Chapter Five

20 0 0
                                    


Third Person Point Of View

Habang abala ang lahat sa kasiyahan ay hindi nila alam na may nagbabadya na palang kapahamakan ang naghihintay sa kanila. Ilang grupo ng mga indibidwal ang nagbabalak manggulo sa Royal Ball at ang misyon nila ay patayin ang bunsong anak ng Emperor na ngayon ay mas madali nilang maisasagawa ang plano dahil sa pagdiriwang.

Sunod-sunod ang pag-pasok nila sa isang pasilyo mukhang pinaghandaan nila ng matagal ang planong pag-patay sa Royal highness o Royal Crown Prince.

"Handa na ba ang lahat ng mga armas na gagamitin?" Tanong ng pinuno nito habang hawak ang  baril sa dalawa nitong kamay.

"Opo mahal na Pinuno, lahat ng kailangan ay naayos na pati ang mga tauhan ay naka-set na sa kanilang mga posisyon hinihintay nalang ang hudyat na magsisilbing oras ng pagsasagawa ng plano natin." Tugon dito ng kaniyang tauhan.

"Good! Lahat ay walang sasayangin na oras , hindi tayo maaring pumalpak  sa ating misyonn. Buhay man o patay ang prinsipe ay kailangan nating maidala ang kaniyang katawan sa ating kliyente naiintindihan niyo ba!"

"Masusunod pinuno!"  Sagot ng lahat kaniyang  tauhan sa kaniya.

STEPHAN


Bigla akong nagising mula sa pagkakatulog ko, mukhang masamang panaginip ngunit bigla akong kinutuban ng masama. Agad kong na-isip si Karina kaya agad akong tumayo at nag-bihis mukhang kailangan kong mag-disguise para makapasok ako sa loob ng palasyo, oanigurado akong ngayong oras na ito ay nasa loob na si Karina.

Pakiramdam ko ay may hindi magandang  mangyayari sa palasyo ngunit kahit anong pilit ko kay Karina na 'wag nang tanggapin ang alok ni Corrina ay buo na ang desisyon niya, ang magagawa ko nalang ay siguraduhing ligtas ang aking kapatid. Hangga't nabubuhay ako hinding-hindi ko hayaan na mapahamak siya.

CORINNA

Habang hinihintay ko si Karina ay minabuti ko munang  mag-libot at makisalamuha sa mga bisita na nandito kahit na ayaw ko ay kailangan kong gawin dahil ito ang gusto ng mga magulang ko, ang mapalapit sa mga katulad namin na ang alam ay puro pagmamayabang ng kanilang mga mahahaling kagamitan ang alam nila.

Pabalik na sana ako sa table ng mapansin ko si Karina na palinga-linga agad ko siyang tinawag para makuha ang atensiyon niya, mukhang mali ng pagkakataon dahil pati ang atensiyon ng ibang tao ay mukhang na-agaw ko din dahil sa pag-sigaw ko. Napatingin lahat sa kaniya marahil ay ngayon lang sila nakakita nang isang anghel na bumaba mula sa langit

'Oh-O' mukang nainis ito sa ginawa ko at nag-madaling pumunta sa lamesa at umupo sa upuan. Nagsimula na ang pagdating ng mga iba pang matataas na panauhin at ang huli ay ang mga magulang ko. Hindi ko na natapos ang pagkain ko at umaayos ng postura dahil tiyak na mapaparusahan ako ni Ama.

Nagising ang diwa ko ng makarinig ako ng palakpakan at  nakita kong nag-sitayo ang mga tao kaya naman ay agad akong napatayo, nandito na pala ang  Emperor. Napadako ang tingin ko kay Karina  na mukang busy sa pagkain niya at hindi na nagawang tumayo pa. Naghayag ng kagalakan at pasasalamat ang Emperor sa pagdalo namin at kung ano pa, medyo mahaba-haba din kaya di ko na masiyadong pinansin pa. 

Maya-maya pa ay naramdaman kong tinatawag na ako ng kalikasan kaya agad akong nag-madaling umalis, 'di na ako nakapag-paalam pa kay Karina at nagtungo na sa palikuran, na-alala ko na hindi ko pala masyadong kabisado ang lugar na ito sa sobrang lawak ay nawala ako sa mga pasilyo

ReminiscingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon