Chapter Three

19 0 0
                                    

One month later....

Matiwasay akong natutulog ng mabulabog ako ng katok sa'king kwarto. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto tsaka ko sinipa ng malakas kung sino mang kumakatok sa pintuan ko

"Fuck! ang aga mo mambulabog?!" gigil kong sabi. Dispatyahin ko na kaya to?

Nakita ko namang nakasalampak sa sahig si Lucas at ang kaibigan slash katrabaho ni kuya sa pagnanakaw. Agad naman akong nakarinig ng mga tawanan at nakita kong nandito lahat ang mga alipores ng tukmol na'to, kung di lang talaga to kapatid ni karina matagal ko na itong tinapos.

"Aray naman! Ang brutal mo talaga kahit kailan Karina! Hmp! Heto, pinadalang sulat ni Rinna" sabi niya sabay bato sakin ng sulat na bumagsak naman sa sahig kaya agad ko itong pinulot at binuksan. Invitation pala ito kaya agad kong binasa.


CORINNA

Mamaya na ang pagdalo ko sa Royal Ball kasama ang iba pang aristocrats kaya naman ay abala ang mga magulang ko sa paghahanda ng mga kailangan ko.

Hindi tuloy ako makapunta kay Karina at kay Kuya Stephan.

'kamusta na kaya sila?'

mahinang bulong ko sa kawalan habang tinitignan ang aking sarili sa malaking salamin. Ayaw ko naman talagang dumalo sa Royal Ball na ito sapagkat may-iba naman akong mahal at ang Kuya ni Karina iyon.

Mula ng makilala ko si Stephan nong mga bata pa kami at ng iniligtas niya ako noon sa kapamahakan ay do'n din nagsimulang tumibok ang puso ko para sa kanya, nguni't malaking kahihiyan sa pamilya namin kung hindi ako pupunta sa gaganaping Royal Ball.

Mas mabuti pa sa mga mahihirap, doon mo sa kanila mararamdaman ang tunay na pagmamahal hindi gaya sa buhay na meron ako. Simula bata pa lamang ako ay tila wala ng paki-alam sa akin ang mga magulang ko, hindi ko nga naramdaman ang salitang pagmamahal sa magulang ko dahil ang mas mahalaga lang sa kanila ay ang kanilang pangalan at karangyaan.

Isinasama lang nila ako sa mga magagarbong pagtitipon para ipakilala sa mga anak ng mga taong dumadalo doon, halata namang hindi magaganda ang mga ugali na meron sila at puro pagmamayabang lang ng mga kanilang kayamanan ang alam nila, kaya laking tuwa ko nang makilala ko si Karina dahil sa lahat ng mga taong nakatagpo ko, siya lang ang kakaiba at ang pamilya lang niya ang nagparamdaman sakin ng pagmamahal.

"Lady Corrina?" Agad naman akong nabalik sa reyalidad ng madinig ko ang pangalan ko, nakita kong nasa pintuan na ang butler ko at bitbit ang isang malaking box na panigurado akong nadoon ang pinapakuha ko sa kanya. Nagagalak ko siyang tiningnan

"Iyan na ba ang damit na pinapakuha ko sayo na ipinasadya ko para kay Karina?" may ngiting tanong ko sa kanya agad naman itong tumungo at idinala sa harapan ko malaking box.

Agad ko iyon binuksan at bumungad sa'kin ang isang light pink na gown na may burda ng mga bulaklak, napakaganda nito kahit simple lang. Pinasimplehan ko lang ito dahil hindi mahilig si Karina magsuot ng mga makikinang na damit, kahit medyo moderno na ang aming ekonomiya ay sanay parin ito sa mahahaba niyang damit. Pinagmasdan ko ito at napangiti ako sa nakita ko, tamang-tama ito sa kaniya at natitiyak ko ay napakaganda nito kapag kanyang isinuot.

"Sige, maari ka ng umalis. Salamat. Ah, bago ko nga pala makalimutan, kapag dumating siya dito, maaari mo ba siyang ihatid patungo sa kwarto ko?" tanong ko sa butler. Agad naman siyang tumango at magalang na umalis sa'king kwarto


KARINA


"Itutuloy mo ba talaga ang pagiging isang kanang kamay mo kay Corinna?" nagulat naman ako ng biglang may nagsalita sa tabi ko kaya agad ko iyon na nasapak

"Aray! Mapanakit ka na ah!" reklamo ni Kuya

"Tss. Sino ba kasing may sabing pwede kang pumasok dito sa kwarto ko?" pagsusungit ko sa kanya. Umupo naman siya sa kama at taimtim akong tinignan

"Tutuloy ka ba sa Royal Ball? Itutuloy mo ba yung alok sayo ni Corinna? Diba, napag-usapan na natin ito? Delikado ang pakikipaghalubilo mo sa mga makapangyarihan" pag-aalala nitong sabi

"Alam mo. 'wag kang mag-alala, higit na kaya kong protektahan ang sarili ko. Kaya't mabuti pa ay umalis ka na sa kwarto ko dahil mag-aayos na akong sarili ko" sabi ko, kaya agad naman siyang tumayo at pumunta sa pintuan, bago siya lumabas ng tuluyan ay tinignan niya ulit ako at nagpakawala ng isang bugtong-hininga.

THIRD PERSON POINT OF VIEW


Royal Palace

Lahat ay abala sa pagdidisenyo ng palasyo at pag-aayos ng mga palamuti mula sa paglalatag ng red carpet at paglalagay ng crystal chandelier, maging sa table setting. Tila'y kumikinang ito sa sa sobrang ganda. Sunod-sunod nadin ang paglalabas ng iba pang magagarbo na display na halata mong hindi basta basta ang halaga. Mayroon pang napakaraming ilaw na iba't iba ang kulay na nakapalibot.

Ang Royal Ball na idadaos ay para sa Royal Highness na bunsong anak ng Emperor na magmamana ng trono o susunod na Hari kasabay din nito ang pagpili ng Empress na kasama nitong mamumuno. Ang Royal Ball ay dinadaluhan ng mga mayayamang pamilya at may posisyon sa gobyerno, ang mga anak na babae nila ay inaanyayahang dumalo upang doon makapili ng mapapangasawa ng Prinsipe.


CORINNA

"Narito na po ang inyong hinihintay, Lady Swenheart.'' Agad kong pinabuksan sa aking maid ang pinto at pinapasok si Karina.

Pagkadating ni Karina ay agad ko siya hinigit papalapit sa akin at pina-upo sa dining table. Agad akong nagsalin ng inumin sa baso at ibinigay sa kaniya ang Orange juice. Bukod pa don ay may inihalo ako sa inumin niya na hindi niya alam upang mas madali kong maisagawa ang plano ko sa kaniya na ngayon ay mukhang umaayon saakin ang lahat dahil agad niyang naubos ang juice niya.

''Karina mamaya sa pagdiriwang gusto ko na mag-enjoy ka, 'wag mong intindihin ang mga taong nasa paligid mo" Agad naman itong tumango bilang pagsang-ayon. Bigla akong napatitig sa kaniya ng makita kong mukhang umeepekto na ang gamot ngunit nagawa pa nitong magsalita.

"Kung yun ang gusto mo, ay ikaw ang masusunod.'' Tugon nito sa akin na ikinagulat ko dahil hindi ito ang inaasahan kong isasagot niya.

Napansin ko din ng mga nakaraang araw na kakaiba ang mga kilos nito na tila ibang tao ang nasa harap ko. 'Napangiti tulo'y ako sa naisip ko, mukhang nababaliw na ata ako sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ito. Nang makatulog ito ay agad kong pinabuhat sa butlers ko upang ipasok sa guest room.

''Dahan-dahan ang buhat, pag 'yan ay napilayan patay kayo sa akin!" Pagpapa-alala ko sa kanila. Nagsimula na agad ako sa plano ko at tinawagan ko na ang mag-aayos at mag-aasikaso sa kaniya para sa Royal Ball.

"Panigurado akong 'pag nagising siya ay hindi na niya makikilala ang sarili niya at malalagot ako nito" nasabi ko nalang sa sarili ko at napahagikhik.



A/N: 

How are you? Hope you all fine and healthy.

Can you share your thoughts about our story? Please let us know your comments.

Hope you love it! Enjoy reading 

Please Like and Vote and also follow us.

Take care and God bless 



ReminiscingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon