IS #6
Lheii's POV
Ano nalang kaya ang sasabihin ng Imba kapag nalaman nila na naging ganito si Angel ? . I think masasaktan sila dahil sarili nilang kaibigan ay kusang sumusuko nalang para hanapin sila .
Sinundan ko na lamang ito ng tingin hanggang sa makapasok siya sa kanyang condo unit . Napabuntong hininga na lamang ako't tumalikod .
Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko ng may bigla na lamang sumulpot sa likuran ko . It's Dwayn .
" What ? " mataray na tanong ko .
" Date ? " napairap nalang ako sa kawalan . Naglakad ako't nilagpasan siya ng hindi sinasagot .
Siya si Dwayn Castro isa noon sa mga manliligaw ni Angel , ngunit hindi ito pinapansin ni Angel at dahil sa naawa ako sa kanya kaya kinakausap ko siya . At ngayon naman -_- ako ang ginugulo niya .
" Lheii ! " tawag nito saken
" Tigilan mo na ako Dwayn , ibalik mo na yang pagtingin mo kay Angel , hindi ako ang babae para sa'yo " sabi ko ng hindi humihinto sa paglalakad
" Pero ikaw na ang gusto ko Lheii , hindi na si Angel " sabi nito habang sinasabayan na ako sa paglalakad .
" You deserved someone better than me Dwayn , ikakasal na ako alam mo yan " napahinto siya sa paglalakad ng dahil doon . Ngunit ako ay ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad hanggang sa makapasok ako ng condo unit ko . Napasandal ako sa pintuan at doon ...
bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa gustong ilabas .
" Mahal na mahal kita Dwayn , pero ...
hindi na pwede "
-
Vee's POV
Argh ! Nakakainis , sa lahat kasi ng pwedeng makatrabaho ko at maging kakambal ko , bakit siya pa ? bakit sa masahol pa sa demonyo ang ugali ? tss !
" Ghie ? " bumalik ako sa katinuan ko ng may kumalabit saken . Nakataas naman ang isang kilay na nilingon ko siya . Siya si Margarett Salvador o mas kilala bilang Marga Salvador .
" What ? " may itinuro naman ito sa likuran ko kaya sinundan ko ito ng tingin . Kumunot ang noo ko ng makitang nakapameywang si Direk habang nakatingin saken . Unti-unti naman iyong nawala at nanlaki ang mga mata ko . Uh-oh !
" Lutang kananaman Ghie Dominguez ! What happen to you ? nasa gitna tayo ng pagsho-shoot ng bigla ka nanamang natulala . Ano ba iha ? may problema ka ba kaya wala ka nanaman sa sarili mo ? " - sunod-sunod na sermon nito saken . Inalis ko naman ang tingin ko sa direktor at itinuon ito kay Mngr. Marie na nakasapo ang ulo sa kanyang kamay at ng mapadpad naman ito sa kinatatayuan ng Oh so called kong kakambal , ay nakangisi ito ng nakakaloko .
Sumama ang tingin ko sa kanya ng dahil doon . ' Siya Direk , siya ang dahilan kung bakit ako natutulala sa tuwing shoot . Siya ! Ang magaling kong plastik na kakambal ! ' gusto kong sabihin iyan pero ... tumingin ako kay Mngr. Marie , naawa na ako kay Mngr Marie na puro sakit lang sa ulo lagi ang dala ko sa kanya .