa lugar na ito.

'Stephan Fussel, 25 years old. Mabait kong kuya (sabi nila), mapagmahal, gwapo at higit sa lahat wala pang asawa. Siya nadin ang nag alaga sakin simula nong mamatay ang magulang namin sa edad kong 10 samantalang siya ay 14.' 'Yan ang pagkakatanda ko sa binasa kong diary ni Karina.

"Oh, nandyan ka na pala. Halika na dito at umupo na ng makakain ka na" sabi niya sabay ngiti sakin. Agad naman akong sumunod at umupo sa upuan. Kumuha naman agad ako ng aking plato at sumandok ng aking makakain. Matiwasay at tahimik kaming kumakain ng biglang magsalita siya.

"Karina, pasensya pala sa sinabi ko sayo kahapon" sabi niya. Agad ko naman siyang tinignan at nakita kong paiyak na siya.

"Tsk! 'wag ka ngang umiyak. Kalalaki mong tao, umiiyak ka" pagsusungit ko. Kalalaking tao nitong kuya ni Karina, napaiyakin naman. Babatukan pa sana niya ako ng bigla kong masalag ang kaniyang kamay.

"Hep, hep! Tama na yung pag-batok mo sakin kahapon. Sumusobra ka na" sabi ko sabay ngiti ng pilit. Wtf! Di talaga ako sanay ngumiti lalo na ang magsalita. Sanay na kasi akong mag-isa sa buhay dahil simula palang nong magka-isip ako at maampon ng Foster parents ko ay ako na ang tumayo sa sarili kong paa. Kahit sa mga kagrupo ko, alam nilang tahimik ako at gusto na laging mapag-isa.

"Ikaw talaga napakasungit mo!" sabi niya sakin sabay irap.

"Bakit ka nga pala sakin humihingi ng tawad? Diba dapat doon sa kaibigan ko? Remember si Corinna ang mas nasaktan sa sinabi mo" sabi ko sabay tayo at agad na lumakad papalabas ng bahay. Pagkalabas ko ay agad na bumulaga sa'kin si Corrina

'Corinna Swanhearth, 21 years old. Rinna for short. Bestfriend ni karina , may gusto  kay stephen na kuya naman ni karina, mabait, matalino, maganda at higit sa lahat ay isa sa mga pinakamayaman  dito sa berlin ayaw nitong tinatawag siyang "Lady Swanhearth."  mas kumportable siyang tawagin sa kaniyang pangalan. Ang ama at ina nito ay Duke at Duchess.

"Good morning, Karina" sabi niya habang nakatungo at nilalaro ang mga daliri niya sa kamay

"Good morning din" I said and started patting her head. Agad naman siyang nagtaas ng ulo at niyakap ako. Narinig ko namang humikbi siya. Um? what to do? I'm not good in this kind of situation.

"P-pasensya sa nagawa ko kahapon! T-tama si Kuya Stephan, dapat 'di na lang natin yun ginawa. E-edi sana di ka napagalitan, panigurado akong naparusahan ka ng dahil s-sa'kin!" umiiyak niyang sabi. Kusa namang gumalaw ang aking kamay at hinagod ang kaniyang buhok. Tama ba itong ginagawa ko? Ganito kasi yung nakikita ko sa mga drama don sa Present Year ko.

"Shh. 'wag ka ng umiyak Rinna. 'di mo naman kasalanan yung nangyari. Ginusto ko naman din iyon e" sabi ko na lang habang hinahagod parin ang buhok niya. Mas lalo pa siyang umiyak.

"Don't worry, mag-sosorry naman sayo si Kuya. Napagsabihan ko na'yon" agad naman siyang nagpunas ng luha at inayos yung sarili

"Naku, kahit 'wag na. Tama naman siya atsaka may naisip na din akong paraan kung paano kita matutulungan para kahit papaano may pang gastos kayo sa pang-araw araw na pangangailangan."

"Ano naman yung naisip mong paraan?" takang tanong ko sa kanya

"Gagawin kitang kanang kamay ko. Pinapahanap kasi ako ng aking ama ng makakatulong ko sa pagpasok sa palasyo and i think mas kumportable ako kung ikaw yun, tama ba?" pag-mamakaawa niya sabay pinagdikit niya ang kanyang dalawang palad

"Pero, diba? Galit sa'kin ang iyong ama? Kaya bakit ako?" sabi ko naman. Nabasa ko kasi sa diary na galit sakin ang ama ni Corinna sapagkat muntikan ko ng mapahamak siya noong bata pa kami.

"Gusto ko ikaw, kaya wala na siyang magagawa doon. Atsaka, sa isang buwan ka pa naman magsisimula.Nagpadala kasi ng Royal Decree sa bawat maharlika na pamilya ang  mahal na Emperor sa nalalapit na pagpili ng mapapangasawa ng Royal Highness. Kaya sana pumayag ka na" sabi niya habang nagsusumamo parin sakin. Napabugtong-hininga na lang ako dahil 'di ko siya matanggihan

"Oo na, payag na ako" sabi ko. Hindi ko alam kung bakit napakagaan ng loob ko sa kaniya, may kakaiba sa lugar na ito hindi naman ako ganito ngunit mabuti nadin maaring makatulong ito saakin.

A/N:

Hello our dear Reader!

Feel free to leave a vote and comment .

Gusto din namin malaman ang saloobin niyo.

Lovelots! muah!

Trivia:

Dukes were the rulers of the provinces and the superiors of the counts in the cities and later, in the feudal monarchies, the highest-ranking peers of the king.

A woman who holds in her own right the title to such duchy or dukedom, or is the wife of a duke, is normally styled duchess.

picture of Karina's Diary

picture of Karina's Diary

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ReminiscingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon