J E N E L L E ' S
"Aalis na po ako Ma" sabi ko kay Mama
"Sige ingat ka ah" sabi sa akin ni Mama at pumunta ako sa may bus stop at naghintay ng bus na papunta sa Treasure university.
"Jenelle!" Sigaw ni Sharlene, bestfriend ko.
"Ang aga natin ngayon ah. Anong motivation mo?" Tanong niya sa akin
"Wala. Palagi naman ako maaga ah" sabi ko sa kanya
"Ay oo nga pala. Halika na pasok na tayo" Sabi niya at pumasok na kami sa Campus
. . . . .
"Tapos Jenelle, naiinis ako kay Yohan Oppa kanina. Aalis na ako sa bahay tas gagawa pa siya ng kalokohan" sabi niya sa akin, simula nung pumasok kami sa campus, ang dami na niya sinasabi sa amin di ko na ata mabilang kung pang-ilan toh.
"Sus hayaan mo nalang yun, palagi naman siya ganyan kaya masana-" di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil binangga ako ni Jihoon, ang kaaway ko.
"Ano ba?!" Tanong ko sa kanya ngunit nakangisi lang siya
"Di ka kase tumitingin sa dinadaanan mo" sabi niya
"Ako pa nga ang nasisi. Ikaw nga yung nagbangga sa akin tas ako pa may kasalanan?! Wow halika ka na nga Sharlene" papasok na sana kami sa Classroom pero hinarangan lang kami ni Jihoon.
"Isa" gigil na sabi ko sa kanya
"Isa" pang-gagaya niya sa akin
"Ano ba Park Jihoon?" Tanong ko sa kanya
"Ano ba Park Jihoon" pang-gagaya niya sa akin ulit
"Bahala ka nga diyan" sabi ko sa kanya at pinilit kong inalis ang katawan niya na nakaharang sa may pintuan.
"tsk" sabi ko bago ako umupo.

BINABASA MO ANG
Enemies | p.jihoon
Fanfiction❝ Sa tingin mo ba kaaway parin ang tingin ko sayo? ❞ ➳ started: 08-10-20 ➳ ended: 08-27-20 Treasure series #1 © jihoonedttt 2020