IS #5
Milcah's POV
Naiiling nalang ako habang inilalayo ko ang tenga ko sa pintuan ng condo ni Mhai . Ang laki na ng pinagbago niya , hindi naman ganito ang pagkilala ko sa kanya noon ganoon narin ang pagkwekwento saken ni Paul tungkol sa kanya . Napaka baliktad lahat ng mga kinwento niya noon saken tungkol kay Mhai . Tss ! O baka naman kaya siya naging ganyan dahil isang sikat na siyan artista ? mga tao nga naman lumalaki na ang mga ulo kapag sumisikat na .
Biglang bumukas ang pintuan ng condo ni Mhai at iniluwal nito ang kanyang kinaawaang pinsan . Tss ! Kung ako dito sa pinsan niyang ito , matagal ko na siyang nilayasan . Pero mukha yatang nangangailangan ang isang ito dahil hindi man lang naisipang layasan ang pinsan niya . Tss poor her . Pwede naman siyang maghanap ng ibang trabaho e .
" Hi ? " nakangiting bati ko sa kanya
" H-hello , sige alis na ako " sabay talikod nito saken at nilagpasan ako . Pinagkrus ko ang aking mga kamay at hinarap ko ito . Napahinto ito sa paglalakad ng magsalita ako .
" You can find some another work Kate , hindi mo kailangan magtiis sa kamay ng demonyo mong pinsan " unti-unti naman ako nitong nilingon .
" Hindi mo alam ang sinasabi mo at wag na wag mong matawag-tawag na demonyo ang pinsan ko . Wala kang alam , kaya wala kang karapatan na tawagin siyang ganun " matapang nitong sagot na ikinataas lang ng labi ko sa gilid .
" Oh really ? I bow to you now " sabay luhod ng ulo ko , unti-unti ko namang iniangat ang ulo ko at tumingin sa kanya ng nakakaloko " I know a lot of her Kate , from down to top . Pero sige ... wala naman akong magagawa kung ayaw mong iwan yang demonyo mong pinsan , hindi naman ako ang maghihirap " sabay talikod ko sa kanya " Goodbye for now Kate , I know you'll be giving up ... soon "
-
Rinz's POV
Ilang araw na akong hindi nilalandi ni Mercedes at ilang araw narin niya yata? akong iniiwasan . Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito .
Hindi ba dapat masaya ako ?
Pero anong nangyayare saken na para bang hinahanap-hanap ko ang laging pagdidikit-dikit niya saken .
Argh ! Kulang ka lang yata sa tulog Rinz e -_-
" Talk to her Rinz , masyado mo yatang sinaktan yung tao " napasapo pa ako sa kaliwang dibdib ko ng may biglang nagsalita sa tagiliran ko ... It was Michelle .
Kumunot ang noo ko ng dahil doon , kausapin ko siya ?
" Are you insane Mich ? yun nga ang gusto ko hindi ba ? ang layuan niya ako , Kaya bakit ko pa siya kakausapin ? "
" You don't know about her Rinz , you don't know the reason why she's like that to you ... Kung ako sa'yo habanag maaga pa kausapin mo na siya , bago mahuli ang lahat " sabay alis nito .
Nakunot namang noo na sinundan ko siya ng tingin . Anong sinasabi ni Mich ? hindi ko siya maintindihan kung bakit niya sinasabi ang mga salita na iyon .
' Kausapin ko na siya bago mahuli ang lahat ? ' WTH~